Deuteronomio 33
Ang Biblia (1978)
Ang basbas ni Moises.
33 At ito (A)ang basbas na ibinasbas ni Moises, (B)tao ng Dios, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
2 At kaniyang sinabi,
(C)Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
At bumangon mula sa Seir na patungo sa kanila;
Siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
At siya'y nanggaling sa (D)laksa-laksa ng mga banal:
Sa kaniyang kanan, ay may hawak na isang mahigpit na kautusan sa kanila.
3 Oo't (E)kaniyang iniibig ang bayan:
Lahat ng kaniyang mga banal ay nasa iyong kamay:
At sila'y (F)umupo sa iyong paanan;
Na bawa't isa'y tatanggap ng iyong mga salita.
4 Si Moises ay nagutos sa atin ng (G)isang kautusan,
(H)Na mana sa kapisanan ng Jacob.
5 At siya'y (I)hari sa (J)Jeshurun,
Nang magkatipon ang mga pangulo ng bayan,
Sangpu ng lahat ng mga lipi ni Israel.
6 (K)Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
Gayon ma'y kumaunti nawa ang kaniyang mga tao.
7 At ito ang basbas sa Juda; at kaniyang sinabi,
Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
At padatnin mo sa kaniyang bayan:
Sukat na sa kaniya ang kaniyang mga kamay;
At ikaw ay maging tulong laban sa kaniyang mga kaalit.
8 At tungkol sa Levi ay kaniyang sinabi,
(L)Ang iyong Thummim at ang iyong Urim ay sumaiyong (M)banal,
(N)Na siyang iyong sinubok sa Massa,
Na siya mong kinatunggali sa tubig ng Meriba;
9 Na siyang nagsabi tungkol sa kaniyang ama, at tungkol sa kaniyang ina, (O)Hindi ko siya nakita;
(P)Ni kinilala niya ang kaniyang mga kapatid,
Ni kinilala niya ang kaniyang sariling mga anak;
Sapagka't kanilang sinunod ang iyong salita,
At ginaganap ang iyong tipan.
10 (Q)Sila'y magtuturo sa Jacob ng iyong mga kahatulan,
At ng iyong mga kautusan, sa Israel;
(R)Sila'y maglalagay ng kamangyan sa harap mo,
At ng buong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kaniyang tinatangkilik,
At (S)tanggapin mo ang gawa ng kaniyang mga kamay;
Saktan mo ang mga balakang niyaong nagsisibangon laban sa kaniya,
At niyaong nangapopoot sa kaniya, upang sila'y huwag bumangon uli.
12 Tungkol sa Benjamin, ay kaniyang sinabi,
Ang minamahal ng Panginoon ay tatahang ligtas sa siping niya;
Siya'y kakanlungan niya buong araw,
At siya'y mananahan sa pagitan ng kaniyang mga balikat.
13 At tungkol sa Jose ay kaniyang sinabi,
(T)Pagpalain nawa ng Panginoon ang kaniyang lupain,
Sa mga mahalagang bagay ng langit, (U)sa hamog,
At sa kalaliman na nasa ilalim niya,
14 At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng araw,
At sa mga mahalagang bagay na pinatubo ng buwan,
15 At sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok,
At sa mga mahalagang bagay ng (V)mga burol na walang hanggan,
16 At sa mga mahalagang bagay ng lupa at ng kapunuan niyaon,
At (W)ang mabuting kalooban niyaong tumahan sa mababang punong kahoy:
(X)Sumaulo nawa ni Jose ang kapalaran,
At sa tuktok ng ulo niya na hiwalay sa kaniyang mga kapatid.
17 (Y)Ang panganay ng kaniyang baka, na may kamahalan;
At ang mga sungay niyaon ay parang mga sungay ng mabangis na toro:
Siya niyang (Z)ipantutulak sa mga bayan, lahat sa kanila, kahit na nasa mga hangganan ng lupa:
At (AA)sila ang laksa-laksa ng Ephraim,
At sila ang libolibo ng Manases.
18 At tungkol sa Zabulon ay kaniyang sinabi,
(AB)Magalak ka, Zabulon, sa iyong paglabas;
At ikaw, Issachar, sa iyong mga tolda.
19 (AC)Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
Doo'y (AD)maghahandog sila ng mga hain ng katuwiran:
Sapagka't kanilang hihititin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
At ang natatagong kayamanan sa buhanginan.
20 At tungkol sa Gad, ay kaniyang sinabi,
Pagpalain yaong magpalaki sa Gad:
Siya'y tumatahan (AE)parang isang leona,
At dudurog ng bisig, sangpu ng bao ng ulo.
21 At (AF)kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya,
Sapagka't doon natago ang bahagi ng (AG)gumagawa ng kautusan;
At siya'y (AH)pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan,
Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.
