Add parallel Print Page Options

Sa Iconio

14 Sa Iconio, sila ay magkasamang pumasok sa sinagoga ng mga Judio. Sila ay nagsalita, at sumampalataya ang napakaraming tao kapwa mga Judio at mga Griyego.

Ngunit inudyukan ng mga di naniniwalang Judio ang mga Gentil. At pinasama ang kanilang mga isipan laban sa mga kapatid. Sila nga ay tumira doon ng mahabang panahon. Buong tapang silang nangaral para sa Panginoon. Pinatotohanan ng Panginoon ang salita ng kaniyang biyaya at pinagkalooban silang gawin ang mga tanda at mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.

Read full chapter

Sa Iconio

14 Ganoon din ang nangyari sa Iconio. Magkasamang pumasok sina Pablo at Bernabe sa sinagoga ng mga Judio. Nangaral sila roon at marami sa mga Judio at Griyego ang sumampalataya. Ngunit ang mga Hentil ay inudyukan ng mga Judiong ayaw sumampalataya, at nilason ang kanilang mga pag-iisip laban sa mga kapatid. Dahil dito'y matagal na nanatili roon sina Pablo at Bernabe at buong tapang na nangaral para sa Panginoon. Pinatunayan naman ng Panginoon ang pangangaral nila tungkol sa kanyang kagandahang-loob sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghang kanilang ginagawa.

Read full chapter