Efeso 4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Iisang Katawan kay Cristo
4 Bilang isang bilanggo dahil sa paglilingkod sa Panginoon, hinihiling kong mamuhay kayo nang karapat-dapat bilang mga tinawag ng Dios. 2 Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo. 3 Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa nʼyo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan. 4 Sapagkat iisang katawan lamang tayo na may iisang Banal na Espiritu, at iisa rin ang pag-asang ibinigay sa atin nang tawagin tayo ng Dios. 5 Iisa ang Panginoon natin, iisang pananampalataya, at iisang bautismo. 6 Iisa ang Dios natin at siya ang Ama nating lahat. Naghahari siya, kumikilos at nananahan sa ating lahat.
7 Ngunit kahit na bahagi tayo ng iisang katawan, binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Cristo. 8 Tulad ng sinasabi sa Kasulatan,
“Nang umakyat siya sa langit, marami siyang dinalang bihag
at binigyan niya ng mga kaloob ang mga tao.”[a]
9 (Ngayon, ano ang kahulugan ng, “Umakyat siya sa langit”? Ang ibig sabihin nito ay bumaba muna siya rito sa lupa. 10 At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.) 11 Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. 12 Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga pinabanal,[b] at para lumago at maging matatag sila bilang katawan ni Cristo. 13 Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at ganap na lalago sa espiritwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Cristo. 14 At kapag naabot na natin ito, hindi na tayo tulad ng mga bata na pabago-bago ng isip at nadadala ng ibaʼt ibang aral ng mga taong nanlilinlang, na ang hangad ay dalhin ang mga tao sa kamalian. 15 Sa halip, mananatili tayo sa katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay maging katulad tayo ni Cristo na siyang ulo ng iglesya. 16 At sa pamumuno niya, ang lahat ng bahagi ng katawan, na walang iba kundi ang mga mananampalataya, ay pinag-uugnay-ugnay, at ang bawat isaʼy nagtutulungan. At sa pagganap ng bawat isa sa kani-kanilang tungkulin nang may pag-ibig, ang buong katawan ay lalago at lalakas.
Ang Bagong Buhay kay Cristo
17 Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Dios. Walang kabuluhan ang iniisip nila, 18 dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espiritwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Dios dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso. 19 Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan.
20 Ngunit hindi ganyan ang natutunan nʼyo tungkol kay Cristo. 21 Hindi baʼt alam na ninyo ang tungkol kay Jesus? At bilang mga mananampalataya niya, hindi baʼt naturuan na kayo ng katotohanang nasa kanya? 22 Kaya talikuran nʼyo na ang dati ninyong pamumuhay dahil gawain ito ng dati ninyong pagkatao. Ang pagkataong ito ang siyang nagpapahamak sa inyo dahil sa masasamang hangarin na dumadaya sa inyo. 23 Baguhin nʼyo na ang inyong pag-iisip at pag-uugali. 24 Ipakita nʼyong binago na kayo ng Dios at binigyan ng buhay na matuwid at banal katulad ng sa Dios.
25 Kaya huwag na kayong magsisinungaling. Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid[c] kay Cristo, dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan. 26 Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala.[d] At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig. 30 At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Dios. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Dios, at siya ang katiyakan ng kaligtasan nʼyo pagdating ng araw. 31 Alisin nʼyo ang anumang samaan ng loob, galit, pag-aaway, pambubulyaw, paninira sa kapwa, pati na ang lahat ng uri ng masasamang hangarin. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Dios sa inyo dahil kay Cristo.
Efeso 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo
4 Kaya't ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay nakikiusap sa inyo na kayo'y mamuhay nang naaayon sa pagkatawag din sa inyo. 2 Taglayin ninyo ang (A) lubos na pagpapakumbaba at kaamuan, may pagtitiyaga, at pagpaparaya sa isa't isa sa pamamagitan ng pag-ibig. 3 Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. 4 May isang katawan at isang Espiritu, kung paanong tinawag kayo sa isang pag-asa ng pagkatawag sa inyo, 5 isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6 isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang dakila kaysa lahat, at siyang kumikilos sa lahat, at nasa lahat. 7 Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kaloob ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. 8 Kaya't (B) nasusulat,
“Nang umakyat siya sa itaas ay dala niya ang maraming bihag,
at namahagi siya ng mga kaloob sa mga tao.”
