Galacia 5:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabaliwala ninyo si Cristo. 3 Binabalaan ko ang lahat ng taong nagpapatuli, tungkulin nilang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at napalayo kayo sa kagandahang-loob ng Diyos.
Read full chapter
Galacia 5:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Pakinggan ninyo ito! Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo: kung kayo'y patutuli, mawawalan ng kabuluhan sa inyo si Cristo. 3 Narito muli ang aking babala: bawat taong nagpatuli ay kailangang tumupad sa buong kautusan. 4 Kayong mga nagnanais na ituring na matuwid sa pamamagitan ng Kautusan, napalayo na kayo kay Cristo at nawalay mula sa kanyang biyaya.
Read full chapter
Galacia 5:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, (A)na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
3 Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, (B)na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, (C)kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula (D)sa biyaya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
