Ezekiel 2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagsusugo kay Ezekiel
2 Sinabi sa akin ng tinig, “Ezekiel, anak ng tao, tumayo ka at may sasabihin ako sa iyo.” 2 Kasabay noon, nilukuban ako ng kanyang Espiritu at itinayo ako upang pakinggan ang kanyang sasabihin. 3 Ang sabi niya, “Ezekiel, anak ng tao, susuguin kita sa Israel, sa bansang suwail. Pagkat mula sa kanilang ninuno, naghihimagsik na sila sa akin hanggang ngayon. 4 Matigas ang kanilang ulo at walang pitagan. Kaya puntahan mo sila at sabihin mong ito ang ipinapasabi ng Panginoong Yahweh. 5 Makinig man sila o hindi, malalaman nilang may isang propeta sa kanilang kalagitnaan. 6 Huwag kang matatakot sa kanila kahit pagbantaan ka nila, kahit na paligiran ka nila na waring nakaupo ka sa gitna ng mga alakdan. Huwag ka ngang masisindak sa kanila bagama't sila'y talagang mapaghimagsik. 7 Sa makinig sila o sa hindi, sabihin mo sa kanila ang ipinapasabi ko sa iyo, pagkat sila'y talagang mapaghimagsik.
8 “Ezekiel, anak ng tao, pakinggan mo ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang tutulad sa kanila na naghimagsik sa akin. Ngumanga ka. Kainin mo ito.” 9 Nang(A) ako'y tumingala, may isang kamay na nag-abot sa akin ng isang kasulatan. 10 Iniladlad ito at nabasa ko sa magkabila ang mga panaghoy, pagdadalamhati, at paghihirap.
Ezekiel 2
Ang Biblia (1978)
Ang tawag sa Propeta.
2 At sinabi niya sa akin, (A)Anak ng tao, tumayo ka ng iyong mga paa, at ako'y makikipagsalitaan sa iyo.
2 At ang Espiritu (B)ay sumaakin nang siya'y magsalita sa akin, at itinayo ako sa aking mga paa; at aking narinig siya na nagsasalita sa akin.
3 At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, sinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa mga bansa na mapanghimagsik, na nanganghimagsik laban sa akin: sila at ang kanilang mga magulang ay nagsisalangsang laban sa akin, hanggang sa kaarawan ngang ito.
4 At ang mga anak ay walang galang at mapagmatigas na loob; sinusugo (C)kita sa kanila: at iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios.
5 At sila sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila (sapagka't sila'y mapanghimagsik na sangbahayan), gayon man (D)ay matatalastas nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.
6 At ikaw, anak ng tao, (E)huwag matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman maging mga dawag at mga tinik ang kasama mo, at bagaman ikaw ay tumatahan sa gitna ng mga alakdan: huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manglupaypay man sa kanilang mga tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan.
7 At iyong sasalitain (F)ang aking mga salita sa kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man; sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik.
8 Nguni't ikaw, anak ng tao, dinggin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo; huwag kang mapanghimagsik na gaya niyaong mapanghimagsik na sangbahayan; ibuka mo ang iyong bibig, at (G)iyong kanin ang ibinibigay ko sa iyo.
9 At nang ako'y tumingin, narito, (H)isang kamay ay nakaunat sa akin; at narito, isang balumbon (I)ay nandoon;
10 At ikinadkad niya sa harap ko: at nasusulatan (J)sa loob at sa labas; at may (K)nakasulat doon na mga taghoy, at panangis, at mga daing.
Ezekiel 2
New International Version
Ezekiel’s Call to Be a Prophet
2 He said to me, “Son of man,[a](A) stand(B) up on your feet and I will speak to you.(C)” 2 As he spoke, the Spirit came into me and raised me(D) to my feet, and I heard him speaking to me.
3 He said: “Son of man, I am sending you to the Israelites, to a rebellious nation that has rebelled against me; they and their ancestors have been in revolt against me to this very day.(E) 4 The people to whom I am sending you are obstinate and stubborn.(F) Say to them, ‘This is what the Sovereign Lord says.’(G) 5 And whether they listen or fail to listen(H)—for they are a rebellious people(I)—they will know that a prophet has been among them.(J) 6 And you, son of man, do not be afraid(K) of them or their words. Do not be afraid, though briers and thorns(L) are all around you and you live among scorpions. Do not be afraid of what they say or be terrified by them, though they are a rebellious people.(M) 7 You must speak(N) my words to them, whether they listen or fail to listen, for they are rebellious.(O) 8 But you, son of man, listen to what I say to you. Do not rebel(P) like that rebellious people;(Q) open your mouth and eat(R) what I give you.”
9 Then I looked, and I saw a hand(S) stretched out to me. In it was a scroll,(T) 10 which he unrolled before me. On both sides of it were written words of lament and mourning and woe.(U)
Footnotes
- Ezekiel 2:1 The Hebrew phrase ben adam means human being. The phrase son of man is retained as a form of address here and throughout Ezekiel because of its possible association with “Son of Man” in the New Testament.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

