Add parallel Print Page Options

Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo

Kaya't ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay nakikiusap sa inyo na kayo'y mamuhay nang naaayon sa pagkatawag din sa inyo. Taglayin ninyo ang (A) lubos na pagpapakumbaba at kaamuan, may pagtitiyaga, at pagpaparaya sa isa't isa sa pamamagitan ng pag-ibig. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. May isang katawan at isang Espiritu, kung paanong tinawag kayo sa isang pag-asa ng pagkatawag sa inyo, isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat, at siyang kumikilos sa lahat, at nasa lahat. Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya't (B) nasusulat,

“Nang umakyat siya sa itaas ay dala niya ang maraming bihag,
    at namahagi siya ng mga kaloob sa mga tao.”

Sa pagsasabing, “Umakyat siya,” di ba't ipinahihiwatig nito na siya'y bumaba rin sa mas mababang dako ng lupa? 10 Ang bumaba ay siya ring umakyat sa kataas-taasang dako ng kalangitan upang mapuspos niya ang lahat ng bagay. 11 At siya ang nagbigay sa iba ng kaloob na maging apostol, sa iba'y maging propeta, sa iba'y ebanghelista, at sa iba'y pastor at guro. 12 Ito'y upang ihanda ang mga banal para sa gawain ng paglilingkod, tungo sa ikatatatag ng katawan ni Cristo, 13 hanggang marating natin lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang lubos na pagkakilala sa Anak ng Diyos, tungo sa pagiging ganap na tao, hanggang taglayin ang lubos na kabuuan ni Cristo. 14 Sa gayon ay hindi tayo mananatiling mga bata, na tinatangay ng mga alon at dinadala ng kung anu-anong hangin ng aral, sa pamamagitan ng daya at katusuhan ng mga tao sa kanilang mapanlinlang na paraan. 15 Sa halip, sa pagsasabi ng katotohanan na may pag-ibig, dapat tayong lumago sa lahat ng bagay sa kanya, na siyang ulo, walang iba kundi si Cristo. 16 Sa (C) kanya, ang lahat ng mga bahagi ng katawan ay nagkakalapat at pinagbubuklod sa pamamagitan ng pagtulong ng bawat litid. Ang pagganap ng gawain ng bawat bahagi ay nagpapalaki sa katawan at nagpapalakas ng sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.

Ang Bagong Buhay kay Cristo

17 Kaya't sinasabi ko ito at pinatototohanan sa harap ng Panginoon, na hindi na kayo dapat mamuhay tulad ng mga pagano. Walang kabuluhan ang laman ng kanilang pag-iisip. 18 Nasa dilim ang kanilang pang-unawa at malayo sa buhay na bigay ng Diyos, dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng kanilang mga puso. 19 Sila'y nawalan ng kahihiyan at nalulong sa kahalayan, at nawalan ng kabusugan sa paggawa ng sari-saring karumihan. 20 Ngunit hindi ninyo nakilala si Cristo sa ganoong paraan! 21 Kung talagang siya'y inyong narinig at kayo'y naturuan tungkol sa kanya, kung paanong nakay Jesus ang katotohanan, 22 nang (D) hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, ang dating uri ng pamumuhay na pinasasama ng mapanlinlang na pagnanasa. 23 Baguhin na ninyo ang diwa ng inyong pag-iisip, 24 at (E) ibihis ninyo ang bagong pagkatao, na nilikha ayon sa wangis ng Diyos, sa tunay na katuwiran at kabanalan.

25 Kaya't (F) tigilan na ang pagsisinungaling! Bawat isa ay magsalita ng katotohanan sa kanyang kapwa, sapagkat tayo'y mga bahagi ng isa't isa. 26 Kapag nagagalit kayo (G) huwag kayong magkakasala. Huwag ninyong hayaang lubugan ng araw ang inyong galit, 27 at huwag bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang nagnanakaw ay tumigil na sa pagnanakaw, sa halip ay magtrabaho siya at gumawa ng mabuti sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay, upang mayroon siyang maibigay sa nangangailangan. 29 Hindi dapat mamutawi sa inyong bibig ang anumang masamang pananalita, kundi ang mabuting bagay lamang na makapagpapatibay, upang ito ay makatulong sa mga nakikinig. 30 At huwag ninyong palungkutin ang Banal na Espiritu ng Diyos, na sa pamamagitan niya'y tinatakan kayo para sa araw ng pagtubos. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng kapaitan, poot, pagkamuhi, pag-aaway, panlalait, pati ang lahat ng uri ng kasamaan. 32 Maging (H) mabait at mahabagin kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo sa isa't isa, kung paanong kay Cristo ay pinatawad kayo ng Diyos.

Unity of the Body

I, therefore, the prisoner of the Lord, exhort you to walk in a manner worthy of the calling with which you were called. With all humility, meekness, and patience, bearing with one another in love, be eager to keep the unity of the Spirit in the bond of peace. There is one body and one Spirit, even as you were called in one hope of your calling, one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all.

But grace was given to each one of us according to the measure of the gift of Christ. Therefore He says:

“When He ascended on high,
    He led captivity captive,
    and gave gifts to men.”[a]

(In saying, “He ascended,” what does it mean but that He also descended first into the lower parts of the earth? 10 He who descended is also He who ascended far above all the heavens that He might fill all things.)

11 He gave some to be apostles, prophets, evangelists, pastors, and teachers, 12 for the equipping of the saints, for the work of service, and for the building up of the body of Christ, 13 until we all come into the unity of the faith and of the knowledge of the Son of God, into a complete man, to the measure of the stature of the fullness of Christ, 14 so we may no longer be children, tossed here and there by waves and carried about with every wind of doctrine by the trickery of men, by craftiness with deceitful scheming. 15 But, speaking the truth in love, we may grow up in all things into Him, who is the head, Christ Himself, 16 from whom the whole body is joined together and connected by every joint and ligament, as every part effectively does its work and grows, building itself up in love.

The Old Life and New Life

17 Therefore this I say and testify in the Lord, that from now on you walk not as other Gentiles walk, in the vanity of their minds, 18 having their understanding darkened, excluded from the life of God through the ignorance that is within them, due to the hardness of their hearts. 19 Being calloused they have given themselves over to sensuality for the practice of every kind of impurity with greediness.

20 But you did not learn about Christ in this manner, 21 if indeed you have heard Him and have been taught by Him, as the truth is in Jesus: 22 that you put off the former way of life in the old nature, which is corrupt according to the deceitful lusts, 23 and be renewed in the spirit of your mind; 24 and that you put on the new nature, which was created according to God in righteousness and true holiness.

Rules for the New Life

25 Therefore, putting away lying, let every man speak truthfully with his neighbor, for we are members of one another. 26 Be angry but do not sin. Do not let the sun go down on your anger. 27 Do not give place to the devil. 28 Let him who steals steal no more. Instead, let him labor, working with his hands things which are good, that he may have something to share with him who is in need.

29 Let no unwholesome word proceed out of your mouth, but only that which is good for building up, that it may give grace to the listeners. 30 And do not grieve the Holy Spirit of God, in whom you are sealed for the day of redemption. 31 Let all bitterness, wrath, anger, outbursts, and blasphemies, with all malice, be taken away from you. 32 And be kind one to another, tenderhearted, forgiving one another, just as God in Christ also forgave you.