Ezekiel 36
Ang Biblia (1978)
Ang mga bundok ng Israel ay pagpapalain.
36 At ikaw, anak ng tao, (A)manghula ka laban sa mga bundok ng Israel, at sabihin mo, Kayong mga bundok ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon.
2 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: sapagka't sinabi (B)ng kaaway sa inyo, Aha! (C)at, Ang dating mga mataas na dako (D)ay aming pagaari;
3 Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pagaari ng nalabi sa mga bansa, (E)at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;
4 Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at (F)kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;
5 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay (G)nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pagaari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may samá ng loob, upang ihagis na pinakasamsam.
6 Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't (H)inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.
7 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Aking itinaas ang aking kamay, (I)na aking sinasabi, Tunay na ang mga bansa na nangasa palibot ninyo, mangagtataglay sila ng malaking kahihiyan.
8 Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga (J)sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y (K)malapit nang dumating.
9 Sapagka't, narito, ako'y sa inyo, at ako'y babalik sa inyo, at kayo'y mabubukid at mahahasikan;
10 At ako'y magpaparami ng mga tao sa inyo, buong sangbahayan ni Israel, sa makatuwid baga'y siyang lahat; at (L)ang mga bayan ay tatahanan, at ang mga sirang dako ay (M)mangatatayo;
11 At ako'y magpaparami sa inyo ng tao at hayop; at sila'y magsisidami at mangagkakaanak: at aking patatahanin kayo (N)ayon sa inyong dating kalagayan, at gagawan ko kayo ng magaling kay sa una: at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
12 Oo, aking palalakarin sa inyo ang mga tao, sa makatuwid baga'y ang aking bayang Israel; at kanilang aariin ka, at ikaw ay magiging kanilang mana, at hindi mo na sila wawalaan ng mga anak.
13 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't kanilang sinasabi sa iyo, Ikaw na lupain ay manglalamon nga ng mga tao, at naging (O)mapagpahirap sa iyong bansa;
14 Kaya't hindi ka na manglalamon pa ng mga tao o papatay pa man sa iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios;
15 O iparirinig ko pa man sa iyo ang kahihiyan ng mga bansa, o magtataglay ka pa man ng kakutyaan ng mga bayan, o ititisod mo pa man ang iyong bansa, sabi ng Panginoong Dios.
16 Bukod dito'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi,
17 Anak ng tao, nang tumatahan ang sangbahayan ni Israel sa kanilang sariling lupain, kanilang (P)inihawa ng kanilang lakad at ng kanilang mga gawa: ang kanilang lakad sa harap ko ay naging parang (Q)karumihan ng babae sa kaniyang kapanahunan.
18 Kaya't aking ibinugso ang aking kapusukan sa kanila (R)dahil sa dugo na kanilang ibinubo sa lupain, at dahil sa kanilang nilapastangan ng kanilang mga diosdiosan;
19 At aking pinangalat sila sa mga bansa, at sila'y nagsipanabog sa mga lupain: ayon sa kanilang lakad at ayon sa kanilang mga gawa ay hinatulan ko sila.
20 At nang sila'y dumating sa mga bansa, na kanilang (S)pinaroonan, kanilang nilapastangan ang aking banal na pangalan; sa pagsasabi ng mga tao tungkol sa kanila, Ang mga ito ay bayan ng Panginoon, at nagsilabas sa kaniyang lupain.
21 Nguni't iginalang ko (T)ang aking banal na pangalan, na nilapastangan ng sangbahayan ni Israel sa mga bansa na kanilang pinaroonan.
Ang Israel ay babaguhin alangalang sa Panginoon.
22 Kaya't sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; (U)Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, (V)kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan.
23 At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y (W)aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata.
24 Sapagka't aking kukunin (X)kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.
25 At (Y)ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo.
26 Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong (Z)puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at (AA)aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.
27 At (AB)aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.
28 At kayo'y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang; at (AC)kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
29 At lilinisin ko kayo sa lahat ninyong karumihan: at aking patutubuin ang trigo, at aking pararamihin, at hindi na ako magpaparating ng kagutom sa inyo.
30 At aking pararamihin ang bunga ng punong kahoy, at ang ani sa bukid, upang huwag na kayong tumanggap pa ng kadustaan ng kagutom sa mga bansa.
31 (AD)Kung magkagayo'y inyong maaalaala ang inyong mga masamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti; at (AE)kayo'y mayayamot sa inyong sarili sa inyong paninging sarili, dahil sa inyong mga kasamaan at dahil sa inyong mga kasuklamsuklam.
32 Hindi dahil sa inyo ginagawa ko (AF)ito, sabi ng Panginoong Dios, tantuin ninyo: kayo'y mangahiya at mangalito dahil sa inyong mga lakad, Oh sangbahayan ni Israel.
33 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na aking linisin kayo sa lahat ninyong kasamaan, aking patatahanan ang mga bayan, at ang mga gibang dako ay mangatatayo.
34 At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan.
35 At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng (AG)halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan.
36 (AH)Kung magkagayo'y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: (AI)akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin.
37 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: (AJ)Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, upang gawin sa kanila; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan.
38 Kung paano ang kawan na panghain, kung paano ang kawan ng Jerusalem sa kanilang mga takdang kapistahan, gayon mapupuno ang mga gibang bayan ng mga kawan ng mga tao: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.
Ezekiel 36
Young's Literal Translation
36 And thou, son of man, prophesy unto mountains of Israel, and thou hast said, O mountains of Israel, hear a word of Jehovah.
