Ezekiel 36
Ang Biblia, 2001
Pagpapalain ang Israel
36 “At ikaw, anak ng tao, magsalita ka ng propesiya sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.
2 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat sinabi ng kaaway sa inyo, ‘Aha!’ at, ‘Ang sinaunang matataas na dako ay naging aming pag-aari;’
3 kaya't magsalita ka ng propesiya, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat winasak nila kayo, at dinurog kayo sa lahat ng panig, anupa't kayo'y naging pag-aari ng nalabi sa mga bansa, at kayo'y naging tampulan ng tsismis at paninirang-puri ng taong-bayan;
4 kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Diyos: Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa mga bundok at mga burol, sa mga bangin at mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayang iniwan, na naging biktima at panunuya sa nalabi sa mga bansang nasa palibot.
5 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Nagsasalita ako sa aking paninibugho laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom na nagbigay ng aking lupain sa kanilang sarili bilang pag-aari na may buong pusong kagalakan, upang kanilang angkinin at samsamin.
6 Kaya't magsalita ka ng propesiya tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok, sa mga burol, sa mga bangin at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ako'y nagsalita sa poot ng aking paninibugho, sapagkat inyong dinanas ang kahihiyan ng mga bansa.
7 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Aking isinumpa na ang mga bansa na nasa palibot ninyo ay daranas ng kahihiyan.
8 “Ngunit kayo, O mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagkat sila'y malapit nang umuwi.
9 Sapagkat narito, ako'y para sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y bubungkalin at hahasikan;
10 at ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, ang buong sambahayan ni Israel, lahat ng mga ito. Ang mga lunsod ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay muling itatayo.
11 Ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop, at sila'y darami at magkakaanak. Kayo'y hahayaan kong panirahan ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng mabuti kaysa noong una. At inyong malalaman na ako ang Panginoon.
12 Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, maging ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi ka na mawawalan ng mga anak.
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat kanilang sinasabi sa iyo, ‘Lumalamon ka ng mga tao, at inaalisan mo ng mga anak ang iyong bansa;’
14 kaya't hindi ka na lalamon pa ng mga tao o aalisan ng mga anak ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Diyos.
15 Hindi ko na iparirinig sa iyo ang pag-alipusta ng mga bansa. Hindi mo na papasanin ang kahihiyan ng mga bansa, at hindi ka magiging dahilan ng pagkatisod ng iyong bansa, sabi ng Panginoong Diyos.”
Ang Bagong Kalagayan ng Israel
16 Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
17 “Anak ng tao, noong naninirahan ang sambahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang dinungisan ito ng kanilang lakad at mga gawa. Ang kanilang kilos sa harapan ko ay naging parang karumihan ng babae sa kanyang kapanahunan.
18 Kaya't aking ibinuhos ang aking poot sa kanila dahil sa dugo na kanilang pinadanak sa lupain, at dahil sa paglapastangan nila dito sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan.
19 Aking ikinalat sila sa mga bansa, at sila'y nagkawatak-watak sa mga lupain; ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga kilos ay hinatulan ko sila.
20 Ngunit nang sila'y dumating sa mga bansa, saanman sila dumating, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, ‘Ang mga ito ang bayan ng Panginoon ngunit kailangan nilang lumabas sa kanyang lupain.’
21 Ngunit isinaalang-alang ko ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sambahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinuntahan.
22 Kaya't sabihin mo sa sambahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Hindi ito alang-alang sa inyo, O sambahayan ni Israel, na malapit na akong kumilos, kundi alang-alang sa aking banal na pangalan na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinuntahan.
23 Aking pawawalang-sala ang aking dakilang pangalan na nilapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila. Malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Diyos, kapag sa pamamagitan ninyo ay pinawalang-sala ang aking kabanalan sa harap ng kanilang mga mata.
24 Sapagkat aking kukunin kayo sa mga bansa, at titipunin ko kayo mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.
25 Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo'y magiging malinis sa lahat ninyong karumihan, at lilinisin ko kayo sa lahat ninyong mga diyus-diyosan.
26 Bibigyan(A) ko kayo ng bagong puso, at lalagyan ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.
27 Aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo nang ayon sa aking mga tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod sa aking mga batas.
28 Kayo'y maninirahan sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Kayo'y magiging aking bayan at ako'y magiging inyong Diyos.
29 Lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan. Aking patutubuin ang trigo at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng taggutom sa inyo.
30 Aking pararamihin ang bunga ng punungkahoy at ang ani sa bukid, upang hindi na kayo muling magdanas ng kahihiyan ng taggutom sa mga bansa.
31 Kung magkagayo'y inyong maaalala ang inyong masasamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti. Kayo'y masusuklam sa inyong sarili dahil sa inyong mga kasamaan at mga karumaldumal na gawa.
