Filipos 2
Ang Biblia, 2001
Tularan ang Pagpapakumbaba ni Cristo
2 Kaya nga kung mayroong anumang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anumang kaaliwan ng pag-ibig, kung mayroong anumang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anumang pagkagiliw at habag,
2 ay lubusin ninyo ang aking tuwa sa pagkakaroon ng gayunding pag-iisip, magtaglay ng gayunding pag-ibig, na magkaisa ng diwa, at may isa lamang pag-iisip.
3 Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili.
4 Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.
5 Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na na kay Cristo Jesus din naman,
6 na siya, bagama't nasa anyo ng Diyos,
    ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan
    ang pagiging kapantay ng Diyos,
7 kundi hinubaran niya ang kanyang sarili
    at kinuha ang anyong alipin
    na naging katulad ng tao.
8 At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao,
    siya'y nagpakababa sa kanyang sarili,
    at naging masunurin hanggang sa kamatayan,
    maging sa kamatayan man sa krus.
9 Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos,
    at siya'y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan;
10 upang(A) sa pangalan ni Jesus
    ay lumuhod ang bawat tuhod,
    sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa,
11 at ipahayag ng bawat dila
    na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
    sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Magsilbing Ilaw sa Sanlibutan
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod, hindi lamang sa harapan ko, kundi higit ngayon na ako'y hindi ninyo kasama, ay isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig;
13 sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang pabulong-bulong at pagtatalo,
15 upang(B) kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang salinlahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad ng mga ilaw sa sanlibutan,
16 na nanghahawakan sa salita ng buhay upang may ipagkapuri ako sa araw ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17 Oo, kahit ako'y ibuhos bilang inuming handog sa ibabaw ng alay at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y natutuwa at nakikigalak sa inyong lahat.
18 At sa gayunding paraan kayo'y natutuwa at nakikigalak sa akin.
Sina Timoteo at Epafrodito
19 Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na suguin kaagad sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag sa pagkaalam ko ng mga bagay tungkol sa inyo.
20 Sapagkat wala akong sinuman na katulad niya na tunay na magmamalasakit sa inyong kapakanan.
21 Sapagkat pinagsisikapan nilang lahat ang para sa kanilang sariling kapakanan, hindi ang mga bagay ni Jesu-Cristo.
22 Ngunit nalalaman ninyong subok na si Timoteo,[a] kung paanong naglilingkod ang anak sa ama ay kasama ko siyang naglingkod sa ebanghelyo.
23 Siya nga ang aking inaasahang suguin kaagad, kapag nakita ko kung ano ang mangyayari sa akin.
24 At nagtitiwala ako sa Panginoon na di-magtatagal at makakarating din naman ako.
25 Ngunit iniisip kong kailangan pa ring isugo sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid, kamanggagawa, at kapwa kawal, ang inyong sugo at lingkod para sa aking pangangailangan.
26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat at siya'y namanglaw, sapagkat inyong nabalitaan na siya'y nagkasakit.
27 Totoo ngang nagkasakit siya na malapit nang mamatay. Ngunit kinahabagan siya ng Diyos; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng patung-patong na kalungkutan.[b]
28 Kaya't higit akong masigasig na suguin siya, upang, pagkakitang muli ninyo sa kanya, kayo'y magalak at mabawasan ang aking kalungkutan.
29 Kaya tanggapin ninyo siya sa Panginoon nang buong galak; at ang gayong mga tao ay parangalan ninyo,
30 sapagkat dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nabingit siya sa kamatayan, na isinusuong sa panganib ang kanyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.
Footnotes
- Filipos 2:22 Sa Griyego ay siya .
- Filipos 2:27 Sa Griyego ay lungkot sa ibabaw ng kalungkutan .
Filipos 2
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagpapakumbaba ni Cristo
2 Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Cristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Banal na Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? 2 Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin. 3 Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo. 4 Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin nʼyo kundi ang kapakanan din ng iba. 5 Dapat maging katulad ng kay Cristo Jesus ang pananaw nʼyo:
6 Kahit na nasa kanya ang katangian ng Dios, hindi niya itinuring ang pagiging kapantay ng Dios bilang isang bagay na dapat panghawakan.
7 Sa halip, ibinaba niya nang lubusan ang sarili niya sa pamamagitan ng pag-aanyong alipin.
Naging tao siyang tulad natin.  8     At sa pagiging tao niya, nagpakumbaba siya at naging masunurin sa Dios hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.
9 Kaya naman itinaas siyang lubos ng Dios at binigyan ng titulong higit sa lahat ng titulo,
10 upang ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa ay luluhod sa pagsamba sa kanya.
11 At kikilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Dios Ama.
Magsilbi Kayong Ilaw na Nagliliwanag
12 Mga minamahal, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay[a] ang kaligtasang tinanggap nʼyo, at gawin nʼyo ito nang may takot at paggalang sa Dios. 13 Sapagkat ang Dios ang siyang nagbibigay sa inyo ng pagnanais at kakayahang masunod nʼyo ang kalooban niya.
14 Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, 15 para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila 16 habang pinaninindigan nʼyo[b] ang salita na nagbibigay ng buhay na walang hanggan. At kung gagawin nʼyo ito, may maipagmamalaki ako sa pagbabalik ni Cristo, dahil alam kong hindi nasayang ang pagsisikap ko sa inyo. 17 Ang paglilingkod ninyo na bunga ng inyong pananampalataya ay tulad sa isang handog. At kung kinakailangang ibuhos ko ang aking dugo[c] sa handog na ito, maligaya pa rin ako at makikigalak sa inyo. 18 At dapat maligaya rin kayo at makigalak sa akin.
