Efeso 2:13
Magandang Balita Biblia
13 Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.
Read full chapter
Efeso 2:18
Magandang Balita Biblia
18 Dahil kay Cristo, tayong lahat ay nakakalapit sa Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.
Read full chapter
Efeso 3:12
Magandang Balita Biblia
12 Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo at sa pamamagitan ng ating pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:21
Magandang Balita Biblia
21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos.
Read full chapter
Mga Hebreo 10:22
Magandang Balita Biblia
22 Kaya't(A) lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.