Eclesiastes 12
Ang Biblia (1978)
Payo upang alalahanin ang Panginoon sa kabataan.
12 Alalahanin mo rin naman ang Maylalang sa (A)iyo sa mga kaarawan ng iyong kabataan, (B)bago dumating ang mga masamang araw, at ang mga taon ay lumapit, (C)pagka iyong sasabihin, Wala akong kaluguran sa mga yaon;
2 Bago ang araw, at ang liwanag, at ang buwan, at ang mga bituin ay magdilim, at ang mga alapaap ay magsibalik pagkatapos ng ulan.
3 Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
4 At ang mga pintuan ay sasarhan sa mga lansangan; pagka ang tunog ng giling ay humina, at ang isa'y babangon sa tinig ng ibon, at lahat ng mga anak na babae ng tugtugin ay mabababa;
5 Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong (D)tahanan, (E)at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
6 Bago ang panaling pilak ay mapatid, o ang mangkok na ginto ay mabasag, o ang banga ay mabasag sa bukal, o ang gulong ay masira sa balon;
7 (F)At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios (G)na nagbigay sa kaniya.
8 Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, (H)sabi ng (I)Mangangaral; lahat ay walang kabuluhan.
9 At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, (J)at umayos ng maraming kawikaan.
10 Humanap ang Mangangaral ng mga nakalulugod na salita, at ng nasusulat na matuwid, na mga salita ng katotohanan.
11 Ang mga salita ng pantas ay gaya ng mga tulis; at gaya ng mga pako na nakakapit na mabuti, ang mga salita ng mga pangulo ng mga kapulungan, na nabigay mula sa isang pastor.
12 At bukod dito, anak ko, maaralan ka: tungkol sa paggawa ng maraming aklat ay walang wakas; at ang (K)maraming pagaaral ay kapaguran ng katawan.
13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: (L)ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.
14 Sapagka't dadalhin (M)ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
Ecclesiastes 12
New King James Version
Seek God in Early Life
12 Remember(A) now your Creator in the days of your youth,
Before the [a]difficult days come,
And the years draw near (B)when you say,
“I have no pleasure in them”:
2 While the sun and the light,
The moon and the stars,
Are not darkened,
And the clouds do not return after the rain;
3 In the day when the keepers of the house tremble,
And the strong men bow down;
When the grinders cease because they are few,
And those that look through the windows grow dim;
4 When the doors are shut in the streets,
And the sound of grinding is low;
When one rises up at the sound of a bird,
And all (C)the daughters of music are brought low.
5 Also they are afraid of height,
And of terrors in the way;
When the almond tree blossoms,
The grasshopper is a burden,
And desire fails.
For man goes to (D)his eternal home,
And (E)the mourners go about the streets.
6 Remember your Creator before the silver cord is [b]loosed,
Or the golden bowl is broken,
Or the pitcher shattered at the fountain,
Or the wheel broken at the well.
7 (F)Then the dust will return to the earth as it was,
(G)And the spirit will return to God (H)who gave it.
8 “Vanity(I) of vanities,” says the Preacher,
“All is vanity.”
The Whole Duty of Man
9 And moreover, because the Preacher was wise, he still taught the people knowledge; yes, he pondered and sought out and (J)set[c] in order many proverbs. 10 The Preacher sought to find [d]acceptable words; and what was written was upright—words of truth. 11 The words of the wise are like goads, and the words of [e]scholars are like well-driven nails, given by one Shepherd. 12 And further, my son, be admonished by these. Of making many books there is no end, and (K)much study is wearisome to the flesh.
13 Let us hear the conclusion of the whole matter:
(L)Fear God and keep His commandments,
For this is man’s all.
14 For (M)God will bring every work into judgment,
Including every secret thing,
Whether good or evil.
Footnotes
- Ecclesiastes 12:1 Lit. evil
- Ecclesiastes 12:6 So with Qr., Tg.; Kt. removed; LXX, Vg. broken
- Ecclesiastes 12:9 arranged
- Ecclesiastes 12:10 Lit. delightful
- Ecclesiastes 12:11 Lit. masters of assemblies
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

