Add parallel Print Page Options

Mga pagsasauli tungkol sa naging kasiraan.

22 Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at (A)ng apat na tupa ang isang tupa.

(B)Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay (C)hindi aariing mamamatay-tao ang pumatay.

Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamatay-tao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay (D)ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.

Kung ang ninakaw ay masumpungang buháy sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay (E)magbabayad siya ng ibayo.

Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.

Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy.

Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; (F)kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.

Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa (G)Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa.

Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.

10 Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:

11 (H)Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pagaari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.

12 Datapuwa't (I)kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.

13 Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.

14 At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.

15 Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.

Mga utos tungkol sa sabbath, sa bayan at sa relehion.

16 At kung (J)dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.

17 Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, (K)ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.

18 (L)Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.

19 (M)Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.

20 (N)Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.

21 (O)At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

22 (P)Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.

23 Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at (Q)sila'y (R)dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;

24 At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at (S)ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.

25 (T)Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.

26 (U)Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;

27 Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y (V)mapagbiyaya.

28 (W)Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.

29 Huwag kang magmamakupad ng (X)paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.

30 Gayon din ang (Y)gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: (Z)pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

31 At kayo'y (AA)magpapakabanal na tao sa akin: (AB)na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga aso.

'Exodo 22 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga Pagsasauli tungkol sa Naging Kasiraan

22 “Kung ang isang tao ay magnakaw ng isang baka, o ng tupa at patayin, o ipagbili, siya'y magbabayad ng limang baka para sa isang baka, at ng apat na tupa para sa isang tupa. Ang magnanakaw ay gagawa ng pagsasauli; kung wala siyang maisauli, siya'y ipagbibili dahil sa kanyang pagnanakaw.

“Kung ang isang magnanakaw ay mahuling pumapasok at siya'y hinampas na kanyang ikinamatay, hindi magkakaroon ng pananagutan sa dugo ang nakapatay,

ngunit kung sikatan siya ng araw ay magkakaroon siya ng pananagutan sa dugo.

“Kung ang ninakaw ay matagpuang buháy sa kanyang kamay, maging baka o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng doble.

“Kung ang sinuman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pakawalan ang kanyang hayop at manginain sa bukid ng iba, siya'y magsasauli mula sa pinakamainam sa kanyang sariling bukid, at mula sa kanyang sariling ubasan.

“Kung may magningas na apoy at umabot sa mga tinik, na anupa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ang nagpaningas ng apoy ay magbabayad ng buo.

“Kung ang sinuman ay magpatago sa kanyang kapwa ng salapi o pag-aari, at ito'y ninakaw sa bahay ng taong iyon, at pagkatapos, kung matagpuan ang magnanakaw, magbabayad siya ng doble.

Kung hindi matagpuan ang magnanakaw, lalapit ang may-ari ng bahay sa Diyos, upang ipakita kung pinakialaman niya o hindi ang pag-aari ng kanyang kapwa.

“Sapagkat sa lahat ng pagsuway, maging para sa baka, sa asno, sa tupa, sa kasuotan, o sa anumang bagay na nawala, na may magsabi na iyon nga ay sa kanya, dadalhin sa harapan ng Diyos ang usapin ng dalawa; ang parurusahan ng Diyos ay magbabayad ng doble sa kanyang kapwa.

10 “Kung ang sinuman ay maghabilin sa kanyang kapwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anumang hayop; at namatay ito, o nasaktan, o hinuli, na walang nakakakitang sinuman,

11 ang pagsumpa nilang dalawa sa Panginoon ang mamamagitan sa kanila upang makita kung pinakialaman niya o hindi ang pag-aari ng kanyang kapwa; at tatanggapin ng may-ari ang sumpa, at siya'y hindi magsasauli.

12 Subalit kung ninakaw ito sa kanya ay isasauli niya iyon sa may-ari.

13 Kung nilapa ito ng mga hayop, dadalhin niya ito bilang katibayan; hindi siya magsasauli ng anumang nilapa.

14 “Kung ang sinuman ay humiram ng anuman sa kanyang kapwa, at nasaktan ito, o namatay, na hindi kaharap ang may-ari, ang humiram ay magsasauli ng buo.

15 Kung ang may-ari niyon ay kaharap, hindi siya magsasauli; kung ito'y inupahan, dumating ito para sa upa nito.

Sari-saring Kautusan

16 “At(A) kung akitin ng isang lalaki ang isang dalaga na hindi pa naipagkakasundong mag-asawa at kanyang sipingan, kanyang ibibigay ang kanyang dote at gagawing kanyang asawa.

17 Kung mahigpit na tumutol ang kanyang ama na ibigay siya sa kanya, ay magbabayad siya ng salapi katumbas ng dote para sa mga dalaga.

18 “Huwag(B) mong pahintulutang mabuhay ang isang babaing mangkukulam.

19 “Sinumang(C) sumiping sa isang hayop ay papatayin.

20 “Ang(D) maghandog sa alinmang diyos, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na pupuksain.

21 “At(E) huwag mong aapihin, o pahihirapan ang dayuhan, sapagkat kayo'y mga dayuhan din sa lupain ng Ehipto.

22 Huwag ninyong pahihirapan ang sinumang babaing balo, o batang ulila.

23 Kung iyong pahihirapan sila sa anumang paraan, at dumaing sa akin, tiyak na aking diringgin ang kanilang daing;

24 ang aking poot ay mag-aalab, at papatayin ko kayo ng tabak, at ang inyong mga asawa ay magiging mga balo, at ang inyong mga anak ay magiging mga ulila.

25 “Kung(F) magpautang ka ng salapi sa kaninuman sa aking bayan sa dukhang kasama mo, huwag mo silang papakitunguhan bilang tagapagpautang; huwag mo siyang papatungan ng tubo.

26 Kung(G) iyong kunin ang damit ng iyong kapwa bilang sangla, isasauli mo iyon sa kanya bago lumubog ang araw;

27 sapagkat iyon lamang ang kanyang saplot, iyon ang kanyang pantakip sa kanyang katawan, ano pa ang kanyang ipapantulog? At kapag siya'y dumaing sa akin ay aking diringgin sapagkat ako'y mahabagin.

28 “Huwag(H) mong lalapastanganin ang Diyos, ni lalaitin man ang pinuno ng iyong bayan.

29 “Huwag mong ipagpapaliban ang paghahandog ng mula sa iyong mga ani, at ng mula sa umagos sa iyong mga pisaan.

“Ang panganay sa iyong mga anak na lalaki ay ibibigay mo sa akin.

30 Gayundin ang gagawin mo sa iyong mga baka at sa iyong mga tupa: pitong araw itong makakasama ng kanyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo ito sa akin.

31 “Kayo'y(I) magiging mga taong itinalaga para sa akin; kaya't huwag kayong kakain ng anumang laman na nilapa ng mababangis na hayop sa parang; inyong itatapon ito sa mga aso.