2 Thus said the Lord Jehovah: Because the enemy said against you, Aha, and the high places of old for a possession have been to us,
3 therefore, prophesy, and thou hast said: Thus said the Lord Jehovah: Because, even because, of desolating, And of swallowing you up from round about, For your being a possession to the remnant of the nations, And ye are taken up on the tip of the tongue, And [are] an evil report of the people.
4 Therefore, O mountains of Israel, Hear a word of the Lord Jehovah: Thus said the Lord Jehovah, to mountains, and to hills, To streams, and to valleys, And to wastes that [are] desolate, And to cities that are forsaken, That have been for a prey, And for a scorn, to the remnant of the nations who [are] round about.
5 Therefore, thus said the Lord Jehovah: Have I not, in the fire of My jealousy, Spoken against the remnant of the nations, And against Edom -- all of it, Who gave My land to themselves for a possession, With the joy of the whole heart -- with despite of soul, For the sake of casting it out for a prey?
6 Therefore, prophesy concerning the ground of Israel, And thou hast said to mountains, and to hills, To streams, and to valleys, Thus said the Lord Jehovah: Lo, I, in My jealousy, and in My fury, I have spoken, Because the shame of nations ye have borne.
7 Therefore, thus said the Lord Jehovah: I -- I have lifted up My hand, Do not -- the nations who [are] with you from round about -- they their own shame bear?
8 And ye, O mountains of Israel, Your branch ye give out, and your fruits ye bear for My people Israel, For they have drawn near to come.
9 For, lo, I [am] for you, and have turned to you, And ye have been tilled and sown.
10 And I have multiplied on you men, All the house of Israel -- all of it, And the cities have been inhabited, And the wastes are built.
11 And I have multiplied on you man and beast, And they have multiplied and been fruitful, And I have caused you to dwell according to your former states, And I have done better than at your beginnings, And ye have known that I [am] Jehovah.
12 And I have caused man to walk over you, -- My people Israel, And they possess thee, and thou hast been to them for an inheritance, And thou dost add no more to bereave them.
13 Thus said the Lord Jehovah: Because they are saying to you: A devourer of men [art] thou, And a bereaver of thy nations thou hast been,
14 Therefore, man thou devourest no more, And thy nations thou causest not to stumble any more, An affirmation of the Lord Jehovah.
15 And I proclaim not unto thee any more the shame of the nations, And the reproach of peoples thou bearest no more, And thy nations stumble not any more, An affirmation of the Lord Jehovah.'
16 And there is a word of Jehovah unto me, saying,
17 `Son of man, The house of Israel are dwelling on their land, And they defile it by their way and by their doings, As the uncleanness of a separated one hath their way been before Me.
18 And I do pour out My fury upon them For the blood that they shed on the land, And with their idols they have defiled it.
19 And I scatter them among nations, And they are spread through lands, According to their way, and according to their doings, I have judged them.
20 And one goeth in unto the nations whither they have gone, And they pollute My holy name by saying to them, The people of Jehovah [are] these, And from His land they have gone forth.
21 And I have pity on My holy name, That the house of Israel have polluted among nations whither they have gone in.
22 Therefore, say to the house of Israel, Thus said the Lord Jehovah: Not for your sake am I working, O house of Israel, But -- for My holy name, That ye have polluted among nations whither ye have gone in.
23 And I have sanctified My great name, That is profaned among nations, That ye have polluted in your midst, And known have the nations that I [am] Jehovah, An affirmation of the Lord Jehovah, In My being sanctified in you before your eyes.
24 And I have taken you out of the nations, And have gathered you out of all the lands, And I have brought you in unto your land,
25 And I have sprinkled over you clean water, And ye have been clean; From all your uncleannesses, and from all your idols, I do cleanse you.
26 And I have given to you a new heart, And a new spirit I give in your midst, And I have turned aside the heart of stone out of your flesh, And I have given to you a heart of flesh.
27 And My Spirit I give in your midst, And I have done this, so that in My statutes ye walk, And My judgments ye keep, and have done them.
28 And ye have dwelt in the land that I have given to your fathers, And ye have been to Me for a people, And I -- I am to you for God.
29 And I have saved you from all your uncleannesses, And I have called unto the corn, and multiplied it, And I have put no famine upon you.
30 And I have multiplied the fruit of the tree, And the increase of the field, So that ye receive not any more a reproach of famine among nations.
31 And ye have remembered your ways that [are] evil, And your doings that [are] not good, And have been loathsome in your own faces, For your iniquities, and for your abominations.
32 Not for your sake am I working, An affirmation of the Lord Jehovah, Be it known to you, Be ashamed and confounded, because of your ways, O house of Israel.
33 Thus said the Lord Jehovah: In the day of My cleansing you from all your iniquities, I have caused the cities to be inhabited, And the wastes have been built,
34 And the desolate land is tilled, Instead of which it was a desolation before the eyes of every passer by,
35 And they have said: This land, that was desolated, Hath been as the garden of Eden, And the cities -- the wasted, And the desolated, and the broken down, Fenced places have remained.
36 And known have the nations who are left round about you, That I Jehovah have built the thrown down, I have planted the desolated: I Jehovah have spoken, and I have done [it].
37 Thus said the Lord Jehovah: Yet this I am required, By the house of Israel to do to them, I multiply them as a flock of men,
38 As a flock of holy ones, as a flock of Jerusalem, In her appointed seasons, So are the waste cities full of flocks of men, And they have known that I [am] Jehovah!'
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
