Ezekiel 31
Ang Biblia, 2001
Inihambing ang Ehipto sa Sedro
31 Nang unang araw ng ikatlong buwan ng ikalabing-isang taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2 “Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon na hari ng Ehipto, at sa kanyang karamihan:
“Sino ang iyong kawangis sa iyong kadakilaan?
3 Narito, tingnan mo, ikaw ay ihahambing ko sa sedro sa Lebanon,
na may magagandang sanga, at may mayabong na lilim,
at napakataas,
at ang kanyang dulo ay nasa gitna ng mayayabong na sanga.
4 Dinidilig siya ng tubig,
pinalalaki siya ng kalaliman,
ang kanyang mga ilog ay umaagos
sa palibot ng kanyang kinatataniman;
at kanyang pinaaagos ang kanyang mga tubig
sa lahat ng punungkahoy sa kagubatan.
5 Kaya't ito ay naging napakataas
at higit kaysa lahat ng punungkahoy sa gubat;
at ang kanyang mga sanga ay dumami,
at ang kanyang mga sanga ay humaba,
dahil sa saganang tubig nang kanyang pabugsuan.
6 Lahat ng ibon sa himpapawid
ay gumawa ng kanilang mga pugad sa kanyang mga sanga;
at sa ilalim ng kanyang mga sanga
ay nanganak ang lahat ng mga hayop sa parang;
at sa kanyang lilim ay nanirahan
ang lahat ng malalaking bansa.
7 Ito ay maganda sa kanyang kadakilaan,
sa haba ng kanyang mga sanga;
sapagkat ang kanyang ugat ay bumaba
hanggang sa saganang tubig.
8 Ang(A) mga sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makapantay sa kanya;
ni ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kanyang mga sanga,
at ang mga puno ng kastano ay walang halaga
kapag inihambing sa kanyang mga sanga;
walang anumang punungkahoy sa halamanan ng Diyos
na kagaya niya sa kanyang kagandahan.
9 Pinaganda ko siya
sa karamihan ng kanyang mga sanga,
kaya't lahat ng punungkahoy sa Eden,
na nasa halamanan ng Diyos, ay nainggit sa kanya.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Sapagkat ikaw ay nagpakataas at inilagay niya ang kanyang dulo sa gitna ng mayayabong na sanga, at ang kanyang puso ay nagmataas sa kanyang kataasan,
11 aking ibibigay siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa. Kanyang haharapin siya na gaya ng nararapat sa kanyang kasamaan. Aking pinalayas siya.
12 Ang mga dayuhan na siyang kakilakilabot sa mga bansa ang puputol sa kanya at siya'y iiwan. Sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay malalaglag ang kanyang mga sanga, at ang kanyang mga sanga ay mababali sa tabi ng lahat ng mga ilog ng lupain; ang lahat ng tao sa lupa ay lalayo mula sa kanyang lilim at iiwan siya.
13 Sa ibabaw ng kanyang guho ay maninirahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay maninirahan sa ibabaw ng kanyang mga sanga.
14 Ito ay upang walang punungkahoy na nasa tabi ng mga tubig ang lumago ng napakataas, o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mayayabong na sanga, at walang puno na umiinom ng tubig ang makaabot sa kanilang kataasan, sapagkat silang lahat ay ibinigay na sa kamatayan, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, sa gitna ng mga taong may kamatayan, na kasama ng nagsibaba sa hukay.
15 “Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kapag siya'y bumaba sa Sheol ay patatangisin ko ang kalaliman dahil sa kanya, at pipigilin ko ang mga ilog niya; at ang mga malalaking ilog ay titigil. Aking daramtan ng panangis ang Lebanon dahil sa kanya at ang lahat na punungkahoy sa parang ay manlulupaypay dahil sa kanya.
16 Aking yayanigin ang mga bansa sa ugong ng kanyang pagkabuwal, aking ihahagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat ng punungkahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Lebanon, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay maaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa.
17 Sila rin nama'y magsisibaba sa Sheol na kasama niya, sa kanila na napatay ng tabak; oo, silang naninirahan sa kanyang lilim sa gitna ng mga bansa ay mamamatay.
18 Sino sa inyo ang gaya ng punungkahoy sa Eden sa kaluwalhatian at sa kadakilaan? Ibababa ka na kasama ng mga punungkahoy sa Eden sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. Ikaw ay hihigang kasama ng mga di-tuli, na kasama nila na napatay ng tabak.
“Ito'y si Faraon at ang lahat niyang karamihan, sabi ng Panginoong Diyos.”
Ezekiel 31
Ang Dating Biblia (1905)
31 At nangyari nang ikalabing isang taon, nang ikatlong buwan, nang unang araw ng buwan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2 Anak ng tao, sabihin mo kay Faraon, na hari sa Egipto, at sa kaniyang karamihan: Sino ang iyong kawangis sa iyong kalakhan?
3 Narito, ang taga Asiria ay isang cedro sa Libano, na may magandang mga sanga, at may mayabong na lilim, at may mataas na kataasan; at ang kaniyang dulo ay nasa gitna ng mga mayabong na sanga.
4 Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang.
5 Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan.
6 Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa.
7 Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig.
