Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

Ang batas ukol sa Sabbath.

35 At pinulong ni Moises ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon, na inyong gagawin.

(A)Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin.

(B)Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.

Handog at mga manggagawa sa tabernakulo.

At sinalita ni Moises, sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (C)Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon, na sinasabi,

Magsikuha kayo sa inyo ng isang handog na taan sa Panginoon; sinomang may kusang loob, ay magdala ng handog sa Panginoon; ginto, at pilak, at tanso;

At kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng kambing;

At mga balat ng tupang lalake na tininang pula, at mga balat ng poka, at kahoy na akasia;

At langis na pangilawan, at mga espesia sa langis na pangpahid, at sa mabangong kamangyan:

At mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, na pang-epod, at pangpektoral.

10 (D)At pumarito ang bawa't matalino sa inyo, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon;

11 (E)Ang tabernakulo, ang tolda niyan, at ang takip niyan, ang mga kawit niyan, at ang mga tabla niyan, ang mga barakilan niyan, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan niyan;

12 (F)Ang kaban, at ang mga pingga niyan, ang luklukan ng awa, at ang (G)lambong ng tabing;

13 (H)Ang dulang at ang mga pingga niyan, at ang lahat ng kasangkapan niyan at ang (I)tinapay na handog;

14 (J)Ang kandelero rin naman na pangilaw, at ang mga kasangkapan niyan, at ang mga ilawan niyan, at ang (K)langis na pangilawan;

15 (L)At ang dambana ng kamangyan at ang mga pingga niyan, (M)at ang langis na pangpahid, at ang mabangong kamangyan, at ang (N)tabing na pangpintuan sa pintuan ng tabernakulo;

16 (O)Ang dambana ng handog na susunugin, sangpu ng saláng tanso niyan, at lahat ng mga kasangkapan niyan, ang hugasan at ang tungtungan niyan;

17 Ang mga tabing sa looban, ang mga haligi niyan, at ang mga tungtungan ng mga iyan, at ang tabing sa pintuan ng looban;

18 Ang mga tulos ng tabernakulo, at ang mga tulos ng looban, at ang mga panali ng mga iyan;

19 (P)Ang mga mainam na yaring kasuutan sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuutan kay Aaron na saserdote, at ang mga kasuutan ng kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.

20 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.

21 (Q)At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng panghandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan.

22 At sila'y naparoon, mga lalake at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at ng mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng (R)mga pulsera, ng madlang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.

23 At bawa't taong may (S)kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula, at ng mga balat ng poka, ay nangagdala.

24 Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa na paglilingkod ay nagdala.

25 At lahat ng mga babaing (T)matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay-ube, at pula, at lino.

26 At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.

27 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral;

28 (U)At ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pangmabangong kamangyan.

29 Ang mga anak ni Israel ay (V)nagdala ng kusang handog sa Panginoon; bawa't lalake at babae, na ang puso'y nagkusang nagpadala ng magagamit sa lahat na gawain, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin.

Ang manggagawa ay tinawag.

30 At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, (W)Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda;

31 At kaniyang pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, tungkol sa karunungan, sa pagkakilala, at sa kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain;

32 At upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, na gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,

33 At sa pagputol ng mga batong pangkalupkop, at sa pagukit sa kahoy, na gumawa sa lahat ng sarisaring maiinam na gawa.

34 At isinapuso niya ang katalinuhan, na siya'y makapagturo, siya at gayon din si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.

35 Sila'y kaniyang pinuspos ng karunungan sa puso upang gumawa ng lahat na sarisaring gawa, ng taga-ukit, at tagakatha, at ng mangbuburda sa kayong bughaw, at sa kulay-ube, sa pula, at sa lino, at ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anomang gawain, at ng mga kumakatha ng maiinam na gawa.

'Exodo 35 ' No se encontraron resultados para la versión: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Batas Ukol sa Sabbath

35 Tinipon ni Moises ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel, at sinabi sa kanila, “Ito ang mga salita na iniutos ng Panginoon na inyong gagawin.

Anim(A) na araw na gagawin ang gawain, subalit ang ikapitong araw ay banal na Sabbath na taimtim na pagpapahinga sa Panginoon; sinumang gumawa ng anumang gawa sa araw na iyon ay papatayin.

Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa lahat ng inyong tinitirhan sa araw ng Sabbath.”

Handog at mga Manggagawa sa Tabernakulo(B)

Sinabi ni Moises sa buong sambayanan ng mga anak ni Israel, “Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon:

Kumuha kayo sa inyo ng isang handog para sa Panginoon; sinumang may mapagbigay na puso ay magdala ng handog sa Panginoon: ginto, pilak, at tanso;

lanang asul, kulay-ube at pula; hinabing pinong lino; balahibo ng kambing,

mga balat ng tupang lalaki na kinulayan ng pula, mga balat ng kambing; at kahoy na akasya,

langis para sa ilaw, mga pabango para sa langis na pambuhos at para sa mabangong insenso,

at mga batong onix, at mga batong pang-enggaste, para sa efod at para sa pektoral.

