Add parallel Print Page Options

Anak ng tao, manghula ka, at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manambitan kayo: Sa aba ng araw na yaon!

Sapagka't ang kaarawan ay (A)malapit na, sa makatuwid baga'y ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na; magiging kaarawan ng pagaalapaap; panahon ng mga bansa.

Read full chapter
'Ezekiel 30:2-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

“Anak ng tao, magpahayag ka ng propesiya at iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:

“Managhoy kayo, ‘Kahabag-habag ang araw na iyon!’
    Sapagkat ang araw ay malapit na,
    ang araw ng Panginoon ay malapit na;
magiging araw iyon ng mga ulap,
    panahon ng kapahamakan para sa mga bansa.

Read full chapter

Kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayan na nangapabayaan, na mga naging samsam at (A)kakutyaan na nalabi sa mga bansa na nangasa palibot;

Read full chapter
'Ezekiel 36:4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

kaya't kayong mga bundok ng Israel, inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Diyos: Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa mga bundok at mga burol, sa mga bangin at mga libis, sa mga sirang dako at sa mga bayang iniwan, na naging biktima at panunuya sa nalabi sa mga bansang nasa palibot.

Read full chapter

Kaya't manghula ka tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok at sa mga burol, sa mga daan ng tubig at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y nagsalita sa aking paninibugho at sa aking kapusukan, sapagka't (A)inyong tinaglay ang kahihiyan ng mga bansa.

Read full chapter
'Ezekiel 36:6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Kaya't magsalita ka ng propesiya tungkol sa lupain ng Israel, at sabihin mo sa mga bundok, sa mga burol, sa mga bangin at sa mga libis, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ako'y nagsalita sa poot ng aking paninibugho, sapagkat inyong dinanas ang kahihiyan ng mga bansa.

Read full chapter