Font Size
Efeso 6:10-12
Ang Salita ng Diyos
Efeso 6:10-12
Ang Salita ng Diyos
Ang Baluting Ibinibigay ng Diyos
10 Sa katapusan mga kapatid, magpakatibay kayo sa Panginoon at sa kaniyang makapangyarihang lakas.
11 Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang kayo ay makatayo laban sa mga lalang ng diyablo. 12 Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na kasamaan sa mga dako ng kalangitan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International