Font Size
Efeso 5:3-5
Ang Salita ng Diyos
Efeso 5:3-5
Ang Salita ng Diyos
3 Huwag man lang mabanggit sa inyo ang pakikiapid at lahat ng karumihan o kasakiman. Nararapat na huwag itong mabanggit sa mga banal. 4 Ang mahalay at walang kabuluhan o malaswang pananalita ay hindi nararapat sa inyo. Sa halip, kayo ay maging mapagpasalamat. 5 Ito ay sapagkat nalalaman ninyo na ang nakikiapid, o maruming tao o sakim na sumasamba sa mga diyos-diyosan ay walang mamanahin sa paghahari ni Cristo at ng Diyos.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International