10 “Ang bawat taong may kakayahan sa inyo ay pumarito, at gawin ang lahat ng iniutos ng Panginoon:

11 ang tabernakulo, ang tolda at ang takip niyon, ang mga kawit at ang mga tabla niyon, ang mga biga, ang mga haligi at ang mga patungan niyon;

12 ang kaban kasama ang mga pasanan niyon, ang luklukan ng awa, at ang tabing;

13 ang hapag kasama ang mga pasanan niyon, at ang lahat ng kasangkapan niyon at ang tinapay na handog;

14 ang ilawan din para sa ilaw, kasama ang mga kasangkapan at ang mga ilawan niyon, at ang langis para sa ilaw;

15 at ang dambana ng insenso, kasama ang mga pasanan niyon, ang langis na pambuhos, ang mabangong insenso, at ang tabing para sa pintuan na nasa pasukan ng tabernakulo;

16 ang dambana ng handog na sinusunog, at ang parilyang tanso niyon, ang mga pasanan niyon, lahat ng mga kasangkapan niyon, ang hugasan at ang patungan niyon.

17 Ang mga tabing sa bulwagan, ang mga haligi at ang mga patungan ng mga iyon, at ang tabing sa pasukan ng bulwagan;

18 ang mga tulos ng tabernakulo, ang mga tulos ng bulwagan, at ang mga lubid ng mga iyon;

19 ang mga kasuotang ginawang mainam para sa pangangasiwa sa dakong banal, ang mga banal na kasuotan para kay Aaron na pari, at ang mga kasuotan ng kanyang mga anak, para sa kanilang paglilingkod bilang mga pari.”

20 Pagkatapos, ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel ay umalis sa harap ni Moises.

21 At sila'y dumating, ang lahat ng taong napukaw ang kalooban, at lahat ng pinakilos ng kanyang espiritu at nagdala ng handog sa Panginoon upang gamitin sa toldang tipanan, at para sa lahat ng paglilingkod doon at para sa mga banal na kasuotan.

22 Kaya't sila'y naparoon, mga lalaki at mga babae, ang lahat na mayroong kusang loob, at nagdala ng mga aspile, mga hikaw, mga singsing na pantatak, mga pulseras, at sari-saring alahas na ginto; samakatuwid, lahat na nag-alay ng handog na ginto sa Panginoon.

23 At bawat taong may telang asul, o kulay-ube, o pula, o pinong lino, o balahibo ng mga kambing, o balat ng mga tupa na kinulayan ng pula, o mga balat ng kambing ay nagdala ng mga iyon.

24 Ang lahat na nakapaghandog ng handog na pilak at tanso ay nagdala ng handog sa Panginoon at lahat ng taong may kahoy na akasya na magagamit sa anumang gawain ay nagdala nito.

25 Lahat ng mga babaing may kakayahan ay naghabi sa pamamagitan ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi na telang asul, kulay-ube at pula, at hinabing pinong lino.

26 Lahat ng mga babae na ang mga puso ay pinakilos na may kakayahan ay naghabi ng balahibo ng kambing.

27 At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, mga batong pang-enggaste para sa efod at sa pektoral,

28 ng mga pabango at langis para sa ilawan at para sa langis na pambuhos, at para sa mabangong insenso.

29 Lahat ng lalaki at babae ng mga anak ni Israel na ang puso'y nagpakilos sa kanila na magdala ng anuman para sa gawain na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises na gawin ay nagdala ng mga iyon bilang kusang-loob na handog sa Panginoon.

Ang Manggagawa ay Tinawag(C)

30 Sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel, “Tingnan ninyo, tinawag ng Panginoon sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda.

31 Kanyang pinuspos siya ng Espiritu ng Diyos, ng kakayahan, katalinuhan, kaalaman, at kahusayan sa lahat ng sari-saring gawain;

32 upang gumawa ng magagandang dibuho, gumawa sa ginto, sa pilak, at sa tanso,

33 sa pagputol ng mga batong pang-enggaste, at sa pag-ukit sa kahoy, upang gumawa sa lahat ng mahuhusay na gawa.

34 At kanyang kinasihan siya upang makapagturo, siya at gayundin si Aholiab, na anak ni Ahisamac, sa lipi ni Dan.

35 Sila'y kanyang pinuspos ng kakayahan upang gumawa ng lahat ng sari-saring gawa ng tagaukit o ng tagakatha o mambuburda sa telang asul, kulay-ube, pula, at sa hinabing pinong lino, o ng manghahabi, ng mga gumagawa ng anumang gawain, at ng mga kumakatha ng magagandang disenyo.