Filipos 3
Ang Biblia (1978)
3 Sa katapustapusan, mga kapatid ko, (A)mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.
2 Magsipagingat kayo sa mga aso, (B)magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, (C)magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli:
3 Sapagka't tayo (D)ang pagtutuli, (E)na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:
4 Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli ng ikawalong araw, (F)mula sa lahi ng Israel, (G)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (H)Fariseo;
6 Tungkol (I)sa pagsisikap, (J)ay manguusig sa iglesia; (K)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.
7 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.
8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (L)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,
9 At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (M)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (N)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:
10 Upang makilala ko siya, at (O)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (P)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;
11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.
12 Hindi sa ako'y (Q)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.
13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (R)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (S)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (T)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong (U)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:
16 (V)Lamang, ay magsilakad tayo (W)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.
17 Mga kapatid, (X)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (Y)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (Z)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (AA)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (AB)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (AC)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (AD)ay nasa langit; mula doon ay (AE)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
21 Na (AF)siyang magbabago (AG)ng katawan ng ating pagkamababa, (AH)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (AI)ayon sa paggawa na (AJ)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.
Filipos 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Tunay na Pagiging Matuwid
3 Ngayon, mga kapatid, magalak kayo sa Panginoon. Hindi ako magsasawang sabihin ito nang paulit-ulit dahil para ito sa kabutihan ninyo. 2 Mag-ingat kayo sa mga Judio na namimilit na tuliin ang mga hindi Judio. Mga asal-hayop sila at gumagawa ng masama. 3 Ngunit tayo ang totoong tuli,[a] dahil sumasamba tayo sa Dios sa tulong ng Banal na Espiritu, at ipinagmamalaki ang ginawa ni Cristo Jesus. Hindi tayo nagtitiwala sa mga panlabas na seremonya o panuntunan para maligtas tayo. 4 Kung sabagay, mayroon akong maipagmamalaki kung ang pagsunod sa mga seremonya ang pag-uusapan. Kung iniisip ninuman na may katuwiran siyang magmalaki sa mga bagay na ito, lalo na ako. 5 Sapagkat noong walong araw pa lamang ako ay tinuli na ako. Isa akong Israelita na mula sa lahi ni Benjamin. Kaya kung pagiging tunay na Judio ang pag-uusapan, talagang tunay akong Judio. At kung pagsunod sa Kautusan ng mga Judio naman ang pag-uusapan, talagang sinusunod ko ito dahil Pariseo ako. 6 Kung tungkol naman sa sigasig ng pagsunod ko sa relihiyon ng mga Judio, inusig ko ang iglesya. Walang maipipintas sa akin pagdating sa pagsunod sa Kautusan. 7 Pinapahalagahan ko noon ang lahat ng ito, pero ngayon itinuturing ko na itong walang halaga dahil kay Cristo. 8 At hindi lang iyan, para sa akin, ang lahat ng bagay ay walang halaga kung ihahambing sa pagkakakilala ko kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Itinuring ko na parang basura ang lahat ng bagay makamtan lang si Cristo, 9 at ako namaʼy maging kanya. Hindi na ako nagtitiwala na akoʼy magiging matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan kundi sa pananampalataya kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ay kaloob sa akin ng Dios nang sumampalataya ako kay Cristo. 10 Nais ko ngayon na higit pang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya. 11 Sa ganoon, mabubuhay akong muli. Harinawa.
Magpatuloy Hanggang Makamtan ang Gantimpala
12 Hindi ko sinasabing nakamtan ko na ang lahat, o kayaʼy naging ganap na ako. Sa halip, patuloy akong nagsusumikap para makamtan iyon, dahil ito ang layunin ni Cristo Jesus nang tawagin niya ako. 13 Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. 14 Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 15 Tayong malalago sa pananampalataya ay magkaroon sana ng ganitong kaisipan. Pero kung hindi ganito ang pag-iisip nʼyo, ipapaunawa ito sa inyo ng Dios. 16 Ang mahalaga ay patuloy nating sinusunod ang mga katotohanang natutunan na natin.