32 Hindi alang-alang sa inyo na ako'y kikilos, sabi ng Panginoong Diyos; alamin ninyo iyon. Kayo'y mahiya at malito dahil sa inyong mga lakad, O sambahayan ni Israel.
33 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasalanan, aking patitirahan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay muling matatayo.
34 Ang lupain na naging sira ay mabubungkal, sa halip na sira sa paningin ng lahat nang nagdaraan.
35 At kanilang sasabihin, ‘Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira, giba at wasak na mga bayan ay tinatahanan na ngayon at may pader.’
36 Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira; akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.
37 Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Bukod pa dito'y hahayaan ko ang sambahayan ni Israel na humiling sa akin upang gawin ito sa kanila: paramihin ang kanilang mga tao na parang kawan.
38 Tulad ng kawan para sa paghahandog, tulad ng kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
Ezekiel 36
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Mensahe para sa mga Bundok ng Israel
36 Sinabi ng Panginoon, “Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bundok ng Israel. Sabihin mo sa kanila, ‘O mga bundok ng Israel, makinig kayo sa sinasabi ng Panginoon. 2 Ito ang sinabi ng Panginoong Dios: Sinabi ng mga kalaban ninyo na sa kanila na ang mga bundok ninyo.’
3 “Kaya anak ng tao, sabihin mo sa mga bundok ng Israel na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Sinalakay kayo ng mga bansa mula sa ibaʼt ibang dako at sila ngayon ang nagmamay-ari sa inyo. Kinutya nila kayo at inilagay sa kahihiyan. 4-5 Kaya kayong mga bundok, burol, mga daluyan ng tubig, lambak, mga gibang lugar at mapanglaw na bayan na sinalakay at kinutya ng mga bansa sa palibot ninyo, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, lubha akong nagagalit sa mga bansang iyon, lalung-lalo na sa Edom. Sinakop nila ang aking lupain nang may katuwaan at pangungutya, dahil talagang gusto nilang mapunta sa kanila ang mga pastulan nito.
6 “Kaya anak ng tao, magsalita ka tungkol sa Israel. Sabihin mo sa mga bundok, burol, daluyan ng tubig at lambak, na ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Tiniis ninyo ang pangungutya ng mga bansa sa palibot ninyo. Kaya dahil sa matindi kong galit, 7 ako, ang Panginoong Dios ay sumusumpang mapapahiya rin ang mga bansang iyon. 8 Ngunit kayong mga bundok ng Israel, tutubuan kayo ng mga punongkahoy na mamumunga para sa mga mamamayan kong Israel, dahil malapit na silang umuwi. 9 Makinig kayo! Aalagaan ko kayo. Bubungkalin at tataniman ko ang mga lupa ninyo. 10 Pararamihin ko kayo, kayong mga mamamayan ng Israel. Muling itatayo at titirhan ang mga nawasak ninyong mga bayan. 11 Pararamihin ko ang mga tao at mga hayop sa inyo. Patitirahin ko silang muli sa lupain ninyo katulad noon at pauunlarin ko kayo ng higit pa kaysa sa dati, at malalaman ninyong ako ang Panginoon. 12 Ibabalik ko ang mga mamamayan kong Israel sa inyo. Sila ang magmamay-ari sa inyo, at hindi nʼyo na muling kukunin ang mga anak nila.”
13 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Sinasabi ng mga tao sa inyo na nilalapa ninyo ang inyong mga mamamayan at inuulila ninyo sa kabataan ang inyong bansa. 14 Pero mula ngayon, hindi na ninyo lalapain ang inyong mga mamamayan at hindi na ninyo uulilain sa kabataan ang inyong bansa. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. 15 Hindi ko na papayagang kutyain o hiyain kayo ng ibang mga bansa. At hindi ko na rin papayagang mawasak ang bansa ninyo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.”
