Add parallel Print Page Options

18 Nang sa gayon ay maliwanagan ang inyong puso,[a] upang maunawaan ninyo ang pag-asa ng kanyang pagtawag sa inyo, ang kayamanan ng kanyang maluwalhating pamana sa mga banal, 19 at ang walang kapantay na kadakilaan ng kanyang kapangyarihan para sa ating mga sumasampalataya, ayon sa paggawa ng kanyang makapangyarihang lakas. 20 Isinagawa (A) niya ito kay Cristo, nang siya'y kanyang muling buhayin mula sa kamatayan, at iluklok sa kanyang kanan sa kalangitan,

Read full chapter

Footnotes

  1. Efeso 1:18 inyong puso, sa Griyego, mga mata ng inyong puso.