Eclesiastes 7
Ang Biblia (1978)
Ang kagamitan ng karunungan at ang kahangalan ng kasamaan.
7 (A)Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan.
2 Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso.
3 Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't (B)sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso.
4 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan.
5 Maigi (C)ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang.
6 Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon (D)ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.
7 Tunay na nagpapamangmang sa pantas (E)ang pagkapighati; (F)at ang suhol ay sumisira ng unawa.
8 Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob (G)ay maigi kay sa palalong loob.
9 Huwag (H)kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang.
10 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito.
11 Karunungan ay mabuting gaya ng mana: (I)oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw.
12 Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay (J)iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon.
13 Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't (K)sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot?
14 Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, (L)upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.
15 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: (M)may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, (N)at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa.
16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili?
17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: (O)bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?
18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.
19 Karunungan ay (P)kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.
20 Tunay na (Q)walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.
21 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin:
22 Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba.
23 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, (R)Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin.
24 Ang nilikha ay malayo at (S)totoong malalim; (T)sinong makaaabot?
25 Ako'y pumihit at inilagak (U)ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:
26 At nakasumpong ako ng bagay na (V)lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya.
27 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi (W)ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan:
28 Na hinahanap pa ng aking kaluluwa, nguni't hindi ko nasumpungan: (X)isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan; nguni't isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan.
29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, (Y)na ginawang matuwid ng Dios ang tao; (Z)nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.
Eclesiastes 7
Ang Biblia, 2001
7 Ang(A) mabuting pangalan ay mas mabuti kaysa mamahaling pamahid,
    at ang araw ng kamatayan kaysa araw ng kapanganakan.
2 Mas mabuti pang magtungo sa bahay ng pagluluksa
    kaysa bahay ng pagdiriwang;
sapagkat ito ang katapusan ng lahat ng mga tao;
    at ilalagak ito ng may buhay sa kanyang puso.
3 Mas mabuti ang kalungkutan kaysa tawanan,
    sapagkat sa kalungkutan ng mukha ang puso ay sumasaya.
4 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng pagluluksa;
    ngunit ang puso ng mga hangal ay nasa bahay ng kasayahan.
5 Mas mabuti ang makinig sa saway ng pantas,
    kaysa makinig sa awit ng mga hangal.
6 Sapagkat kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palayok,
    gayon ang halakhak ng hangal;
    ito ma'y walang kabuluhan.
7 Tiyak na ginagawang hangal ng pang-aapi ang pantas,
    at ang suhol ay sumisira ng isipan.
8 Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa pasimula nito;
    ang matiising espiritu ay mas mabuti kaysa palalong espiritu.
9 Huwag(B) kang maging magagalitin,
    sapagkat ang galit ay naninirahan sa dibdib ng mga hangal.
10 Huwag mong sabihin, “Bakit ang mga unang araw ay mas mabuti kaysa mga ito?”
    Sapagkat hindi mula sa karunungan na itinatanong mo ito.
11 Mabuting gaya ng mana ang karunungan,
    isang kalamangan sa mga nakakakita ng araw.
12 Sapagkat ang pag-iingat ng karunungan ay gaya ng pag-iingat ng salapi;
    at ang kalamangan ng kaalaman ay iniingatan ng karunungan ang buhay ng sa kanya'y may taglay.
13 Isaalang-alang mo ang gawa ng Diyos;
    sinong makapagtutuwid sa ginawa niyang baluktot?
14 Sa araw ng kasaganaan ay magalak ka, at sa araw ng kahirapan ay magsaalang-alang ka. Ginawa ng Diyos ang isa pati ang isa pa, upang hindi malaman ng tao ang anumang bagay na darating pagkamatay niya.
15 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga araw ng aking walang kabuluhang buhay; may matuwid na namamatay sa kanyang katuwiran, at may masama na pinahahaba ang kanyang buhay sa kanyang masamang gawa.
16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag kang lubhang magpakapantas; bakit sisirain mo ang iyong sarili?
17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakahangal man; bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan?
18 Mabuti na panghawakan mo ito, at mula roon ay huwag mong iurong ang iyong kamay; sapagkat siyang natatakot sa Diyos ay magtatagumpay sa lahat ng iyon.
19 Ang karunungan ay nagbibigay ng lakas sa pantas, na higit kaysa sampung pinuno na nasa lunsod.
20 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
21 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasabi ng mga tao, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin;
22 sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na sinumpa mo rin ang iba.