8 Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan.
9 Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.
10 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ikaw ay nataas sa kataasan, at inilagay niya ang kaniyang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, at ang kaniyang puso ay nagmataas sa kaniyang pagkataas;
11 Aking ibibigay nga siya sa kamay ng makapangyarihan sa mga bansa; walang pagsalang siya'y susugpuin: aking pinalayas siya dahil sa kaniyang kasamaan.
12 At inihiwalay siya at iniwan siya, ng mga taga ibang lupa, ng kakilakilabot sa mga bansa: sa ibabaw ng mga bundok at sa lahat ng mga libis ay nangalaglag ang kaniyang mga sanga, at ang kaniyang mga sanga ay nangabali sa siping ng lahat ng mga ilog ng lupain; at bumaba ang lahat ng tao sa lupa mula sa kaniyang lilim at iniwan siya.
13 Sa kaniyang guho ay magsisitahan ang lahat ng mga ibon sa himpapawid, at lahat ng mga hayop sa parang ay mangapapa sa kaniyang mga sanga;
14 Upang walang magmataas sa kanilang kataasan sa lahat na punong kahoy sa siping ng tubig, o maglagay man ng kanilang dulo sa gitna ng mga mayabong na sanga, o ang kanila mang mga makapangyarihan ay magsitayo sa kanilang pagkataas, sa makatuwid baga'y yaong lahat na nagsisiinom ng tubig: sapagka't silang lahat ay nangabigay sa kamatayan, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa, sa gitna ng mga anak ng tao, na kasama ng nagsibaba sa hukay.
15 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya.
16 Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa.
17 Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa.
18 Sino ang gaya mong ganito sa kaluwalhatian at sa kalakhan sa gitna ng mga punong kahoy sa Eden? gayon ma'y mabababa ka na kasama ng mga punong kahoy sa Eden, sa pinakamalalim na bahagi ng lupa: ikaw ay malalagay sa gitna ng mga di tuli, na kasama nila na nangapatay ng tabak. Ito'y si Faraon at ang buo niyang karamihan, sabi ng Panginoong Dios.
Ezekiel 31
New International Version
Pharaoh as a Felled Cedar of Lebanon
31 In the eleventh year,(A) in the third month on the first day, the word of the Lord came to me:(B) 2 “Son of man, say to Pharaoh king of Egypt and to his hordes:
“‘Who can be compared with you in majesty?
3 Consider Assyria,(C) once a cedar in Lebanon,(D)
with beautiful branches overshadowing the forest;
it towered on high,
its top above the thick foliage.(E)
4 The waters(F) nourished it,
deep springs made it grow tall;
their streams flowed
all around its base
and sent their channels
to all the trees of the field.(G)
5 So it towered higher(H)
than all the trees of the field;
its boughs increased
and its branches grew long,
spreading because of abundant waters.(I)
6 All the birds of the sky
nested in its boughs,
all the animals of the wild
gave birth(J) under its branches;
all the great nations
lived in its shade.(K)
7 It was majestic in beauty,
with its spreading boughs,
for its roots went down
to abundant waters.(L)
8 The cedars(M) in the garden of God
could not rival it,
nor could the junipers
equal its boughs,
nor could the plane trees(N)
compare with its branches—
no tree in the garden of God
could match its beauty.(O)
9 I made it beautiful
with abundant branches,
the envy of all the trees of Eden(P)
in the garden of God.(Q)
10 “‘Therefore this is what the Sovereign Lord says: Because the great cedar towered over the thick foliage, and because it was proud(R) of its height, 11 I gave it into the hands of the ruler of the nations, for him to deal with according to its wickedness. I cast it aside,(S) 12 and the most ruthless of foreign nations(T) cut it down and left it. Its boughs fell on the mountains and in all the valleys;(U) its branches lay broken in all the ravines of the land. All the nations of the earth came out from under its shade and left it.(V) 13 All the birds settled on the fallen tree, and all the wild animals lived among its branches.(W) 14 Therefore no other trees by the waters are ever to tower proudly on high, lifting their tops above the thick foliage. No other trees so well-watered are ever to reach such a height; they are all destined(X) for death,(Y) for the earth below, among mortals who go down to the realm of the dead.(Z)
15 “‘This is what the Sovereign Lord says: On the day it was brought down to the realm of the dead I covered the deep springs with mourning for it; I held back its streams, and its abundant waters were restrained. Because of it I clothed Lebanon with gloom, and all the trees of the field withered away.(AA) 16 I made the nations tremble(AB) at the sound of its fall when I brought it down to the realm of the dead to be with those who go down to the pit. Then all the trees(AC) of Eden,(AD) the choicest and best of Lebanon, the well-watered trees, were consoled(AE) in the earth below.(AF) 17 They too, like the great cedar, had gone down to the realm of the dead, to those killed by the sword,(AG) along with the armed men who lived in its shade among the nations.
18 “‘Which of the trees of Eden can be compared with you in splendor and majesty? Yet you, too, will be brought down with the trees of Eden to the earth below; you will lie among the uncircumcised,(AH) with those killed by the sword.
“‘This is Pharaoh and all his hordes, declares the Sovereign Lord.’”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

