Add parallel Print Page Options

Tinawag ng Diyos si Pablo

11 Mga kapatid, ipinaalam ko sa inyo, na ang ebanghelyo na ipinangaral ko ay hindi nagmula sa tao.

12 Ito ay sapagkat hindi ko ito tinanggap mula sa tao, ni itinuro man ito ng tao sa akin. Bagkus, ipinahayag ito ni Jesucristo sa akin.

13 Sapagkat narinig na ninyo ang patungkol sa dati kong paraan ng pamumuhay noong ako ay sakop pa ng Judaismo. Labis kong pinag-uusig ang iglesiya ng Diyos at winawasak ko ito. 14 Nahigitan ko sa pagtupad sa mga kaugaliang Judaismo ang mga kasinggulang ko na aking kalahi. Ako ay nagsumi­gasig ng labis sa pagsunod sa mga kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking ina, pinili na ako ng Diyos at tinawag na niya ako sa pamamagitan ng kaniyang biyaya. 16 Ikinalugod ng Diyos na mahayag sa akin ang kaniyang Anak upang maipangaral ko siya sa mga Gentil. Hindi ako sumangguni agad sa tao. 17 Hindi rin ako umahon sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, ako ay nagpunta sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco.

18 Makalipas ang tatlong taon, umahon ako sa Jerusalem upangmakipagkilala kay Pedro. Tumira akong kasama niya sa loob ng dalawang linggo. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol maliban kay Santiago na nakakabatang kapatid ng Panginoon. 20 Patungkol sa mga bagay na ito na aking sinusulat, pinatutunayan ko sa harap ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. 21 Pagkatapos, pumunta ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. 22 Hindi pa kilala ng mga iglesiya ni Cristo sa Judea ang aking mukha. 23 Narinig lang nila ang patungkol sa akin. Narinig nila na: Ang lalaking dating umuusig sa atinay nangangaral na ngayon ng ebanghelyo. Ipinangangaral niyaang pananampalatayang dati ay kaniyang winawasak. 24 At niluwalhati nila ang Diyos dahil sa akin.

Read full chapter

Ang Pagkatawag kay Pablo

11 Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyong aking ipinangangaral ay hindi ayon sa tao. 12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo. 13 Hindi naman (A) kaila sa inyo kung paano ako nabuhay noon bilang masugid na kaanib ng Judaismo. Masugid kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na wasakin ito. 14 Tinupad ko ang kaugaliang Judio (B) nang higit pa kaysa ginawa ng maraming Judiong kasing-edad ko. Ito'y dahil sa aking maalab na malasakit sa kaugalian ng aking mga ninuno. 15 Subalit (C) ayon sa kagandahang-loob ng Diyos ay hinirang niya akong maglingkod sa kanya bago pa ako isinilang. At nang minarapat na niyang 16 ipahayag ang kanyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. 17 Hindi rin ako kaagad nagtungo sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco.

18 Tatlong taon pa ang nagdaan (D) bago ako nagtungo sa Jerusalem upang dalawin si Pedro.[a] Namalagi akong kasama niya ng labinlimang araw. 19 Ngunit wala akong nakitang ibang apostol, maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. 20 Sa harap ng Diyos ay tinitiyak ko sa inyo na ang lahat ng isinusulat kong ito'y hindi pagsisinungaling. 21 Pagkatapos ay nagtungo ako sa mga lupain ng Syria at Cilicia. 22 Hindi pa ako kilala noon ng mga mananampalataya kay Cristo na kaanib sa mga iglesya ng Judea. 23 Narinig lamang nila ang ganitong mga salita tungkol sa akin, “Ang lalaking dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng pananampalatayang dati'y sinikap niyang wasakin.” 24 Kaya't kanilang niluwalhati ang Diyos dahil sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 1:18 Sa orihinal ay Cefas.