Add parallel Print Page Options

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon. Dahil sa kapangyarihan ko, papayagan niyang umalis kayo sa bayan niya. Itataboy pa nga niya kayo.”

Sinabi pa ng Dios kay Moises, “Ako ang Panginoon. Nagpakita ako kina Abraham, Isaac, at Jacob bilang Makapangyarihang Dios, pero hindi ko ipinakilala sa kanila ang pangalan kong Panginoon. Gumawa ako ng kasunduan sa kanila, na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan kung saan sila nanirahan bilang mga dayuhan. Narinig ko ang hinaing ng mga Israelita na inaalipin ng mga Egipcio at inalala ko ang kasunduan ko sa kanila.

“Kaya sabihin mo sa mga Israelita: ‘Ako ang Panginoon. Palalayain ko kayo sa pagkaalipin sa Egipto. Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan, matinding parusa ang ibibigay ko sa mga Egipcio, at ililigtas ko kayo sa pagkaalipin. Ituturing ko kayong mga mamamayan at akoʼy magiging Dios ninyo. At malalaman ninyo na ako ang Panginoon na inyong Dios na nagligtas sa inyo sa pagkaalipin sa Egipto. Dadalhin ko kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay kina Abraham, Isaac, at Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang pag-aari ninyo. Ako ang Panginoon.’ ”

Sinabi ito ni Moises sa mga Israelita pero hindi sila naniwala sa kanya dahil nawalan na sila ng pag-asa sa sobrang pagpapahirap sa kanila bilang mga alipin.

10 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 11 “Lumakad ka at sabihin sa Faraon na hari ng Egipto na payagan na niyang umalis ang mga Israelita sa bayan niya.”

12 Pero sinabi ni Moises sa Panginoon, “Kung ang mga Israelita nga poʼy hindi nakikinig sa akin, ang Faraon pa kaya? Lalo naʼt hindi ako magaling magsalita!”

13 Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Sabihin ninyo sa mga Israelita at sa Faraon na hari ng Egipto na inutusan ko kayong pangunahan ang mga Israelita para lumabas ng Egipto.”

Ang mga Ninuno nina Moises at Aaron

14 Ito ang mga ninuno ng mga sambahayan na nagmula sa lahi ng Israel:

Ang mga anak na lalaki ni Reuben, na panganay na anak ni Israel ay sina Hanoc, Palu, Hezron at Carmi. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Reuben.

15 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar at Shaul. (Si Shaul ang anak ni Simeon sa isang Cananea.) Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan na nagmula kay Simeon.

16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ayon sa kasaysayan ng lahi niya ay sina Gershon, Kohat at Merari. Nabuhay si Levi ng 137 taon.

17 Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei.

18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel. Nabuhay si Kohat ng 133 taon.

19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi. Ang mga angkan nila ay nagmula kay Levi ayon sa kasaysayan ng lahi niya.

20 Napangasawa ni Amram si Jochebed na kapatid ng kanyang ama. Ang kanilang mga anak na lalaki ay sina Aaron at Moises. Nabuhay si Amram ng 137 taon.

21 Ang mga anak na lalaki ni Izar ay sina Kora, Nefeg at Zicri.

22 Ang mga anak na lalaki ni Uziel ay sina Mishael, Elzafan at Sitri.

23 Napangasawa ni Aaron si Elisheba na anak ni Aminadab at kapatid ni Nashon. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.

24 Ang mga anak na lalaki ni Kora ay sina Asir, Elkana at Abiasaf. Sila at ang mga pamilya nila ay ang mga angkan nagmula kay Kora.

25 Si Eleazar na anak ni Aaron ay nakapag-asawa ng isa sa mga anak ni Putiel. Ang kanilang anak na lalaki ay si Finehas.

Sila ang mga ninuno ng pamilyang nagmula kay Levi.

26 Ang Aaron at Moises na nabanggit sa listahang ito ay ang Aaron at Moises na inutusan ng Panginoon na manguna sa pagpapalaya ng bawat lahi ng Israel sa Egipto. 27 Sila ang nakipag-usap sa Faraon na hari ng Egipto na palayain ang mga Israelita sa Egipto.

