Mga Gawa 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagdating ng Banal na Espiritu
2 Pagsapit ng Araw ng Pentecostes,[a] nagtitipon silang lahat sa isang lugar. 2 Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. 3 May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. 5 Naninirahan noon sa Jerusalem ang mga Judiong masigasig sa kanilang pananampalataya. Galing pa sila sa iba't ibang mga bansa. 6 Nang dumating ang ugong na ito, nagtipon sila at namangha sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa mga wika nilang mga nakikinig. 7 Labis silang nagulat at namangha, kaya't sila'y nagtanong, “Pakinggan ninyo! Hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito? 8 Paanong nangyaring naririnig ng bawat isa sa atin ang ating mga sariling wika sa kanila? 9 Tayong mga Parto, mga Medo, mga Elamita, mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia. 10 Mayroon din sa ating taga-Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga lupain ng Libya na sakop ng Cirene, at mga panauhing taga-Roma, mga Judio at mga nahikayat maging Judio. 11 May mga taga-Creta at taga-Arabia rin dito. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga sariling wika tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos?” 12 Namangha sila at nalito, kaya sila'y nagtanungan, “Ano ang kahulugan nito?” 13 Ngunit ang iba nama'y may pangungutyang nagsabi, “Lasing ang mga iyan.” 14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ang labing-isa, at nagpahayag sa malakas na tinig, “Mga kababayan kong Judio at mga naninirahan sa Jerusalem, unawain ninyo ito at makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. 15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng akala ninyo. Ngayo'y ikasiyam pa lang ng umaga.[b] 16 Sa halip, ang pangyayaring ito'y katuparan ng sinabi ni propeta Joel:
17 ‘Ito ang mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Diyos,
ibubuhos ko sa lahat ng tao ang aking Espiritu;
magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at babae ng mensahe mula sa Diyos,
makakakita ng pangitain ang inyong mga kabataang lalaki,
mananaginip ang inyong mga matatandang lalaki,
18 maging sa mga aliping lalaki at babae,
sa mga araw na iyon ay ibubuhos ko ang aking Espiritu,
at sila'y magpapahayag.
19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit,
at ng mga tanda sa lupa;
dugo, apoy, at makapal na usok.
20 Magdidilim ang araw,
at magkukulay-dugo ang buwan,
bago sumapit ang dakila at maningning na Araw ng Panginoon.
21 At mangyayari na sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Jesus na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo. 23 Sa mula't mula pa'y alam na at ipinasya na ng Diyos na ibigay sa inyo si Jesus. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan. 24 Subalit ang Diyos ang muling bumuhay sa kanya, at nagpalaya sa kanya mula sa pagdurusa ng kamatayan, dahil wala naman itong kakayahang maghari sa kanya. 25 Gaya nga ng sinabi ni David tungkol sa kanya:
‘Noon pa'y nakita kong lagi kong kapiling ang Panginoon;
Siya'y kasama ko[c] kaya't hindi ako matitinag.
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso at sa dila ko'y nag-umapaw ang tuwa,
at ang aking katawan ay mabubuhay sa pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y hindi mo hahayaan sa kamatayan[d];
o ipahihintulot man lang na ang iyong Banal ay makaranas ng kabulukan.
28 Ipinakita mo sa akin ang mga daan ng buhay,
at sa piling mo'y mapupuno ako ng kagalakan.’
29 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya'y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa'y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ng Diyos ang Cristo nang kanyang sabihin:
‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya'y makaranas ng kabulukan.’
32 Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos. 33 Dahil iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon. 34 Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, subalit sinabi niya: Ang Panginoon ang nagsabi sa aking Panginoon: ‘Maupo ka sa aking kanan, 35 hanggang mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.’ 36 Kaya't dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Jesus na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ng Diyos na Panginoon at Cristo.” 37 Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig nila ang sinabi ni Pedro, kaya't nagtanong sila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?” 38 Sumagot si Pedro, “Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu. 39 Sapagkat para sa inyo ang pangako, at para sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, at sa lahat ng tatawagin ng ating Panginoong Diyos tungo sa kanya.” 40 Marami pang sinabi si Pedro bilang patunay upang sila'y himukin. Nakiusap siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa masamang lahing ito.” 41 Kaya't nagpabautismo ang tumanggap sa kanyang sinabi. At nang araw na iyon, may tatlong libong katao ang nadagdag sa mga alagad. 42 Masigasig silang nanatili sa mga turo ng apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa pananalangin.
Ang Buhay ng Magkakapatid
43 Naghari sa lahat ang takot, at maraming kababalaghan at himala ang naganap sa pamamagitan ng mga apostol. 44 At (A) nagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 46 Araw-araw silang nagsasama-sama sa templo, at nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay. Ginagawa nila ang mga ito nang may galak at bukás na kalooban. 47 Habang nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng mga tao, ay araw-araw namang idinaragdag ng Panginoon sa kanila ang kanyang mga inililigtas.
Footnotes
- Mga Gawa 2:1 Pentecostes: Limampung Araw ito matapos ang Paskuwa, isang panahon kung saan ipinagdiriwang ng mga Judio ang Pista ng Mga Ani. Tingnan ang Ex. 23:16; 34:22; Lev. 23:15-21; Deut. 16:9-12.
- Mga Gawa 2:15 Sa Griyego, ikatlong oras.
- Mga Gawa 2:25 Sa Griyego, nasa kanan ko.
