Add parallel Print Page Options

19 Ang kahihinatnan nila ay kapahamakan. Ang diyos nila ay ang kanilang tiyan. Ang kanilang kaluwalhatian ay ang mga bagay na dapat nilang ikahiya. Ang kanilang kaisipan ay nakatuon sa mga bagay na panlupa. 20 Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit, na mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo. 21 Siya ang magbabago ng ating walang halagang katawan upang maging katulad ng kaniyang maluwalhating katawan, ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan na magpapasakop ng lahat ng bagay sa kaniya.

Read full chapter