Gawa 15:39-41
Ang Salita ng Diyos
39 Nagkaroon ng mahigpit na pagtatalo kaya sila ay naghiwalay sa isa’t isa. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sa Chipre. 40 Hinirang ni Pablo si Silas at yumaon sila na ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Diyos. 41 Tinahak nila ang Siria at Cilicia, na pinatatatag ang mga iglesiya.
Read full chapter
Mga Gawa 15:39-41
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa kanilang paghihiwalay. Isinama ni Bernabe si Marcos, at naglayag patungong Cyprus. 40 Pinili naman ni Pablo si Silas, at sila'y umalis matapos ipagtagubilin ng mga kapatid sa pag-iingat ng Panginoon. 41 Naglakbay siya sa Syria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
