Font Size
Galacia 1:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Galacia 1:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagkatawag kay Pablo
11 Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyong aking ipinangangaral ay hindi ayon sa tao. 12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo. 13 Hindi naman (A) kaila sa inyo kung paano ako nabuhay noon bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Masugid kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.