- Mga Gawa 2:27 Sa Griyego, sa Hades, lugar ng kamatayan.
Acts 2
International Children’s Bible
The Coming of the Holy Spirit
2 When the day of Pentecost came, they were all together in one place. 2 Suddenly a noise came from heaven. It sounded like a strong wind blowing. This noise filled the whole house where they were sitting. 3 They saw something that looked like flames of fire. The flames were separated and stood over each person there. 4 They were all filled with the Holy Spirit, and they began to speak different languages. The Holy Spirit was giving them the power to speak these languages.
5 There were some religious Jews staying in Jerusalem who were from every country in the world. 6 When they heard this noise, a crowd came together. They were all surprised, because each one heard them speaking in his own language. 7 They were completely amazed at this. They said, “Look! Aren’t all these men that we hear speaking from Galilee?[a] 8 But each of us hears them in his own language. How is this possible? We are from different places: 9 Parthia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea, Cappadocia, Pontus, Asia, 10 Phrygia, Pamphylia, Egypt, the areas of Libya near Cyrene, Rome 11 (both Jews and those who had become Jews), Crete and Arabia. But we hear these men telling in our own languages about the great things God has done!” 12 They were all amazed and confused. They asked each other, “What does this mean?”
13 But others were making fun of them, saying, “They have had too much wine.”
Peter Speaks to the People
14 But Peter stood up with the 11 apostles. In a loud voice he spoke to the crowd: “My fellow Jews, and all of you who are in Jerusalem, listen to me. Pay attention to what I have to say. 15 These men are not drunk, as you think; it is only nine o’clock in the morning! 16 But Joel the prophet wrote about what is happening here today:
17 ‘God says: In the last days
I will give my Spirit freely to all kinds of people.
Your sons and daughters will prophesy.
Your old men will dream dreams.
Your young men will see visions.
18 At that time I will give my Spirit
even to my servants, both men and women.
And they will prophesy.
19 I will show miracles
in the sky and on the earth:
blood, fire and thick smoke.
20 The sun will become dark.
The moon will become red as blood.
And then the great and glorious day of the Lord will come.
21 Then anyone who asks the Lord for help
will be saved.’ Joel 2:28-32
22 “Men of Israel, listen to these words: Jesus from Nazareth was a very special man. God clearly showed this to you by the miracles, wonders, and signs God did through him. You all know this, because it happened right here among you. 23 Jesus was given to you, and you killed him. With the help of evil men you nailed him to a cross. But God knew all this would happen. This was God’s plan which he had made long ago. 24 God raised Jesus from death. God set him free from the pain of death. Death could not hold him. 25 For David said this about him:
‘I keep the Lord before me always.
Because he is close by my side,
I will not be hurt.
26 So I am glad, and I rejoice.
Even my body has hope.
27 This is because you will not leave me in the grave.
You will not let your Holy One rot.
28 You will teach me God’s way to live.
Being with you will fill me with joy.’ Psalm 16:8-11
29 “Brothers, I can tell you truly about David, our ancestor. He died and was buried. His grave is still here with us today. 30 David was a prophet and knew what God had said. God had promised David that he would make a person from David’s family a king just as he was.[b] 31 David knew this before it happened. That is why he said:
‘He was not left in the grave.
His body did not rot.’
David was talking about the Christ rising from death. 32 So Jesus is the One who God raised from death! And we are all witnesses to this. 33 Jesus was lifted up to heaven and is now at God’s right side. The Father has given the Holy Spirit to Jesus as he promised. So now Jesus has poured out that Spirit. This is what you see and hear. 34 David was not the one who was lifted up to heaven. But he said:
‘The Lord said to my Lord:
Sit by me at my right side,
35 until I put your enemies under your control.’[c] Psalm 110:1
36 “So, all the people of Israel should know this truly: God has made Jesus both Lord and Christ. He is the man you nailed to the cross!”
37 When the people heard this, they were sick at heart. They asked Peter and the other apostles, “What shall we do?”
38 Peter said to them, “Change your hearts and lives and be baptized, each one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins. And you will receive the gift of the Holy Spirit. 39 This promise is for you. It is also for your children and for all who are far away. It is for everyone the Lord our God calls to himself.”
40 Peter warned them with many other words. He begged them, “Save yourselves from the evil of today’s people!” 41 Then those people who accepted what Peter said were baptized. About 3,000 people were added to the number of believers that day. 42 They spent their time learning the apostles’ teaching. And they continued to share, to break bread,[d] and to pray together.
The Believers Share
43 The apostles were doing many miracles and signs. And everyone felt great respect for God. 44 All the believers stayed together. They shared everything. 45 They sold their land and the things they owned. Then they divided the money and gave it to those people who needed it. 46 The believers met together in the Temple every day. They all had the same purpose. They broke bread in their homes, happy to share their food with joyful hearts. 47 They praised God, and all the people liked them. More and more people were being saved every day; the Lord was adding those people to the group of believers.
Footnotes
- 2:7 from Galilee The people thought men from Galilee could speak only their own language.
- 2:30 God . . . was. See 2 Samuel 7:13; Psalm 132:11.
- 2:35 until . . . control Literally, “until I make your enemies a footstool for your feet.”
- 2:42 break bread This may mean a meal as in verse 46, or the Lord’s Supper, the special meal Jesus told his followers to eat to remember him (Luke 22:14–20).
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The Holy Bible, International Children’s Bible® Copyright© 1986, 1988, 1999, 2015 by Thomas Nelson. Used by permission.

