Font Size
Ester 9:2-4
Magandang Balita Biblia
Ester 9:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Nang araw na iyon, nagsama-sama ang lahat ng Judio sa buong kaharian[a] upang labanan ang sinumang mananakit sa kanila. Ngunit wala namang nangahas magbuhat ng kamay sa kanila sapagkat natakot sa kanila ang lahat. 3 Tinulungan pa sila ng mga gobernador at ng lahat ng pinuno sa bawat lalawigan dahil naman sa takot kay Mordecai 4 na noon ay isa nang makapangyarihang tao sa kaharian. Bantog na sa buong kaharian ang kanyang pangalan at patuloy pang lumalaki ang kanyang kapangyarihan.
Read full chapterFootnotes
- Ester 9:2 sa buong kaharian: o kaya'y sa bawat lunsod na may mga nakatirang Judio .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.