Galacia 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagbati
1 Mula kay Pablo, apostol na hinirang hindi ng tao, o sa pamamagitan man ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama, na siyang muling bumuhay sa kanya mula sa mga patay; 2 mula na rin sa lahat ng mga kapatid na naririto, magkakasama kaming bumabati sa mga iglesya sa Galacia: 3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama, at mula sa ating Panginoong Jesu-Cristo, 4 siya na ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama ay nag-alay ng kanyang sarili dahil sa ating mga kasalanan upang tayo'y palayain mula sa kasamaang naghahari sa kasalukuyang panahon. 5 Sa Diyos ang kaluwalhatian magpakailanman! Amen.
Kaisa-isang Ebanghelyo
6 Nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang kabilis ninyong tinalikuran ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at kayo'y bumaling agad sa ibang ebanghelyo. 7 Ang totoo'y wala namang ibang ebanghelyo. Subalit sinabi ko ito sapagkat may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baluktutin ang ebanghelyo ni Cristo. 8 Subalit sinuman ang mangaral ng ebanghelyong naiiba kaysa ipinangaral na namin sa inyo, kami man ito o isang anghel mula sa langit, dapat siyang sumpain ng Diyos! 9 Sinabi na namin ito noon, at ngayo'y uulitin ko: sinuman ang mangaral sa inyo ng kakaibang ebanghelyo kaysa tinanggap na ninyo ay dapat sumpain ng Diyos!
10 Ang tao ba o ang Diyos ang nais kong bigyan ng lugod? Hangad ko ba ang pagsang-ayon ng tao? Sapagkat kung ang hangad ko ay bigyang-lugod pa rin ang mga tao, hindi na sana ako naging alipin pa ni Cristo!
Ang Pagkatawag kay Pablo
11 Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyong aking ipinangangaral ay hindi ayon sa tao. 12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo. 13 Hindi naman (A) kaila sa inyo kung paano ako nabuhay noon bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Masugid kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito. 14 Tinupad ko ang kaugaliang Judio (B) nang higit pa kaysa ginawa ng maraming Judiong kasing-edad ko. Ito'y dahil sa aking maalab na malasakit sa kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Subalit (C) ayon sa kagandahang-loob ng Diyos ay hinirang niya akong maglingkod sa kanya bago pa ako isinilang. At nang minarapat na niyang 16 ipahayag ang kanyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. 17 Hindi rin ako kaagad nagtungo sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.
18 Tatlong taon pa ang nagdaan (D) bago ako nagtungo sa Jerusalem upang dalawin si Pedro.[a] Namalagi akong kasama niya ng labinlimang araw. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol, maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 20 Sa harap ng Diyos ay tinitiyak ko sa inyo na ang lahat ng isinusulat kong ito'y hindi pagsisinungaling. 21 Pagkatapos ay nagtungo ako sa mga lupain ng Syria at Cilicia. 22 Hindi pa ako kilala noon ng mga mananampalataya kay Cristo na kaanib sa mga iglesya ng Judea. 23 Narinig lamang nila ang ganitong mga salita tungkol sa akin, “Ang lalaking dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng pananampalatayang dati'y sinikap niyang wasakin.” 24 Kaya't kanilang niluwalhati ang Diyos dahil sa akin.
Footnotes
- Galacia 1:18 Sa orihinal ay Cefas.
Galacia 1
Ang Dating Biblia (1905)
1 Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay;)
2 At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga iglesia ng Galacia:
3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo,
4 Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama:
5 Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
6 Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
7 Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.
8 Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
9 Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil.
10 Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.
12 Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.
13 Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:
14 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, palibhasa'y totoong masikap ako sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang.
15 Nguni't nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,
16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:
17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.
18 Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.
19 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.
20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling.
21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia.
22 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo.
23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;
24 At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.
Galatians 1
New International Version
1 Paul, an apostle(A)—sent not from men nor by a man,(B) but by Jesus Christ(C) and God the Father,(D) who raised him from the dead(E)— 2 and all the brothers and sisters[a] with me,(F)
To the churches in Galatia:(G)
3 Grace and peace to you from God our Father and the Lord Jesus Christ,(H) 4 who gave himself for our sins(I) to rescue us from the present evil age,(J) according to the will of our God and Father,(K) 5 to whom be glory for ever and ever. Amen.(L)
No Other Gospel
6 I am astonished that you are so quickly deserting the one who called(M) you to live in the grace of Christ and are turning to a different gospel(N)— 7 which is really no gospel at all. Evidently some people are throwing you into confusion(O) and are trying to pervert(P) the gospel of Christ. 8 But even if we or an angel from heaven should preach a gospel other than the one we preached to you,(Q) let them be under God’s curse!(R) 9 As we have already said, so now I say again: If anybody is preaching to you a gospel other than what you accepted,(S) let them be under God’s curse!