9 Sa pagsasabing, “Umakyat siya,” di ba't ipinahihiwatig nito na siya'y bumaba rin sa mas mababang dako ng lupa? 10 Ang bumaba ay siya ring umakyat sa kataas-taasang dako ng kalangitan upang mapuspos niya ang lahat ng bagay. 11 At siya ang nagbigay sa iba ng kaloob na maging apostol, sa iba'y maging propeta, sa iba'y ebanghelista, at sa iba'y pastor at guro. 12 Ito'y upang ihanda ang mga banal para sa gawain ng paglilingkod, tungo sa ikatatatag ng katawan ni Cristo, 13 hanggang marating natin lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang lubos na pagkakilala sa Anak ng Diyos, tungo sa pagiging ganap na tao, hanggang taglayin ang lubos na kabuuan ni Cristo. 14 Sa gayon ay hindi tayo mananatiling mga bata, na tinatangay ng mga alon at dinadala ng kung anu-anong hangin ng aral, sa pamamagitan ng daya at katusuhan ng mga tao sa kanilang mapanlinlang na paraan. 15 Sa halip, sa pagsasabi ng katotohanan na may pag-ibig, dapat tayong lumago sa lahat ng bagay sa kanya, na siyang ulo, walang iba kundi si Cristo. 16 Sa (C) kanya, ang lahat ng mga bahagi ng katawan ay nagkakalapat at pinagbubuklod sa pamamagitan ng pagtulong ng bawat litid. Ang pagganap ng gawain ng bawat bahagi ay nagpapalaki sa katawan at nagpapalakas ng sarili sa pamamagitan ng pag-ibig.
Ang Bagong Buhay kay Cristo
17 Kaya't sinasabi ko ito at pinatototohanan sa harap ng Panginoon, na hindi na kayo dapat mamuhay tulad ng mga pagano. Walang kabuluhan ang laman ng kanilang pag-iisip. 18 Nasa dilim ang kanilang pang-unawa at malayo sa buhay na bigay ng Diyos, dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng kanilang mga puso. 19 Sila'y nawalan ng kahihiyan at nalulong sa kahalayan, at nawalan ng kabusugan sa paggawa ng sari-saring karumihan. 20 Ngunit hindi ninyo nakilala si Cristo sa ganoong paraan! 21 Kung talagang siya'y inyong narinig at kayo'y naturuan tungkol sa kanya, kung paanong nakay Jesus ang katotohanan, 22 nang (D) hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, ang dating uri ng pamumuhay na pinasasama ng mapanlinlang na pagnanasa. 23 Baguhin na ninyo ang diwa ng inyong pag-iisip, 24 at (E) ibihis ninyo ang bagong pagkatao, na nilikha ayon sa wangis ng Diyos, sa tunay na katuwiran at kabanalan.
25 Kaya't (F) tigilan na ang pagsisinungaling! Bawat isa ay magsalita ng katotohanan sa kanyang kapwa, sapagkat tayo'y mga bahagi ng isa't isa. 26 Kapag nagagalit kayo (G) huwag kayong magkakasala. Huwag ninyong hayaang lubugan ng araw ang inyong galit, 27 at huwag bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang nagnanakaw ay tumigil na sa pagnanakaw, sa halip ay magtrabaho siya at gumawa ng mabuti sa pamamagitan ng kanyang sariling mga kamay, upang mayroon siyang maibigay sa nangangailangan. 29 Hindi dapat mamutawi sa inyong bibig ang anumang masamang pananalita, kundi ang mabuting bagay lamang na makapagpapatibay, upang ito ay makatulong sa mga nakikinig. 30 At huwag ninyong palungkutin ang Banal na Espiritu ng Diyos, na sa pamamagitan niya'y tinatakan kayo para sa araw ng pagtubos. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng kapaitan, poot, pagkamuhi, pag-aaway, panlalait, pati ang lahat ng uri ng kasamaan. 32 Maging (H) mabait at mahabagin kayo sa isa't isa. Magpatawad kayo sa isa't isa, kung paanong kay Cristo ay pinatawad kayo ng Diyos.
