Add parallel Print Page Options

(A)Lahat ng mga ilog ay humuhugos sa dagat, gayon ma'y hindi napupuno ang dagat; sa dakong hinuhugusan ng mga ilog, doon din nagsisihugos uli ang mga yaon.

Lahat ng mga bagay ay puspos ng pagaalapaap; hindi maisasaysay ng tao: (B)ang mata ay hindi nasisiyahan ng pagtingin, ni ang tainga man ay nasisiyahan sa pakikinig.

(C)Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walang bagong bagay sa ilalim ng araw.

Read full chapter