16 Sinabi pa ng Panginoon sa akin, 17 “Anak ng tao, noong ang mga Israelita ay nakatira pa sa lupain nila, dinungisan nila ito sa pamamagitan ng masasama nilang ugali at pamumuhay. Sa aking paningin, ang kanilang uri ng pamumuhay ay kasindumi ng babaeng may buwanang dalaw. 18 Kaya ibinuhos ko sa kanila ang galit ko, dahil sa mga pagpatay nila roon sa lupain ng Israel, at dahil sa pagsamba nila sa mga dios-diosan na siyang nagparumi sa lupaing ito. 19 Pinangalat ko sila sa ibang mga bansa. Ginawa ko sa kanila ang nararapat ayon sa mga ugali at pamumuhay nila. 20 At kahit saanmang bansa sila pumunta ay ipinapahiya nila ang banal kong pangalan. Sapagkat sinasabi ng mga tao, ‘Sila ang mga mamamayan ng Panginoon, pero pinaalis niya sila sa kanilang lupain.’ 21 Nag-alala ako sa aking banal na pangalan na inilagay ng mga mamamayan ng Israel sa kahihiyan saang bansa man sila pumunta. 22 Kaya sabihin mo sa mga mamamayan ng Israel na ako, ang Panginoong Dios, ako ang nagsasabi, ‘O mga mamamayan ng Israel, pinababalik ko na kayo sa lupain ninyo, hindi dahil karapat-dapat kayong pabalikin, kundi dahil sa banal kong pangalan na nilalapastangan dahil sa inyo, saan mang bansa kayo mapunta. 23 Ipapakita ko ang kabanalan ng marangal kong pangalan sa mga bansa kung saan nilapastangan ninyo ito. At malalaman ng mga bansang iyon na ako ang Panginoon kapag ipinakita ko sa kanila ang aking kabanalan sa pamamagitan ng gagawin ko sa inyo. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito. 24 Sapagkat kukunin ko kayo sa ibaʼt ibang bansa at pababalikin ko kayo sa sarili ninyong lupain. 25 Wiwisikan ko kayo ng malinis na tubig nang maging malinis kayo sa lahat ng karumihan ninyo at hindi na kayo sasamba sa mga dios-diosan. 26 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. At ang matitigas ninyong puso ay magiging pusong masunurin. 27 Ibibigay ko rin sa inyo ang aking Espiritu para maingat ninyong masunod ang mga utos koʼt mga tuntunin. 28 Titira kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Magiging mga mamamayan ko kayo at magiging Dios ninyo ako. 29 Lilinisin ko kayo sa lahat ng karumihan ninyo. Bibigyan ko kayo ng napakaraming butil at hindi na kayo magugutom. 30 Pagbubungahin ko ng marami ang mga punongkahoy ninyo at pasasaganain ang mga ani ninyo para hindi na kayo hamakin ng mga taga-ibang bansa dahil sa dinanas ninyong gutom. 31 At maaalala ninyo ang inyong masasamang ugali at pamumuhay. Kasusuklaman ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga kasalanan at kasuklam-suklam na ginawa. 32 Ngunit mga mamamayan ng Israel, gusto kong malaman ninyo na ang lahat ng itoʼy ginagawa ko hindi dahil sa inyo. Dapat ninyong ikahiya ang masasama ninyong pag-uugali. Ako, ang Panginoong Dios, ang nagsasabi nito.’ ”
33 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Kapag nalinis ko na kayo sa lahat ng kasalanan ninyo, patitirahin ko kayong muli sa lungsod ninyo, at muli ninyong itatayo ang mga bayan na nawasak. 34 Ang mga lupaing walang pakinabang noon ay bubungkalin na ngayon. At ang lahat ng makakakita nito 35 ay magsasabi, ‘Ang lupaing walang pakinabang noon, ngayon ay parang hardin na ng Eden. Ang mga lungsod na giba at mapanglaw noon, ngayon ay tinitirhan at napapaderan na.’ 36 At malalaman ng mga bansang nakatira sa palibot ninyo na ako ang Panginoong nagtayo ng mga nawasak at nagtanim sa mga ilang na lupain. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ito.”
37-38 Patuloy pang sinabi ng Panginoong Dios, “Pakikinggan kong muli ang mga kahilingan ng mga mamamayan ng Israel, at ito pa ang gagawin ko sa kanila. Pararamihin ko sila na kasindami ng mga tupa na inihahandog sa Jerusalem sa panahon ng pista. Kaya ang mga nawasak na lungsod ay titirhan na ng maraming tao. At malalaman nila na ako ang Panginoon.”