Ephesians 4
New International Version
Unity and Maturity in the Body of Christ
4 As a prisoner(A) for the Lord, then, I urge you to live a life worthy(B) of the calling(C) you have received. 2 Be completely humble and gentle; be patient, bearing with one another(D) in love.(E) 3 Make every effort to keep the unity(F) of the Spirit through the bond of peace.(G) 4 There is one body(H) and one Spirit,(I) just as you were called to one hope when you were called(J); 5 one Lord,(K) one faith, one baptism; 6 one God and Father of all,(L) who is over all and through all and in all.(M)
7 But to each one of us(N) grace(O) has been given(P) as Christ apportioned it. 8 This is why it[a] says:
9 (What does “he ascended” mean except that he also descended to the lower, earthly regions[c]? 10 He who descended is the very one who ascended(S) higher than all the heavens, in order to fill the whole universe.)(T) 11 So Christ himself gave(U) the apostles,(V) the prophets,(W) the evangelists,(X) the pastors and teachers,(Y) 12 to equip his people for works of service, so that the body of Christ(Z) may be built up(AA) 13 until we all reach unity(AB) in the faith and in the knowledge of the Son of God(AC) and become mature,(AD) attaining to the whole measure of the fullness of Christ.(AE)
14 Then we will no longer be infants,(AF) tossed back and forth by the waves,(AG) and blown here and there by every wind of teaching and by the cunning and craftiness of people in their deceitful scheming.(AH) 15 Instead, speaking the truth in love,(AI) we will grow to become in every respect the mature body of him who is the head,(AJ) that is, Christ. 16 From him the whole body, joined and held together by every supporting ligament, grows(AK) and builds itself up(AL) in love,(AM) as each part does its work.
Instructions for Christian Living
17 So I tell you this, and insist on it in the Lord, that you must no longer(AN) live as the Gentiles do, in the futility of their thinking.(AO) 18 They are darkened in their understanding(AP) and separated from the life of God(AQ) because of the ignorance that is in them due to the hardening of their hearts.(AR) 19 Having lost all sensitivity,(AS) they have given themselves over(AT) to sensuality(AU) so as to indulge in every kind of impurity, and they are full of greed.
20 That, however, is not the way of life you learned 21 when you heard about Christ and were taught in him in accordance with the truth that is in Jesus. 22 You were taught, with regard to your former way of life, to put off(AV) your old self,(AW) which is being corrupted by its deceitful desires;(AX) 23 to be made new in the attitude of your minds;(AY) 24 and to put on(AZ) the new self,(BA) created to be like God in true righteousness and holiness.(BB)
25 Therefore each of you must put off falsehood and speak truthfully(BC) to your neighbor, for we are all members of one body.(BD) 26 “In your anger do not sin”[d]:(BE) Do not let the sun go down while you are still angry, 27 and do not give the devil a foothold.(BF) 28 Anyone who has been stealing must steal no longer, but must work,(BG) doing something useful with their own hands,(BH) that they may have something to share with those in need.(BI)
29 Do not let any unwholesome talk come out of your mouths,(BJ) but only what is helpful for building others up(BK) according to their needs, that it may benefit those who listen. 30 And do not grieve the Holy Spirit of God,(BL) with whom you were sealed(BM) for the day of redemption.(BN) 31 Get rid of(BO) all bitterness, rage and anger, brawling and slander, along with every form of malice.(BP) 32 Be kind and compassionate to one another,(BQ) forgiving each other, just as in Christ God forgave you.(BR)
Footnotes
- Ephesians 4:8 Or God
- Ephesians 4:8 Psalm 68:18
- Ephesians 4:9 Or the depths of the earth
- Ephesians 4:26 Psalm 4:4 (see Septuagint)
Ephesians 4
New King James Version
Walk in Unity
4 I, therefore, the prisoner [a]of the Lord, [b]beseech you to (A)walk worthy of the calling with which you were called, 2 with all lowliness and gentleness, with longsuffering, bearing with one another in love, 3 endeavoring to keep the unity of the Spirit (B)in the bond of peace. 4 (C)There is one body and one Spirit, just as you were called in one hope of your calling; 5 (D)one Lord, (E)one faith, (F)one baptism; 6 (G)one God and Father of all, who is above all, and (H)through all, and in [c]you all.
