Add parallel Print Page Options

19 Ang wakas nila ay kapahamakan; ang diyos nila ay ang sarili nilang tiyan; ang ipinagmamalaki nila ay mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at ang tanging iniisip nila ay ang mga bagay na makalupa. 20 Ngunit tayo'y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Jesu-Cristo. 21 Babaguhin niya ang kalagayan ng ating mga hamak na katawan upang maging katulad ng kanyang maluwalhating katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang kumikilos sa kanya upang maipailalim niya sa kanyang sarili ang lahat ng bagay.

Read full chapter