Print Page Options

Mga Anak at mga Magulang

Mga(A) anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito'y matuwid.

“Igalang(B) mo ang iyong ama at ina”—ito ang unang utos na may pangako,

“upang maging mabuti ang inyong kalagayan at ikaw ay mabuhay nang matagal sa ibabaw ng lupa.”

At(C) mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, kundi akayin ninyo sila sa pagsasanay at pangaral ng Panginoon.

Mga Alipin at mga Panginoon

Mga(D) alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon sa laman na may takot at panginginig, sa katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo,

hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa ang kalooban ng Diyos mula sa puso,

naglilingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng paglilingkod sa Panginoon, at hindi sa mga tao,

yamang nalalaman na anumang mabuting bagay na gawin ng bawat tao, ito ay kanyang muling tatanggapin mula sa Panginoon, maging alipin o malaya.

At(E) mga panginoon, gayundin ang inyong gawin sa kanila, iwasan ang pananakot yamang nalalaman ninyo na kayo ay may iisang Panginoon sa langit, at siya'y walang itinatanging tao.

Ang Buong Kasuotang Pandigma

10 Sa kahuli-hulihan, patuloy kayong magpakalakas sa Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang lakas.

11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang kayo'y makatagal laban sa mga pakana ng diyablo.

12 Sapagkat ang ating pakikipaglaban ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pinuno, laban sa mga may kapangyarihan, laban sa mga kapangyarihang di-nakikita na naghahari sa sanlibutan sa kadilimang ito, laban sa hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan.

13 Kaya't kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang kayo'y makatagal sa araw na masama, at kung magawa na ninyo ang lahat ay tumayong matatag.

14 Kaya't(F) tumindig kayo, na ang inyong mga baywang ay nabibigkisan ng katotohanan na suot ang baluti ng katuwiran,

15 at(G) nakasuot sa inyong mga paa ang pagiging handa para sa ebanghelyo ng kapayapaan.

16 Kasama ng lahat ng mga ito, taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na sa pamamagitan nito ay inyong masusugpo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama.

17 At(H) taglayin ninyo ang helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Diyos.

18 Manalangin kayo sa Espiritu sa lahat ng panahon sa bawat panalangin at pagsamo. At sa bagay na ito ay maging handa na may buong pagtitiyaga at pagsusumamo para sa lahat ng mga banal.

19 Idalangin din ninyo ako upang ako'y pagkalooban ng pananalita sa pagbubukas ng aking bibig, upang ipahayag na may katapangan ang hiwaga ng ebanghelyo,

20 na dahil dito ako'y isang sugong may tanikala; upang ito'y aking maipahayag na may katapangan gaya ng nararapat na aking sabihin.

Pangwakas na Pagbati

21 At(I) (J) upang malaman din ninyo ang mga bagay tungkol sa akin at ang aking kalagayan, si Tiquico ang siyang magsasalaysay sa inyo ng lahat ng mga bagay. Siya na aking minamahal na kapatid at tapat na lingkod sa Panginoon.

22 Isinusugo ko siya sa inyo para sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso.

23 Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at pag-ibig na may pananampalataya mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

24 Ang biyaya nawa'y sumakanilang lahat na mayroong pag-ibig na di-kumukupas sa ating Panginoong Jesu-Cristo.[a]

Footnotes

  1. Efeso 6:24 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .

τα τεκνα υπακουετε τοις γονευσιν υμων [εν κυριω] τουτο γαρ εστιν δικαιον

τιμα τον πατερα σου και την μητερα ητις εστιν εντολη πρωτη εν επαγγελια

ινα ευ σοι γενηται και εση μακροχρονιος επι της γης

και οι πατερες μη παροργιζετε τα τεκνα υμων αλλα εκτρεφετε αυτα εν παιδεια και νουθεσια κυριου

οι δουλοι υπακουετε τοις κατα σαρκα κυριοις μετα φοβου και τρομου εν απλοτητι της καρδιας υμων ως τω χριστω