Spiritual Gifts
7 But (I)to each one of us grace was given according to the measure of Christ’s gift. 8 Therefore He says:
(J)“When He ascended on high,
He led captivity captive,
And gave gifts to men.”
9 (K)(Now this, “He ascended”—what does it mean but that He also [d]first descended into the lower parts of the earth? 10 He who descended is also the One (L)who ascended far above all the heavens, (M)that He might fill all things.)
11 And He Himself gave some to be apostles, some prophets, some evangelists, and some pastors and teachers, 12 for the equipping of the saints for the work of ministry, (N)for the [e]edifying of (O)the body of Christ, 13 till we all come to the unity of the faith (P)and of the knowledge of the Son of God, to (Q)a perfect man, to the measure of the stature of the fullness of Christ; 14 that we should no longer be (R)children, tossed to and fro and carried about with every wind of doctrine, by the trickery of men, in the cunning craftiness of (S)deceitful plotting, 15 but, speaking the truth in love, may grow up in all things into Him who is the (T)head—Christ— 16 (U)from whom the whole body, joined and knit together by what every joint supplies, according to the effective working by which every part does its share, causes growth of the body for the edifying of itself in love.
The New Man
17 This I say, therefore, and testify in the Lord, that you should (V)no longer walk as [f]the rest of the Gentiles walk, in the futility of their mind, 18 having their understanding darkened, being alienated from the life of God, because of the ignorance that is in them, because of the (W)blindness of their heart; 19 (X)who, being past feeling, (Y)have given themselves over to lewdness, to work all uncleanness with greediness.
20 But you have not so learned Christ, 21 if indeed you have heard Him and have been taught by Him, as the truth is in Jesus: 22 that you (Z)put off, concerning your former conduct, the old man which grows corrupt according to the deceitful lusts, 23 and (AA)be renewed in the spirit of your mind, 24 and that you (AB)put on the new man which was created according to God, in true righteousness and holiness.
Do Not Grieve the Spirit
25 Therefore, putting away lying, (AC)“Let each one of you speak truth with his neighbor,” for (AD)we are members of one another. 26 (AE)“Be angry, and do not sin”: do not let the sun go down on your wrath, 27 (AF)nor give [g]place to the devil. 28 Let him who stole steal no longer, but rather (AG)let him labor, working with his hands what is good, that he may have something (AH)to give him who has need. 29 (AI)Let no corrupt word proceed out of your mouth, but (AJ)what is good for necessary [h]edification, (AK)that it may impart grace to the hearers. 30 And (AL)do not grieve the Holy Spirit of God, by whom you were sealed for the day of redemption. 31 (AM)Let all bitterness, wrath, anger, [i]clamor, and (AN)evil speaking be put away from you, (AO)with all malice. 32 And (AP)be kind to one another, tenderhearted, (AQ)forgiving one another, even as God in Christ forgave you.
Footnotes
- Ephesians 4:1 Lit. in
- Ephesians 4:1 exhort, encourage
- Ephesians 4:6 NU omits you; M us
- Ephesians 4:9 NU omits first
- Ephesians 4:12 building up
- Ephesians 4:17 NU omits the rest of
- Ephesians 4:27 an opportunity
- Ephesians 4:29 building up
- Ephesians 4:31 loud quarreling
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.


