Add parallel Print Page Options

Umahon ako ayon sa inihayag ng Diyos sa akin at ipinaliwanag ko sa kanila ang ebanghelyo na aking ipinangaral sa mga Gentil. Ngunit sa mga ipinapalagay na nasa matataas na katungkulan ay ipinaliwanag ko nang sarilinan ang ebanghelyo, baka ako ay tumatakbo o tumakbo ng walang katuturan. Bagaman si Tito na kasama ko ay isangGriyego, hindi nila siya napilit na magpatuli. Ito ay kagagawan ng ilang hindi tunay na mga kapatid na pumasok ng palihim upang matyagan ang kalayaang tinaglay namin kay Cristo Jesus nang sa gayon gawin nila kaming mga alipin.

Read full chapter