Si Timoteo at si Epafroditus
19 Umaasa ako sa Panginoong Jesus na mapapapunta ko riyan si Timoteo sa lalong madaling panahon, para masiyahan naman ako kapag naibalita niya ang tungkol sa inyo. 20 Siya lang ang kilala ko na katulad kong nagmamalasakit sa inyo nang totoo. 21 Ang ibaʼy walang ibang iniisip kundi ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Cristo. 22 Ngunit alam nʼyo kung paano pinatunayan ni Timoteo ang kanyang sarili. Para ko siyang tunay na anak sa pagtulong niya sa akin sa pangangaral ng Magandang Balita. 23 Binabalak kong papuntahin siya sa inyo kapag nalaman ko na ang magiging hatol sa akin dito. 24 At umaasa ako sa Panginoon na ako mismo ay makakapunta sa inyo sa lalong madaling panahon.
25 Sa ngayon, naisip kong kailangan nang pabalikin ang kapatid nating si Epafroditus na pinapunta nʼyo rito para tulungan ako. Tulad ko rin siyang manggagawa at tagapagtanggol ng Magandang Balita. 26 Pababalikin ko na siya sa inyo dahil sabik na sabik na siyang makita kayo, at hindi siya mapalagay dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. 27 Totoo ngang nagkasakit siya, at muntik nang mamatay. Ngunit naawa ang Dios sa kanya at maging sa akin, dahil pinagaling siya at naligtas naman ako sa matinding kalungkutan. 28 Kaya gusto ko na siyang pabalikin para matuwa kayo kapag nakita nʼyo na siya ulit, at hindi na rin ako mag-aalala para sa inyo. 29 Kaya tanggapin nʼyo siya nang buong galak bilang kapatid sa Panginoon. Igalang nʼyo ang mga taong tulad niya, 30 dahil nalagay sa panganib ang buhay niya para sa gawain ni Cristo. Itinaya niya ang buhay niya para matulungan ako bilang kinatawan ninyo.
Philippians 2
New King James Version
Unity Through Humility
2 Therefore if there is any [a]consolation in Christ, if any comfort of love, if any fellowship of the Spirit, if any (A)affection and mercy, 2 (B)fulfill my joy (C)by being like-minded, having the same love, being of (D)one accord, of one mind. 3 (E)Let nothing be done through selfish ambition or conceit, but (F)in lowliness of mind let each esteem others better than himself. 4 (G)Let each of you look out not only for his own interests, but also for the interests of (H)others.
The Humbled and Exalted Christ
5 (I)Let this mind be in you which was also in Christ Jesus, 6 who, (J)being in the form of God, did not consider it [b]robbery to be equal with God, 7 (K)but [c]made Himself of no reputation, taking the form (L)of a bondservant, and (M)coming in the likeness of men. 8 And being found in appearance as a man, He humbled Himself and (N)became (O)obedient to the point of death, even the death of the cross. 9 (P)Therefore God also (Q)has highly exalted Him and (R)given Him the name which is above every name, 10 (S)that at the name of Jesus every knee should bow, of those in heaven, and of those on earth, and of those under the earth, 11 and (T)that every tongue should confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.
Light Bearers
12 Therefore, my beloved, (U)as you have always obeyed, not as in my presence only, but now much more in my absence, (V)work out your own salvation with (W)fear and trembling; 13 for (X)it is God who works in you both to will and to do (Y)for His good pleasure.
14 Do all things (Z)without [d]complaining and (AA)disputing,[e] 15 that you may become blameless and [f]harmless, children of God without fault in the midst of a crooked and perverse generation, among whom you shine as (AB)lights in the world, 16 holding fast the word of life, so that (AC)I may rejoice in the day of Christ that (AD)I have not run in vain or labored in (AE)vain.
17 Yes, and if (AF)I am being poured out as a drink offering on the sacrifice (AG)and service of your faith, (AH)I am glad and rejoice with you all. 18 For the same reason you also be glad and rejoice with me.
Timothy Commended
19 But I trust in the Lord Jesus to send (AI)Timothy to you shortly, that I also may be encouraged when I know your [g]state. 20 For I have no one (AJ)like-minded, who will sincerely care for your state. 21 For all seek their own, not the things which are of Christ Jesus. 22 But you know his proven character, (AK)that as a son with his father he served with me in the gospel. 23 Therefore I hope to send him at once, as soon as I see how it goes with me. 24 But I trust in the Lord that I myself shall also come shortly.
Epaphroditus Praised
25 Yet I considered it necessary to send to you (AL)Epaphroditus, my brother, fellow worker, and (AM)fellow soldier, (AN)but your messenger and (AO)the one who ministered to my need; 26 (AP)since he was longing for you all, and was distressed because you had heard that he was sick. 27 For indeed he was sick almost unto death; but God had mercy on him, and not only on him but on me also, lest I should have sorrow upon sorrow. 28 Therefore I sent him the more eagerly, that when you see him again you may rejoice, and I may be less sorrowful. 29 Receive him therefore in the Lord with all gladness, and hold such men in esteem; 30 because for the work of Christ he came close to death, [h]not regarding his life, (AQ)to supply what was lacking in your service toward me.
Footnotes
- Philippians 2:1 Or encouragement
- Philippians 2:6 Or something to be held onto to be equal
- Philippians 2:7 emptied Himself of His privileges
- Philippians 2:14 grumbling
- Philippians 2:14 arguing
- Philippians 2:15 innocent
- Philippians 2:19 condition
- Philippians 2:30 risking
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

