Mga Gawa 11:27-29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
27 Nang panahong iyon ay dumating sa Antioquia ang mga propetang galing sa Jerusalem. 28 (A) Tumindig ang isa sa kanila na ang pangalan ay Agabo, at sa pamamagitan ng Espiritu ay nagpahayag na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong daigdig. Nangyari ito noong panahon ni Claudio. 29 Nagpasya ang mga alagad, na ayon sa makakaya ng bawat isa'y magpadala ng tulong sa mga kapatid na naninirahan sa Judea.
Read full chapter
Mga Gawa 11:27-29
Ang Biblia (1978)
27 Nang mga araw ngang ito ay may (A)lumusong sa Antioquia na mga propetang galing sa Jerusalem.
28 At nagtindig ang isa sa kanila na nagngangalang (B)Agabo, at ipinaalam sa pamamagitan ng Espiritu na magkakagutom ng malaki sa buong sanglibutan: na nangyari nang mga kaarawan ni (C)Claudio.
29 At ang mga alagad, ayon sa kaya ng bawa't isa, ay nangagpasiyang magpadala ng saklolo sa mga (D)kapatid na nangananahan sa Judea:
Read full chapter
Acts 11:27-29
New International Version
27 During this time some prophets(A) came down from Jerusalem to Antioch. 28 One of them, named Agabus,(B) stood up and through the Spirit predicted that a severe famine would spread over the entire Roman world.(C) (This happened during the reign of Claudius.)(D) 29 The disciples,(E) as each one was able, decided to provide help(F) for the brothers and sisters(G) living in Judea.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