μη κατ οφθαλμοδουλιαν ως ανθρωπαρεσκοι αλλ ως δουλοι χριστου ποιουντες το θελημα του θεου εκ ψυχης

μετ ευνοιας δουλευοντες ως τω κυριω και ουκ ανθρωποις

ειδοτες οτι εκαστος εαν τι ποιηση αγαθον τουτο κομισεται παρα κυριου ειτε δουλος ειτε ελευθερος

και οι κυριοι τα αυτα ποιειτε προς αυτους ανιεντες την απειλην ειδοτες οτι και αυτων και υμων ο κυριος εστιν εν ουρανοις και προσωπολημψια ουκ εστιν παρ αυτω

10 του λοιπου ενδυναμουσθε εν κυριω και εν τω κρατει της ισχυος αυτου

11 ενδυσασθε την πανοπλιαν του θεου προς το δυνασθαι υμας στηναι προς τας μεθοδειας του διαβολου

12 οτι ουκ εστιν ημιν η παλη προς αιμα και σαρκα αλλα προς τας αρχας προς τας εξουσιας προς τους κοσμοκρατορας του σκοτους τουτου προς τα πνευματικα της πονηριας εν τοις επουρανιοις

13 δια τουτο αναλαβετε την πανοπλιαν του θεου ινα δυνηθητε αντιστηναι εν τη ημερα τη πονηρα και απαντα κατεργασαμενοι στηναι

14 στητε ουν περιζωσαμενοι την οσφυν υμων εν αληθεια και ενδυσαμενοι τον θωρακα της δικαιοσυνης

15 και υποδησαμενοι τους ποδας εν ετοιμασια του ευαγγελιου της ειρηνης

16 εν πασιν αναλαβοντες τον θυρεον της πιστεως εν ω δυνησεσθε παντα τα βελη του πονηρου [τα] πεπυρωμενα σβεσαι

17 και την περικεφαλαιαν του σωτηριου δεξασθε και την μαχαιραν του πνευματος ο εστιν ρημα θεου

18 δια πασης προσευχης και δεησεως προσευχομενοι εν παντι καιρω εν πνευματι και εις αυτο αγρυπνουντες εν παση προσκαρτερησει και δεησει περι παντων των αγιων

19 και υπερ εμου ινα μοι δοθη λογος εν ανοιξει του στοματος μου εν παρρησια γνωρισαι το μυστηριον [του ευαγγελιου]

20 υπερ ου πρεσβευω εν αλυσει ινα εν αυτω παρρησιασωμαι ως δει με λαλησαι

21 ινα δε ειδητε και υμεις τα κατ εμε τι πρασσω παντα γνωρισει υμιν τυχικος ο αγαπητος αδελφος και πιστος διακονος εν κυριω

22 ον επεμψα προς υμας εις αυτο τουτο ινα γνωτε τα περι ημων και παρακαλεση τας καρδιας υμων

23 ειρηνη τοις αδελφοις και αγαπη μετα πιστεως απο θεου πατρος και κυριου ιησου χριστου

24 η χαρις μετα παντων των αγαπωντων τον κυριον ημων ιησουν χριστον εν αφθαρσια

Tungkol sa mga Anak at mga Magulang

Kayong mga (A) anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sang-ayon sa Panginoon, sapagkat ito ay nararapat. “Igalang (B) mo ang iyong ama at ina”—ito ang unang utos na may pangako, “upang lumigaya ka at humaba ang iyong buhay sa ibabaw ng lupa.” Kayong (C) mga ama, huwag ninyong itulak sa galit ang inyong mga anak, sa halip ay palakihin ninyo sila sa disiplina at pangaral ng Panginoon.