Inutusan ng Panginoon si Aaron na Magsalita para kay Moises

28 Nang nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises sa Egipto, 29 sinabi niya kay Moises, “Ako ang Panginoon. Sabihin ninyo sa Faraon na hari ng Egipto ang lahat ng sinabi ko sa iyo.”

30 Pero sinabi ni Moises sa Panginoon, “Hindi po ako magaling magsalita, kaya hindi makikinig ang Faraon sa akin.”

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ngayo'y iyong makikita kung ano ang gagawin ko kay Faraon, sapagka't sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay payayaunin niya sila, at sa pamamagitan ng isang malakas na kamay ay palalayasin niya sila sa kaniyang lupain.

At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova.

At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.

At akin ding pinapagtibay ang aking tipan sa kanila na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain ng kanilang pakikipamayan, na kanilang pinakipamayanan.

At bukod dito'y aking narinig ang hibik ng mga anak ni Israel na mga binibinbin ng mga Egipcio sa pagkaalipin; at aking naalaala ang aking tipan.

Kaya't sabihin mo sa mga anak ni Israel, Ako'y si Jehova at aking ilalabas kayo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio, at aking hahanguin kayo sa pagkaalipin sa kanila, at aking tutubusin kayo na may unat na kamay at may mga dakilang kahatulan:

At kayo'y aking aariin na pinakabayan ko at ako'y magiging sa inyo'y Dios, at inyong makikilala na ako'y si Jehova ninyong Dios, na naglalabas sa inyo sa ilalim ng mga atang sa mga Egipcio.

At aking dadalhin kayo sa lupain, na siyang pinagtaasan ko ng aking kamay na aking ibibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob; at aking ibibigay sa inyo na pinakamana: ako'y si Jehova.

At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel; datapuwa't hindi sila nakinig kay Moises, dahil sa yamot, at dahil sa mabagsik na pagkaalipin.

10 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

11 Pumasok ka, salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto, na kaniyang pahintulutang umalis sa lupain niya ang mga anak ni Israel.

12 At si Moises ay nagsalita sa harap ng Panginoon, na sinasabi, Narito ang mga anak ni Israel ay hindi nakinig sa akin; paano ngang si Faraon ay makikinig sa akin, na ako'y may mga labing di tuli?

13 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron, at pinagbilinan sila hinggil sa mga anak ni Israel, at kay Faraon, na hari sa Egipto, upang ilabas ang mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto.

14 Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi: ito ang mga angkan ni Ruben.

15 At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zoar, at si Saul na anak sa isang babaing taga Canaan: ito ang mga angkan ni Simeon.

16 At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Levi ayon sa kanilang lahi; si Gerson, at si Coath, at si Merari; at ang mga naging taon ng buhay ni Levi ay isang daan at tatlong pu't pitong taon.

17 Ang mga anak ni Gerson; si Libni at si Shimi, ayon sa kanikanilang angkan.

18 At ang mga anak ni Coath; si Amram, at si Izhar, at si Hebron, at si Uzziel; at ang mga naging taon ng buhay ni Coath ay isang daan at tatlong pu't tatlong taon.

19 At ang mga anak ni Merari; si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa kanilang lahi.

20 At nagasawa si Amram kay Jochebed na kapatid na babae ng kaniyang ama, at ipinanganak nito sa kaniya si Aaron at si Moises: at ang mga naging taon ng buhay ni Amram ay isang daan at tatlong pu't pitong taon.

21 At ang mga anak ni Izhar; si Cora, at si Nepheg, at si Zithri.

22 At ang mga anak ni Uzziel; si Misael, at si Elzaphan, at si Zithri.

23 At nagasawa si Aaron kay Elisabeth, na anak ni Aminadab, na kapatid ni Naason; at ipinanganak nito sa kaniya si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.

24 At ang mga anak ni Cora; si Assir, at si Elcana, at si Abiasaph; ito ang mga angkan ng mga Corita.

25 At si Eleazar na anak ni Aaron, ay nagasawa sa isa sa mga anak ni Phutiel; at ipinanganak niya si Phinees. Ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita ayon sa kanilang mga angkan.

26 Ito'y yaong si Aaron at si Moises, na siyang pinagsabihan ng Panginoon. Ilabas ninyo ang mga anak ni Israel sa lupaing Egipto ayon sa kanilang mga hukbo.

