Gawa 14:4-6
Ang Salita ng Diyos
4 Ngunit ang napakaraming tao sa lungsod ay nagkabaha-bahagi. Ang isang bahagi ay pumanig sa mga Judio at ang isang bahagi naman ay pumanig sa mga alagad. 5 Nagkaroon ng kilusan sa mga Gentil at sa mga Judio rin naman kasama ang kanilang mga pinuno upang sila ay hamakin at batuhin. 6 Nang nalaman nila ito, sila ay tumakas patungong Listra at Derbe na mga lungsod ng Licaonia at sa mga lupain sa palibot nito.
Read full chapter
Mga Gawa 14:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Kaya't nagkabaha-bahagi ang mga mamamayan ng lungsod. Ang iba ay pumanig sa mga Judio, ang iba nama'y sa mga apostol. 5 Pinagtangkaan ng mga Hentil at ng mga Judio, kasama ang kanilang mga pinuno, na saktan at batuhin ang mga apostol. 6 Subalit nang nalaman iyon ng dalawa, sila'y tumakas patungong Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa mga karatig na lupain.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