Mga Alipin at mga Panginoon

Kayong mga (D) alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon dito sa lupa nang may buong paggalang na taglay ang katapatan ng inyong puso, na gaya ng kay Cristo. Sundin ninyo sila hindi lamang kapag nakatingin sila sa inyo bilang pakitang-tao lang, kundi bilang mga alipin ni Cristo. Buong puso ninyong gawin ang kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang may mabuting hangarin, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao, sapagkat alam naman ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang sinumang gumagawa ng mabuti, alipin man siya o malaya. Kayong (E) mga panginoon, gayundin ang gawin ninyo sa inyong mga alipin. Huwag na kayong magbabanta, yamang nalalaman ninyo na sila at kayo ay may iisang Panginoon sa langit, at pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga tao.

Ang Pakikidigma Laban sa Masama

10 Sa kahuli-hulihan, maging matibay kayo sa tulong ng Panginoon, at sa kapangyarihan ng kanyang katatagan. 11 Isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12 Sapagkat ang pakikipaglaban natin ay hindi sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga makasanlibutang hukbo ng kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan na nasa kaitaasan. 13 Kaya't isuot ninyo ang buong kasuotang pandigma ng Diyos, upang kayo'y makatagal sa pakikipaglaban pagdating ng araw ng kasamaan, at kung magawa na ninyo ang lahat ay makapanindigan kayong matatag. 14 Kaya't (F) manindigan kayo; gawin ninyong sinturon sa inyong mga baywang ang katotohanan, habang suot sa dibdib bilang pananggalang ang katuwiran. 15 (G) Isuot ninyo sa inyong mga paa ang kahandaan upang dalhin ang ebanghelyo ng kapayapaan. 16 Bukod sa mga ito, gamitin ninyo ang pananampalataya bilang kalasag, na sa pamamagitan nito ay mapapatay ninyo ang mga nag-aapoy na palaso ng masama. 17 Gamitin ninyo ang (H) helmet ng kaligtasan, at ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang salita ng Diyos. 18 Palagi kayong manalangin ng lahat ng uri ng panalangin at paghiling sa pamamagitan ng Espiritu, at sa bagay na ito'y maging mapagbantay kayo at patuloy na magsumamo para sa lahat ng mga banal. 19 Ipanalangin din ninyo na sa pagbuka ng aking bibig ay pagkalooban ako ng sasabihin, upang buong tapang kong maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Dahil sa ebanghelyong ito, ako'y isang nakagapos na sugo. Ipanalangin nga ninyo na makapagpahayag ako nang may katapangan gaya ng nararapat kong gawin.

Pangwakas na Pagbati

21 At (I) (J) upang malaman din ninyo ang aking kalagayan at ang tungkol sa aking gawain, ang lahat ng ito'y sasabihin sa inyo ni Tiquico, na aking minamahal na kapatid at tapat na naglilingkod sa Panginoon. 22 Sa layuning ito ay isinusugo ko siya sa inyo, upang malaman ninyo ang kalagayan namin, at upang mapalakas niya ang inyong mga puso.

23 Pagkalooban nawa ng kapayapaan ang mga kapatid, at ng pag-ibig na may pananampalatayang mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 24 Ipagkaloob nawa ang biyaya sa lahat ng mga umiibig nang walang maliw sa ating Panginoong Jesu-Cristo.

Children, obey your parents in the Lord, for this is right.(A) “Honor your father and mother”—which is the first commandment with a promise— “so that it may go well with you and that you may enjoy long life on the earth.”[a](B)

Fathers,[b] do not exasperate your children;(C) instead, bring them up in the training and instruction of the Lord.(D)

Slaves, obey your earthly masters with respect(E) and fear, and with sincerity of heart,(F) just as you would obey Christ.(G) Obey them not only to win their favor when their eye is on you, but as slaves of Christ,(H) doing the will of God from your heart. Serve wholeheartedly, as if you were serving the Lord, not people,(I) because you know that the Lord will reward each one for whatever good they do,(J) whether they are slave or free.

And masters, treat your slaves in the same way. Do not threaten them, since you know that he who is both their Master and yours(K) is in heaven, and there is no favoritism(L) with him.