17 Mga kapatid, tularan nʼyo ako, at tularan din ninyo ang iba pang namumuhay nang tulad namin. 18 Sapagkat maraming namumuhay na salungat sa aral tungkol sa kamatayan ni Cristo sa krus. Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo ang tungkol sa kanila, at naluluha akong ipaalala ulit ito sa inyo ngayon. 19 Kapahamakan ang kahihinatnan nila dahil dinidios nila ang kanilang tiyan.[b] Ipinagmamalaki pa nila ang mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang mga makamundong bagay. 20 Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21 Sa pagdating niya, babaguhin niya ang mahihina at namamatay nating katawang lupa at gagawing tulad ng maluwalhati niyang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang sumasakop sa lahat ng bagay.
Philippians 3
New International Version
No Confidence in the Flesh
3 Further, my brothers and sisters, rejoice in the Lord! It is no trouble for me to write the same things to you again,(A) and it is a safeguard for you. 2 Watch out for those dogs,(B) those evildoers, those mutilators of the flesh. 3 For it is we who are the circumcision,(C) we who serve God by his Spirit, who boast in Christ Jesus,(D) and who put no confidence in the flesh— 4 though I myself have reasons for such confidence.(E)
If someone else thinks they have reasons to put confidence in the flesh, I have more: 5 circumcised(F) on the eighth day, of the people of Israel,(G) of the tribe of Benjamin,(H) a Hebrew of Hebrews; in regard to the law, a Pharisee;(I) 6 as for zeal,(J) persecuting the church;(K) as for righteousness based on the law,(L) faultless.
7 But whatever were gains to me I now consider loss(M) for the sake of Christ. 8 What is more, I consider everything a loss because of the surpassing worth of knowing(N) Christ Jesus my Lord, for whose sake I have lost all things. I consider them garbage, that I may gain Christ(O) 9 and be found in him, not having a righteousness of my own that comes from the law,(P) but that which is through faith in[a] Christ—the righteousness(Q) that comes from God on the basis of faith.(R) 10 I want to know(S) Christ—yes, to know the power of his resurrection and participation in his sufferings,(T) becoming like him in his death,(U) 11 and so, somehow, attaining to the resurrection(V) from the dead.
12 Not that I have already obtained all this, or have already arrived at my goal,(W) but I press on to take hold(X) of that for which Christ Jesus took hold of me.(Y) 13 Brothers and sisters, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind(Z) and straining toward what is ahead, 14 I press on(AA) toward the goal to win the prize(AB) for which God has called(AC) me heavenward in Christ Jesus.
Following Paul’s Example
15 All of us, then, who are mature(AD) should take such a view of things.(AE) And if on some point you think differently, that too God will make clear to you.(AF) 16 Only let us live up to what we have already attained.
17 Join together in following my example,(AG) brothers and sisters, and just as you have us as a model, keep your eyes on those who live as we do.(AH) 18 For, as I have often told you before and now tell you again even with tears,(AI) many live as enemies of the cross of Christ.(AJ) 19 Their destiny(AK) is destruction, their god is their stomach,(AL) and their glory is in their shame.(AM) Their mind is set on earthly things.(AN) 20 But our citizenship(AO) is in heaven.(AP) And we eagerly await a Savior from there, the Lord Jesus Christ,(AQ) 21 who, by the power(AR) that enables him to bring everything under his control, will transform our lowly bodies(AS) so that they will be like his glorious body.(AT)
Footnotes
- Philippians 3:9 Or through the faithfulness of
Philippians 3
King James Version
3 Finally, my brethren, rejoice in the Lord. To write the same things to you, to me indeed is not grievous, but for you it is safe.
2 Beware of dogs, beware of evil workers, beware of the concision.
3 For we are the circumcision, which worship God in the spirit, and rejoice in Christ Jesus, and have no confidence in the flesh.
4 Though I might also have confidence in the flesh. If any other man thinketh that he hath whereof he might trust in the flesh, I more:
5 Circumcised the eighth day, of the stock of Israel, of the tribe of Benjamin, an Hebrew of the Hebrews; as touching the law, a Pharisee;
6 Concerning zeal, persecuting the church; touching the righteousness which is in the law, blameless.
7 But what things were gain to me, those I counted loss for Christ.
8 Yea doubtless, and I count all things but loss for the excellency of the knowledge of Christ Jesus my Lord: for whom I have suffered the loss of all things, and do count them but dung, that I may win Christ,
9 And be found in him, not having mine own righteousness, which is of the law, but that which is through the faith of Christ, the righteousness which is of God by faith:
10 That I may know him, and the power of his resurrection, and the fellowship of his sufferings, being made conformable unto his death;
11 If by any means I might attain unto the resurrection of the dead.
12 Not as though I had already attained, either were already perfect: but I follow after, if that I may apprehend that for which also I am apprehended of Christ Jesus.
