Add parallel Print Page Options

18 Sa lahat ninyong pananalangin at pagdaing ay manalangin kayong lagi sa pamamagitan ng Espiritu. Sa bagay na ito ay magpuyat kayo na may buong pagtitiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal.

19 Ipanalangin ninyo ako, na bigyan ako ng pananalita, upang magkaroon ako ng tapang sa pagbukas ko ng aking bibig, upang maipahayag ang hiwaga ng ebanghelyo. 20 Dahil sa ebanghelyo, ako ay isang kinatawan na nakatanikala upang sa pamamagitan nito, makapagsalita akong may katapangan gaya ng dapat kong pagsasalita.

Read full chapter