27 Ito ang mga nagsalita kay Faraon na hari sa Egipto, upang ilabas ang mga anak ni Israel sa Egipto: ang mga ito'y si Moises at si Aaron.

28 At nangyari ng araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa lupain ng Egipto,

29 Na sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Ako nga ang Panginoon; salitain mo kay Faraon na hari sa Egipto, ang lahat ng aking sinasalita sa iyo.

30 At sinabi ni Moises sa harap ng Panginoon, Narito ako'y may mga labing di tuli, at paanong si Faraon ay makikinig sa akin?

Then the Lord said to Moses, “Now you will see what I will do to Pharaoh. I will use my great power against him, and he will let my people go. He will be so ready for them to leave that he will force them to go.”

Then God said to Moses, “I am the Lord. I appeared to Abraham, Isaac, and Jacob. They called me God All-Powerful. They did not know my name, the Lord. I made an agreement with them. I promised to give them the land of Canaan. They lived in that land, but it was not their own. Now, I have heard their painful cries. I know that they are slaves in Egypt. And I remember my agreement. So tell the Israelites that I say to them, ‘I am the Lord. I will save you. You will no longer be slaves of the Egyptians. I will use my great power to make you free, and I will bring terrible punishment to the Egyptians. You will be my people and I will be your God. I am the Lord your God, and you will know that I made you free from Egypt. I made a great promise to Abraham, Isaac, and Jacob. I promised to give them a special land. So I will lead you to that land. I will give you that land. It will be yours. I am the Lord.’”

So Moses told this to the Israelites, but the people would not listen to him. They were working so hard that they were not patient with Moses.

10 Then the Lord said to Moses, 11 “Go tell Pharaoh that he must let the Israelites leave his land.”

12 But Moses answered, “Lord, the Israelites refuse to listen to me. So surely Pharaoh will also refuse to listen. I am a very bad speaker.”[a]

13 But the Lord talked with Moses and Aaron and commanded them to go and talk to the Israelites and to Pharaoh, the king of Egypt. He commanded them to lead the Israelites out of the land of Egypt.

Some of the Families of Israel

14 These are the names of the leaders of the families of Israel:

Israel’s first son, Reuben, had four sons. They were Hanoch, Pallu, Hezron, and Carmi.

15 Simeon’s sons were Jemuel, Jamin, Ohad, Jakin, Zohar, and Shaul. (Shaul was the son from a Canaanite woman).

16 Levi lived 137 years. His sons were Gershon, Kohath, and Merari.

17 Gershon had two sons, Libni and Shimei.

18 Kohath lived 133 years. His sons were Amram, Izhar, Hebron, and Uzziel.

19 Merari’s sons were Mahli and Mushi.

All these families were from Israel’s son Levi.

20 Amram lived 137 years. He married his father’s sister, Jochebed. Amram and Jochebed gave birth to Aaron and Moses.

21 Izhar’s sons were Korah, Nepheg, and Zicri.

22 Uzziel’s sons were Mishael, Elzaphan, and Sithri.

23 Aaron married Elisheba. (Elisheba was the daughter of Amminadab, and the sister of Nahshon.) Aaron and Elisheba gave birth to Nadab, Abihu, Eleazar, and Ithamar.

24 The sons of Korah (that is, the ancestors of the Korahites) were Assir, Elkanah, and Abiasaph.

25 Aaron’s son, Eleazar, married a daughter of Putiel. She gave birth to Phinehas.

All these people were from Israel’s son, Levi.

26 Aaron and Moses were from this tribe. And they are the men the Lord spoke to and said, “Lead my people out of Israel in groups.[b] 27 Aaron and Moses are the men who talked to Pharaoh, the king of Egypt, and told him to let the Israelites leave Egypt.

God Repeats His Call to Moses

28 The Lord spoke to Moses again in the land of Egypt. 29 He said, “I am the Lord. Tell the king of Egypt everything I tell you.”

30 But Moses, standing there before the Lord, said, “You know me. I’m a very bad speaker. How will I make the king listen to me?”

Footnotes

  1. Exodus 6:12 I am a very bad speaker Or “I sound like a foreigner.” Literally, “I have uncircumcised lips.”
  2. Exodus 6:26 groups Or “divisions.” This is a military term. It shows that Israel was organized like an army.