13 Brethren, I count not myself to have apprehended: but this one thing I do, forgetting those things which are behind, and reaching forth unto those things which are before,
14 I press toward the mark for the prize of the high calling of God in Christ Jesus.
15 Let us therefore, as many as be perfect, be thus minded: and if in any thing ye be otherwise minded, God shall reveal even this unto you.
16 Nevertheless, whereto we have already attained, let us walk by the same rule, let us mind the same thing.
17 Brethren, be followers together of me, and mark them which walk so as ye have us for an ensample.
18 (For many walk, of whom I have told you often, and now tell you even weeping, that they are the enemies of the cross of Christ:
19 Whose end is destruction, whose God is their belly, and whose glory is in their shame, who mind earthly things.)
20 For our conversation is in heaven; from whence also we look for the Saviour, the Lord Jesus Christ:
21 Who shall change our vile body, that it may be fashioned like unto his glorious body, according to the working whereby he is able even to subdue all things unto himself.
Philippians 3
New King James Version
All for Christ
3 Finally, my brethren, (A)rejoice in the Lord. For me to write the same things to you is not tedious, but for you it is safe.
2 (B)Beware of dogs, beware of (C)evil workers, (D)beware of the mutilation! 3 For we are (E)the circumcision, (F)who worship [a]God in the Spirit, rejoice in Christ Jesus, and have no confidence in the flesh, 4 though (G)I also might have confidence in the flesh. If anyone else thinks he may have confidence in the flesh, I (H)more so: 5 circumcised the eighth day, of the stock of Israel, (I)of the tribe of Benjamin, (J)a Hebrew of the Hebrews; concerning the law, (K)a Pharisee; 6 concerning zeal, (L)persecuting the church; concerning the righteousness which is in the law, blameless.
7 But (M)what things were gain to me, these I have counted loss for Christ. 8 Yet indeed I also count all things loss (N)for the excellence of the knowledge of Christ Jesus my Lord, for whom I have suffered the loss of all things, and count them as rubbish, that I may gain Christ 9 and be found in Him, not having (O)my own righteousness, which is from the law, but (P)that which is through faith in Christ, the righteousness which is from God by faith; 10 that I may know Him and the (Q)power of His resurrection, and (R)the fellowship of His sufferings, being conformed to His death, 11 if, by any means, I may (S)attain[b] to the resurrection from the dead.
Pressing Toward the Goal
12 Not that I have already (T)attained,[c] or am already (U)perfected; but I press on, that I may lay hold of that for which Christ Jesus has also laid hold of me. 13 Brethren, I do not count myself to have [d]apprehended; but one thing I do, (V)forgetting those things which are behind and (W)reaching forward to those things which are ahead, 14 (X)I press toward the goal for the prize of (Y)the upward call of God in Christ Jesus.
15 Therefore let us, as many as are (Z)mature, (AA)have this mind; and if in anything you think otherwise, (AB)God will reveal even this to you. 16 Nevertheless, to the degree that we have already [e]attained, (AC)let us walk (AD)by the same [f]rule, let us be of the same mind.
Our Citizenship in Heaven
17 Brethren, (AE)join in following my example, and note those who so walk, as (AF)you have us for a pattern. 18 For many walk, of whom I have told you often, and now tell you even weeping, that they are (AG)the enemies of the cross of Christ: 19 (AH)whose end is destruction, (AI)whose god is their belly, and (AJ)whose glory is in their shame—(AK)who set their mind on earthly things. 20 For (AL)our citizenship is in heaven, (AM)from which we also (AN)eagerly wait for the Savior, the Lord Jesus Christ, 21 (AO)who will transform our lowly body that it may be (AP)conformed to His glorious body, (AQ)according to the working by which He is able even to (AR)subdue all things to Himself.
Footnotes
- Philippians 3:3 NU, M in the Spirit of God
- Philippians 3:11 Lit. arrive at
- Philippians 3:12 obtained it
- Philippians 3:13 laid hold of it
- Philippians 3:16 arrived
- Philippians 3:16 NU omits rule and the rest of v. 16.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.


