Add parallel Print Page Options

Itinulad sa Baging na Ligaw ang Jerusalem

15 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, ano ba ang kahigtan ng puno ng ubas kaysa punongkahoy sa gubat? Mayroon ba itong ibang mapaggagamitan? Maaari ba itong gawing tulos o sabitan ng kagamitan? Hindi! Ito ay panggatong lamang. At kung masunog na ito'y wala nang silbi. Kung noong buo pa ito ay wala nang mapaggamitan, gaano pa kung uling na. Lalong wala nang gamit!”

Kaya naman ipinapasabi ni Yahweh: “Kung paanong ang baging ay kinukuha sa gubat upang igatong, gayon ang gagawin ko sa mga taga-Jerusalem. Tatalikuran ko sila. Makatakas man sila sa apoy, ito rin ang papatay sa kanila. At makikilala ninyong ako si Yahweh kapag naparusahan ko na sila. Ang lupaing iyon ay gagawin kong pook ng lagim pagkat hindi sila naging tapat sa akin.”

'Ezekiel 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Jerusalem ay gigibain.

15 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi.

Anak ng tao, ano ang higit ng puno ng baging kay sa alin mang puno ng kahoy, ng sanga ng puno ng baging na nasa gitna ng mga punong kahoy sa gubat?

Makakakuha baga ng kahoy doon upang gawing anomang kayarian? o makakakuha baga roon ang mga tao ng tulos upang mapagsabitan ng anomang kasangkapan?

Narito, inihahagis sa apoy na parang panggatong; sinusupok ng apoy ang dalawang dulo niyaon, at ang gitna niyao'y nasusunog; magagamit baga sa anomang gawain?

Narito, ng buo pa, hindi nagagamit sa anomang gawain: gaano pa nga kaya, pagka nasupok ng apoy, at nasunog, magagamit pa baga sa anomang gawain?

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (A)Kung paano ang puno ng baging sa gitna ng mga puno ng kahoy sa gubat, na aking ibinigay sa apoy na panggatong, gayon ko ibibigay ang mga nananahan sa Jerusalem.

At (B)aking ititingin ang aking mukha laban sa kanila: sila'y magsisilabas sa apoy, nguni't susupukin sila ng apoy; (C)at inyong malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking itiningin ang aking mukha laban sa kanila.

At aking sisirain ang lupain, sapagka't sila'y gumawa ng pagsalangsang, sabi ng Panginoong Dios.