Ezekiel 35
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Mensahe Laban sa Edom
35 Sinabi sa akin ng Panginoon, 2 “Anak ng tao, humarap ka sa Bundok ng Seir[a] at sabihin mo ito laban sa mga mamamayan niya. 3 Sabihin mong ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabi: Kalaban ko kayo, mga taga-bundok ng Seir. Parurusahan ko kayo at magiging mapanglaw ang inyong lugar. 4 Magigiba at magiging mapanglaw ang mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon. 5 Matagal na kayong galit sa Israel, at pinabayaan lang ninyo silang salakayin sa panahon ng kanilang kagipitan, ang panahon na pinarurusahan sila dahil sa kanilang mga kasalanan. 6 Kaya ako, ang Panginoong Dios na buhay, ay sumusumpang ipapapatay ko kayo kahit saan kayo pumunta. Hahabulin kayo ng mamamatay-tao dahil pumatay din kayo. 7 Gagawin kong mapanglaw ang bundok ng Seir at papatayin ko ang lahat ng dumadaan dito. 8 Ang mga namatay sa inyo sa digmaan ay kakalat sa mga kabundukan, kaburulan, lambak at sa mga daluyan ng tubig. 9 Gagawin kong mapanglaw ang lugar ninyo magpakailanman. Wala nang titira sa mga bayan ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.
10 “Sinasabi ninyo na ang Juda at ang Israel ay magiging inyo, at aangkinin ninyo ito kahit ako, ang Panginoon, ay kasama nila. 11 Kaya ako, ang Panginoong Dios na buhay, ay sumusumpang gagantihan ko kayo sa inyong galit, inggit at poot, na ipinadama ninyo sa mga mamamayan ko. Kaya malalaman ninyong ako ang Panginoon habang pinarurusahan ko kayo. 12 Sa ganitong paraan, malalaman din ninyong ako ang Panginoon na nakaririnig ng lahat ng paglapastangan ninyo sa mga bundok ng Israel. Sapagkat sinasabi ninyong, ‘Wasak na ito, sakupin na natin!’ 13 Nagmalaki kayo sa akin. Kinutya nʼyo ako at narinig ko ito.
14 “Kaya ako, ang Panginoong Dios, ay nagsasabing magagalak ang buong mundo, kapag ginawa kong mapanglaw ang lugar ninyo, 15 dahil natuwa kayo nang naging mapanglaw ang lupaing ipinamana ko sa mga mamamayan ng Israel. Kaya ito rin ang mangyayari sa inyo. Magiging mapanglaw ang bundok ng Seir at ang buong lupain ng Edom. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon.”
Footnotes
- 35:2 Bundok ng Seir: Isa pang tawag sa Edom.
Ezekiel 35
Young's Literal Translation
35 And there is a word of Jehovah unto me, saying:
2 `Son of man, set thy face against mount Seir, and prophesy against it,
3 and thou hast said to it: Thus said the Lord Jehovah: Lo, I [am] against thee, O mount Seir, And have stretched out My hand against thee, And made thee a desolation and an astonishment.
4 Thy cities a waste I make, and thou art a desolation, And thou hast known that I [am] Jehovah.
5 Because of thy having an enmity age-during, And thou dost saw the sons of Israel, By the hands of the sword, In the time of their calamity, In the time of the iniquity of the end:
6 Therefore, I live -- an affirmation of the Lord Jehovah, Surely for blood I do appoint thee, And blood doth pursue thee, If blood thou hast not hated, Blood also doth pursue thee.
7 And I have given mount Seir for a desolation and an astonishment, And have cut off from it him who is passing over and him who is returning,
8 And filled his mountains with his wounded, Thy hills, and thy valleys, and all thy streams, The pierced of the sword fall into them.
9 Desolations age-during I make thee, And thy cities do not return, And ye have known that I [am] Jehovah.
10 Because of thy saying: The two nations and the two lands are mine, and we have possessed it, And Jehovah hath been there;
11 Therefore, I live -- an affirmation of the Lord Jehovah, And I have done according to thine anger, And according to thine envy, With which thou hast wrought, Because of thy hatred against them, And I have been known among them when I judge thee.
12 And thou hast known that I -- Jehovah, I have heard all thy despisings that thou hast spoken Against mountains of Israel, saying: A desolation, to us they were given for food.
13 And ye magnify yourselves against Me with your mouth, And have made abundant against Me your words, I -- I have heard.
14 Thus said the Lord Jehovah: According to the rejoicing of the whole land, A desolation I make of thee.
15 According to thy joy at the inheritance of the house of Israel because of desolation, So I do to thee -- a desolation thou art, O mount Seir, and all Edom -- all of it, And they have known that I [am] Jehovah!
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®