Add parallel Print Page Options
'Ezekiel 34:24-26' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

24 At akong(A) Panginoon ay magiging kanilang Diyos, at ang aking lingkod na si David ay magiging pinuno nila; akong Panginoon ang nagsalita.

25 “Ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking aalisin ang mababangis na hayop sa lupain; at sila'y maninirahang tiwasay sa ilang, at matutulog sa mga kakahuyan.

26 Aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nasa palibot ng aking burol. Aking pababagsakin ang ulan sa kapanahunan; sila'y magiging ulan ng pagpapala.

24 Ako, ang Panginoon, ang magiging Dios nila, at ang lahi ng lingkod kong si David ang kanilang magiging tagapamahala. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.

25 “Gagawa ako ng kasunduan sa kanila na magiging mabuti ang kanilang kalagayan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa lupain nila para makapanirahan sila sa ilang at makatulog sa kagubatan nang ligtas sa panganib. 26 Pagpapalain ko sila at ang mga lugar sa paligid ng aking banal na bundok. Padadalhan ko sila ng ulan sa tamang oras bilang pagpapala sa kanila.