Add parallel Print Page Options

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (A)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (B)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (C)sa kababaan ng pagiisip, (D)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;

Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (E)bawa't isa naman ay sa iba't iba.

Read full chapter

lubusin ninyo ang aking kagalakan. Magkaisa kayo sa pag-iisip, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa diwa at layunin. Huwag ninyong gawin ang anuman dahil sa pansariling hangarin o dahil sa kayabangan. Sa halip, magpakumbaba kayo at ituring ang iba na mas mahalaga kaysa inyong sarili. Pahalagahan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang kapakanan ng inyong sarili.

Read full chapter

ay lubusin ninyo ang aking tuwa sa pagkakaroon ng gayunding pag-iisip, magtaglay ng gayunding pag-ibig, na magkaisa ng diwa, at may isa lamang pag-iisip.

Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili.

Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.

Read full chapter