Add parallel Print Page Options

“Kaya anak ng tao, sabihin mo sa mga bundok ng Israel na ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi: Sinalakay kayo ng mga bansa mula sa ibaʼt ibang dako at sila ngayon ang nagmamay-ari sa inyo. Kinutya nila kayo at inilagay sa kahihiyan. 4-5 Kaya kayong mga bundok, burol, mga daluyan ng tubig, lambak, mga gibang lugar at mapanglaw na bayan na sinalakay at kinutya ng mga bansa sa palibot ninyo, pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing, lubha akong nagagalit sa mga bansang iyon, lalung-lalo na sa Edom. Sinakop nila ang aking lupain nang may katuwaan at pangungutya, dahil talagang gusto nilang mapunta sa kanila ang mga pastulan nito.

Read full chapter
'Ezekiel 36:3-5' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Kaya't manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang ginawang sira kayo, at nadaig kayo sa lahat ng dako, upang kayo'y maging pagaari ng nalabi sa mga bansa, (A)at kayo'y nabanggit ng mga labi ng mga mangdadaldal, at masamang ulat ng bayan;

Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at (B)kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Tunay na sa silakbo ng aking paninibugho ay (C)nagsalita ako laban sa nalabi sa mga bansa, at laban sa buong Edom, na nagtakda ng aking lupain sa kanilang sarili na pagaari na may kagalakan ng buo nilang puso, na may samá ng loob, upang ihagis na pinakasamsam.

Read full chapter

Therefore prophesy and say, ‘This is what the Sovereign Lord says: Because they ravaged(A) and crushed you from every side so that you became the possession of the rest of the nations and the object of people’s malicious talk and slander,(B) therefore, mountains of Israel, hear the word of the Sovereign Lord: This is what the Sovereign Lord says to the mountains and hills, to the ravines and valleys,(C) to the desolate ruins(D) and the deserted(E) towns that have been plundered and ridiculed(F) by the rest of the nations around you(G) this is what the Sovereign Lord says: In my burning(H) zeal I have spoken against the rest of the nations, and against all Edom, for with glee and with malice in their hearts they made my land their own possession so that they might plunder its pastureland.’(I)

Read full chapter