10 Am I now trying to win the approval of human beings, or of God? Or am I trying to please people?(T) If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ.
Paul Called by God
11 I want you to know, brothers and sisters,(U) that the gospel I preached(V) is not of human origin. 12 I did not receive it from any man,(W) nor was I taught it; rather, I received it by revelation(X) from Jesus Christ.(Y)
13 For you have heard of my previous way of life in Judaism,(Z) how intensely I persecuted the church of God(AA) and tried to destroy it.(AB) 14 I was advancing in Judaism beyond many of my own age among my people and was extremely zealous(AC) for the traditions of my fathers.(AD) 15 But when God, who set me apart from my mother’s womb(AE) and called me(AF) by his grace, was pleased 16 to reveal his Son in me so that I might preach him among the Gentiles,(AG) my immediate response was not to consult any human being.(AH) 17 I did not go up to Jerusalem to see those who were apostles before I was, but I went into Arabia. Later I returned to Damascus.(AI)
18 Then after three years,(AJ) I went up to Jerusalem(AK) to get acquainted with Cephas[b] and stayed with him fifteen days. 19 I saw none of the other apostles—only James,(AL) the Lord’s brother. 20 I assure you before God(AM) that what I am writing you is no lie.(AN)
21 Then I went to Syria(AO) and Cilicia.(AP) 22 I was personally unknown to the churches of Judea(AQ) that are in Christ.(AR) 23 They only heard the report: “The man who formerly persecuted us is now preaching the faith(AS) he once tried to destroy.”(AT) 24 And they praised God(AU) because of me.
Footnotes
- Galatians 1:2 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family; also in verse 11; and in 3:15; 4:12, 28, 31; 5:11, 13; 6:1, 18.
- Galatians 1:18 That is, Peter
Gálatas 1
Almeida Revista e Corrigida 2009
Prefácio e saudação
1 Paulo, apóstolo (não da parte dos homens, nem por homem algum, mas por Jesus Cristo e por Deus Pai, que o ressuscitou dos mortos), 2 e todos os irmãos que estão comigo, às igrejas da Galácia: 3 graça e paz, da parte de Deus Pai e da de nosso Senhor Jesus Cristo, 4 o qual se deu a si mesmo por nossos pecados, para nos livrar do presente século mau, segundo a vontade de Deus, nosso Pai, 5 ao qual glória para todo o sempre. Amém!
A inconstância dos gálatas. Paulo vindica a autoridade divina do seu apostolado e da sua doutrina
6 Maravilho-me de que tão depressa passásseis daquele que vos chamou à graça de Cristo para outro evangelho, 7 o qual não é outro, mas há alguns que vos inquietam e querem transtornar o evangelho de Cristo. 8 Mas, ainda que nós mesmos ou um anjo do céu vos anuncie outro evangelho além do que já vos tenho anunciado, seja anátema. 9 Assim como já vo-lo dissemos, agora de novo também vo-lo digo: se alguém vos anunciar outro evangelho além do que já recebestes, seja anátema.
10 Porque persuado eu agora a homens ou a Deus? Ou procuro agradar a homens? Se estivesse ainda agradando aos homens, não seria servo de Cristo. 11 Mas faço-vos saber, irmãos, que o evangelho que por mim foi anunciado não é segundo os homens, 12 porque não o recebi, nem aprendi de homem algum, mas pela revelação de Jesus Cristo. 13 Porque já ouvistes qual foi antigamente a minha conduta no judaísmo, como sobremaneira perseguia a igreja de Deus e a assolava. 14 E, na minha nação, excedia em judaísmo a muitos da minha idade, sendo extremamente zeloso das tradições de meus pais. 15 Mas, quando aprouve a Deus, que desde o ventre de minha mãe me separou e me chamou pela sua graça, 16 revelar seu Filho em mim, para que o pregasse entre os gentios, não consultei carne nem sangue, 17 nem tornei a Jerusalém, a ter com os que já antes de mim eram apóstolos, mas parti para a Arábia e voltei outra vez a Damasco.
18 Depois, passados três anos, fui a Jerusalém para ver a Pedro e fiquei com ele quinze dias. 19 E não vi a nenhum outro dos apóstolos, senão a Tiago, irmão do Senhor. 20 Ora, acerca do que vos escrevo, eis que diante de Deus testifico que não minto. 21 Depois, fui para as partes da Síria e da Cilícia. 22 E não era conhecido de vista das igrejas da Judeia, que estavam em Cristo; 23 mas somente tinham ouvido dizer: Aquele que já nos perseguiu anuncia, agora, a fé que, antes, destruía. 24 E glorificavam a Deus a respeito de mim.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Copyright 2009 Sociedade Bíblica do Brasil. Todos os direitos reservados / All rights reserved.

