Add parallel Print Page Options

Ikalimang(A) araw noon ng ikaapat na buwan ng ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin. Ako na isang pari at anak ni Buzi ay nasa Babilonia sa baybayin ng Ilog Kebar nang magpahayag sa akin si Yahweh.

Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. Sa(B) sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buháy na anyong tao. Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak. Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa(C) harap, mukha silang tao. Sa kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang agila sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan.

Read full chapter
'Ezekiel 1:2-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Nang ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng (A)pagkabihag ng haring Joacim,

Ang salita ng Panginoon ay dumating na maliwanag kay Ezekiel na (B)saserdote, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pangpang ng ilog Chebar: at ang kamay ng Panginoon, (C)ay sumasa kaniya.

At ako'y tumingin, at, narito, (D)isang unos na hangin ay (E)lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy.

At mula (F)sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao;

At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.

At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang (G)na parang kulay ng tansong binuli.

At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak (H)sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito:

Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y (I)hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy.

10 Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila.

11 At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan.

Read full chapter