Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

26 (A)Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo'y lubos na malilipol.

27 At (B)pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

28 (C)At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato (D)na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy.

Read full chapter

36 (A)Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang (B)at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.

Read full chapter

63 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon (A)ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon (B)magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.

64 At pangangalatin (C)ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at (D)doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.

65 At (E)sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: (F)kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at (G)panglalambot ng kaluluwa:

Read full chapter