Filipos 3:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (A)kaaway ng krus ni Cristo:
19 (B)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (C)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (D)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (E)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.
20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (F)ay nasa langit; mula doon ay (G)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:
Read full chapter
Filipos 3:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Sapagkat maraming namumuhay bilang mga kaaway ng krus ni Cristo gaya ng madalas kong sabihin sa inyo noon, at ngayo'y muli kong sinasabi na may kasama pang luha. 19 Ang wakas nila ay kapahamakan; ang diyos nila ay ang sarili nilang tiyan; ang ipinagmamalaki nila ay mga bagay na dapat sana nilang ikahiya, at ang tanging iniisip nila ay ang mga bagay na makalupa. 20 Ngunit tayo'y mamamayan ng langit at naghihintay tayo ng Tagapagligtas mula roon, ang Panginoong Jesu-Cristo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