Ezekiel 36
New International Version
Hope for the Mountains of Israel
36 “Son of man, prophesy to the mountains of Israel(A) and say, ‘Mountains of Israel, hear the word of the Lord. 2 This is what the Sovereign Lord says:(B) The enemy said of you, “Aha!(C) The ancient heights(D) have become our possession.(E)”’ 3 Therefore prophesy and say, ‘This is what the Sovereign Lord says: Because they ravaged(F) and crushed you from every side so that you became the possession of the rest of the nations and the object of people’s malicious talk and slander,(G) 4 therefore, mountains of Israel, hear the word of the Sovereign Lord: This is what the Sovereign Lord says to the mountains and hills, to the ravines and valleys,(H) to the desolate ruins(I) and the deserted(J) towns that have been plundered and ridiculed(K) by the rest of the nations around you(L)— 5 this is what the Sovereign Lord says: In my burning(M) zeal I have spoken against the rest of the nations, and against all Edom, for with glee and with malice in their hearts they made my land their own possession so that they might plunder its pastureland.’(N) 6 Therefore prophesy concerning the land of Israel and say to the mountains and hills, to the ravines and valleys: ‘This is what the Sovereign Lord says: I speak in my jealous wrath because you have suffered the scorn of the nations.(O) 7 Therefore this is what the Sovereign Lord says: I swear with uplifted hand(P) that the nations around you will also suffer scorn.(Q)
8 “‘But you, mountains of Israel, will produce branches and fruit(R) for my people Israel, for they will soon come home. 9 I am concerned for you and will look on you with favor; you will be plowed and sown,(S) 10 and I will cause many people to live on you—yes, all of Israel. The towns will be inhabited and the ruins(T) rebuilt.(U) 11 I will increase the number of people and animals living on you, and they will be fruitful(V) and become numerous. I will settle people(W) on you as in the past(X) and will make you prosper more than before.(Y) Then you will know that I am the Lord. 12 I will cause people, my people Israel, to live on you. They will possess you, and you will be their inheritance;(Z) you will never again deprive them of their children.
13 “‘This is what the Sovereign Lord says: Because some say to you, “You devour people(AA) and deprive your nation of its children,” 14 therefore you will no longer devour people or make your nation childless, declares the Sovereign Lord. 15 No longer will I make you hear the taunts of the nations, and no longer will you suffer the scorn of the peoples or cause your nation to fall, declares the Sovereign Lord.(AB)’”
Israel’s Restoration Assured
16 Again the word of the Lord came to me: 17 “Son of man, when the people of Israel were living in their own land, they defiled it by their conduct and their actions. Their conduct was like a woman’s monthly uncleanness(AC) in my sight.(AD) 18 So I poured out(AE) my wrath on them because they had shed blood in the land and because they had defiled it with their idols. 19 I dispersed them among the nations, and they were scattered(AF) through the countries; I judged them according to their conduct and their actions.(AG) 20 And wherever they went among the nations they profaned(AH) my holy name, for it was said of them, ‘These are the Lord’s people, and yet they had to leave his land.’(AI) 21 I had concern for my holy name, which the people of Israel profaned among the nations where they had gone.(AJ)
22 “Therefore say to the Israelites, ‘This is what the Sovereign Lord says: It is not for your sake, people of Israel, that I am going to do these things, but for the sake of my holy name,(AK) which you have profaned(AL) among the nations where you have gone.(AM) 23 I will show the holiness of my great name,(AN) which has been profaned(AO) among the nations, the name you have profaned among them. Then the nations will know that I am the Lord,(AP) declares the Sovereign Lord, when I am proved holy(AQ) through you before their eyes.(AR)
24 “‘For I will take you out of the nations; I will gather you from all the countries and bring you back into your own land.(AS) 25 I will sprinkle(AT) clean water on you, and you will be clean; I will cleanse(AU) you from all your impurities(AV) and from all your idols.(AW) 26 I will give you a new heart(AX) and put a new spirit in you; I will remove from you your heart of stone(AY) and give you a heart of flesh.(AZ) 27 And I will put my Spirit(BA) in you and move you to follow my decrees(BB) and be careful to keep my laws.(BC) 28 Then you will live in the land I gave your ancestors; you will be my people,(BD) and I will be your God.(BE) 29 I will save you from all your uncleanness. I will call for the grain and make it plentiful and will not bring famine(BF) upon you. 30 I will increase the fruit of the trees and the crops of the field, so that you will no longer suffer disgrace among the nations because of famine.(BG) 31 Then you will remember your evil ways and wicked deeds, and you will loathe yourselves for your sins and detestable practices.(BH) 32 I want you to know that I am not doing this for your sake, declares the Sovereign Lord. Be ashamed(BI) and disgraced for your conduct, people of Israel!(BJ)
33 “‘This is what the Sovereign Lord says: On the day I cleanse(BK) you from all your sins, I will resettle your towns, and the ruins(BL) will be rebuilt.(BM) 34 The desolate land will be cultivated instead of lying desolate in the sight of all who pass through it. 35 They will say, “This land that was laid waste has become like the garden of Eden;(BN) the cities that were lying in ruins, desolate and destroyed, are now fortified and inhabited.(BO)” 36 Then the nations around you that remain will know that I the Lord have rebuilt what was destroyed and have replanted what was desolate. I the Lord have spoken, and I will do it.’(BP)
37 “This is what the Sovereign Lord says: Once again I will yield to Israel’s plea(BQ) and do this for them: I will make their people as numerous as sheep,(BR) 38 as numerous as the flocks for offerings(BS) at Jerusalem during her appointed festivals. So will the ruined cities be filled with flocks of people. Then they will know that I am the Lord.(BT)”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