23 Lahat ng ito ay sinubukan ko sa karunungan; aking sinabi, “Ako'y magiging matalino”; ngunit iyon ay malayo sa akin.
24 Yaong bagay na malayo at malalim, totoong malalim; sinong makakatagpo niyon?
25 Ibinaling ko ang aking isip upang alamin, siyasatin at hanapin ang karunungan, at ang kabuuan ng mga bagay, at alamin ang kasamaan ng kahangalan at ang kahangalan na ito ay kaululan.
26 At natuklasan kong mas mapait kaysa kamatayan ang babaing ang puso ay mga silo at mga bitag, na ang kanyang mga kamay ay mga panali. Ang nagbibigay-lugod sa Diyos ay tatakas sa kanya; ngunit ang makasalanan ay nakukuha niya.
27 Tingnan ninyo, ito'y aking natuklasan, sabi ng Mangangaral, na idinadagdag ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kabuuan,
28 na paulit-ulit na hinahanap ng aking isipan, ngunit hindi ko natagpuan. Isang tao mula sa isang libo ang aking natagpuan, ngunit ang isang babae sa lahat ng mga ito ay hindi ko natagpuan.
29 Tingnan ninyo, ito lamang ang aking natagpuan, na ginawang matuwid ng Diyos ang tao; ngunit nagbalak sila ng maraming pamamaraan.
Ecclesiastes 7
New Revised Standard Version Catholic Edition
A Disillusioned View of Life
7 A good name is better than precious ointment,
    and the day of death, than the day of birth.
2 It is better to go to the house of mourning
    than to go to the house of feasting;
for this is the end of everyone,
    and the living will lay it to heart.
3 Sorrow is better than laughter,
    for by sadness of countenance the heart is made glad.
4 The heart of the wise is in the house of mourning;
    but the heart of fools is in the house of mirth.
5 It is better to hear the rebuke of the wise
    than to hear the song of fools.
6 For like the crackling of thorns under a pot,
    so is the laughter of fools;
    this also is vanity.
7 Surely oppression makes the wise foolish,
    and a bribe corrupts the heart.
8 Better is the end of a thing than its beginning;
    the patient in spirit are better than the proud in spirit.
9 Do not be quick to anger,
    for anger lodges in the bosom of fools.
10 Do not say, “Why were the former days better than these?”
    For it is not from wisdom that you ask this.
11 Wisdom is as good as an inheritance,
    an advantage to those who see the sun.
12 For the protection of wisdom is like the protection of money,
    and the advantage of knowledge is that wisdom gives life to the one who possesses it.
13 Consider the work of God;
    who can make straight what he has made crooked?
14 In the day of prosperity be joyful, and in the day of adversity consider; God has made the one as well as the other, so that mortals may not find out anything that will come after them.
The Riddles of Life
15 In my vain life I have seen everything; there are righteous people who perish in their righteousness, and there are wicked people who prolong their life in their evildoing. 16 Do not be too righteous, and do not act too wise; why should you destroy yourself? 17 Do not be too wicked, and do not be a fool; why should you die before your time? 18 It is good that you should take hold of the one, without letting go of the other; for the one who fears God shall succeed with both.
19 Wisdom gives strength to the wise more than ten rulers that are in a city.
20 Surely there is no one on earth so righteous as to do good without ever sinning.
21 Do not give heed to everything that people say, or you may hear your servant cursing you; 22 your heart knows that many times you have yourself cursed others.
23 All this I have tested by wisdom; I said, “I will be wise,” but it was far from me. 24 That which is, is far off, and deep, very deep; who can find it out? 25 I turned my mind to know and to search out and to seek wisdom and the sum of things, and to know that wickedness is folly and that foolishness is madness. 26 I found more bitter than death the woman who is a trap, whose heart is snares and nets, whose hands are fetters; one who pleases God escapes her, but the sinner is taken by her. 27 See, this is what I found, says the Teacher,[a] adding one thing to another to find the sum, 28 which my mind has sought repeatedly, but I have not found. One man among a thousand I found, but a woman among all these I have not found. 29 See, this alone I found, that God made human beings straightforward, but they have devised many schemes.
Footnotes
- Ecclesiastes 7:27 Qoheleth, traditionally rendered Preacher
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
New Revised Standard Version Bible: Catholic Edition, copyright © 1989, 1993 the Division of Christian Education of the National Council of the Churches of Christ in the United States of America. Used by permission. All rights reserved.