The Armor of God

10 Finally, be strong in the Lord(M) and in his mighty power.(N) 11 Put on the full armor of God,(O) so that you can take your stand against the devil’s schemes. 12 For our struggle is not against flesh and blood,(P) but against the rulers, against the authorities,(Q) against the powers(R) of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms.(S) 13 Therefore put on the full armor of God,(T) so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand. 14 Stand firm then, with the belt of truth buckled around your waist,(U) with the breastplate of righteousness in place,(V) 15 and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace.(W) 16 In addition to all this, take up the shield of faith,(X) with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one.(Y) 17 Take the helmet of salvation(Z) and the sword of the Spirit,(AA) which is the word of God.(AB)

18 And pray in the Spirit(AC) on all occasions(AD) with all kinds of prayers and requests.(AE) With this in mind, be alert and always keep on praying(AF) for all the Lord’s people. 19 Pray also for me,(AG) that whenever I speak, words may be given me so that I will fearlessly(AH) make known the mystery(AI) of the gospel, 20 for which I am an ambassador(AJ) in chains.(AK) Pray that I may declare it fearlessly, as I should.

Final Greetings

21 Tychicus,(AL) the dear brother and faithful servant in the Lord, will tell you everything, so that you also may know how I am and what I am doing. 22 I am sending him to you for this very purpose, that you may know how we are,(AM) and that he may encourage you.(AN)

23 Peace(AO) to the brothers and sisters,[c] and love with faith from God the Father and the Lord Jesus Christ. 24 Grace to all who love our Lord Jesus Christ with an undying love.[d]

Footnotes

  1. Ephesians 6:3 Deut. 5:16
  2. Ephesians 6:4 Or Parents
  3. Ephesians 6:23 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family.
  4. Ephesians 6:24 Or Grace and immortality to all who love our Lord Jesus Christ.

Children, obey your parents in the Lord: for this is right.

Honour thy father and mother; which is the first commandment with promise;

That it may be well with thee, and thou mayest live long on the earth.

And, ye fathers, provoke not your children to wrath: but bring them up in the nurture and admonition of the Lord.

Servants, be obedient to them that are your masters according to the flesh, with fear and trembling, in singleness of your heart, as unto Christ;

Not with eyeservice, as menpleasers; but as the servants of Christ, doing the will of God from the heart;

With good will doing service, as to the Lord, and not to men:

Knowing that whatsoever good thing any man doeth, the same shall he receive of the Lord, whether he be bond or free.

And, ye masters, do the same things unto them, forbearing threatening: knowing that your Master also is in heaven; neither is there respect of persons with him.

10 Finally, my brethren, be strong in the Lord, and in the power of his might.

11 Put on the whole armour of God, that ye may be able to stand against the wiles of the devil.

12 For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places.

13 Wherefore take unto you the whole armour of God, that ye may be able to withstand in the evil day, and having done all, to stand.

14 Stand therefore, having your loins girt about with truth, and having on the breastplate of righteousness;

15 And your feet shod with the preparation of the gospel of peace;

16 Above all, taking the shield of faith, wherewith ye shall be able to quench all the fiery darts of the wicked.

17 And take the helmet of salvation, and the sword of the Spirit, which is the word of God:

18 Praying always with all prayer and supplication in the Spirit, and watching thereunto with all perseverance and supplication for all saints;

19 And for me, that utterance may be given unto me, that I may open my mouth boldly, to make known the mystery of the gospel,

20 For which I am an ambassador in bonds: that therein I may speak boldly, as I ought to speak.

21 But that ye also may know my affairs, and how I do, Tychicus, a beloved brother and faithful minister in the Lord, shall make known to you all things:

22 Whom I have sent unto you for the same purpose, that ye might know our affairs, and that he might comfort your hearts.

23 Peace be to the brethren, and love with faith, from God the Father and the Lord Jesus Christ.

24 Grace be with all them that love our Lord Jesus Christ in sincerity. Amen.