Add parallel Print Page Options

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesucristo.

Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesucristo na siyang nagpala sa atin ng bawat pagpapalang espirituwal sa kalangitan sapamamagitan ni Cristo.

Ito ay ayon sa pagpili niya sa atin kay Cristo bago itinatag ang sanlibutan upang tayo maging mga banal at walang kapintasan sa harapan niya sa pag-ibig.

Read full chapter