22 At tungkol sa Dan ay kaniyang sinabi,
23 At tungkol sa Nephtali ay kaniyang sinabi,
Oh (AK)Nephtali, busog ng lingap,
At puspos ng pagpapala ng Panginoon:
(AL)Ariin mo ang kalunuran at ang timugan.
24 At tungkol sa Aser ay kaniyang sinabi,
(AM)Pagpalain nawa sa mga anak ang Aser,
Mahalin nawa siya ng kaniyang mga kapatid,
At ilubog ang kaniyang paa sa langis.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
At kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong lakas.
26 (AN)Walang gaya ng Dios, Oh (AO)Jeshurun,
(AP)Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
At sa himpapawid dahil sa kaniyang karangalan.
27 Ang walang hanggang Dios ay iyong (AQ)dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kaniyang itinutulak sa harap mo ang kaaway,
At sinabi, Lansagin mo.
28 (AR)At ang Israel ay tumatahang tiwala,
(AS)Ang bukal ng Jacob na nagiisa,
Sa (AT)isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang kaniyang mga langit ay (AU)nagbababa ng hamog.
29 Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon,
(AV)Ng kalasag na iyong tulong,
At siyang tabak ng iyong karangalan!
At ang iyong mga kaaway ay (AW)susuko sa iyo:
At ikaw ay tutungtong sa kanilang mga matataas na dako.
Deuteronomio 33
Ang Biblia, 2001
Binasbasan ni Moises ang mga Lipi ni Israel
33 Ito ang basbas na iginawad ni Moises, ang tao ng Diyos, sa mga anak ni Israel bago siya namatay.
2 At kanyang sinabi,
“Ang Panginoo'y nanggaling sa Sinai,
at lumitaw sa Seir patungo sa kanila;
siya'y lumiwanag mula sa bundok ng Paran,
at siya'y may kasamang laksa-laksang mga banal:
sa kanyang kanang kamay ay ang kanyang sariling hukbo.
3 Oo, iniibig niya ang bayan:
lahat ng kanyang mga banal ay nasa iyong kamay;
sila'y sumunod sa iyong mga yapak,
na tumatanggap ng tagubilin mula sa iyo.
4 Si Moises ay nag-atas sa atin ng isang kautusan,
isang pamana para sa kapulungan ni Jacob.
5 Nagkaroon ng hari sa Jeshurun,
nang magkatipon ang mga pinuno ng bayan,
pati ang lahat ng mga lipi ni Israel.
6 “Mabuhay nawa ang Ruben, at huwag mamatay;
kahit kaunti man ang kanyang mga tao.”
7 At ito ang sinabi niya tungkol sa Juda:
“Dinggin mo, Panginoon, ang tinig ng Juda,
at dalhin mo siya sa kanyang bayan:
sa pamamagitan ng iyong mga kamay ay ipaglaban siya,
at maging katulong laban sa kanyang mga kaaway.”
8 At(A) tungkol kay Levi ay kanyang sinabi,
“Ang iyong Tumim at ang iyong Urim ay para sa inyong mga banal,
na iyong sinubok sa Massah,
nakipagtunggali ka sa kanya sa mga tubig ng Meriba;
9 na siyang nagsabi tungkol sa kanyang ama at ina,
‘Hindi ko siya nakita;’
ni hindi niya kinilala ang kanyang mga kapatid,
ni kinilala niya ang kanyang sariling mga anak.
Sapagkat kanilang sinunod ang iyong salita,
at ginaganap ang iyong tipan.
10 Ituturo nila ang iyong batas kay Jacob,
at ang iyong mga kautusan sa Israel;
sila'y maglalagay ng insenso sa harapan mo,
at ng buong handog na sinusunog sa ibabaw ng iyong dambana.
11 Basbasan mo, Panginoon, ang kanyang kalakasan,
at tanggapin mo ang gawa ng kanyang mga kamay;
baliin mo ang mga balakang ng mga naghihimagsik laban sa kanya,
at ang mga napopoot sa kanya, upang sila'y huwag nang muling bumangon.”
12 Tungkol kay Benjamin ay kanyang sinabi,
“Ang minamahal ng Panginoon ay maninirahang ligtas sa siping niya;
na kinakanlungan siya buong araw,
oo, siya'y maninirahan sa pagitan ng kanyang mga balikat.”
13 At tungkol kay Jose ay kanyang sinabi,
“Pagpalain nawa ng Panginoon ang kanyang lupain,
sa pinakamabuti mula sa langit, sa hamog,
at sa kalaliman na nasa ilalim,
14 at sa pinakamabuti sa mga bunga ng araw,
at sa mga pinakamabuting bunga ng mga buwan,
15 at sa pinakamagandang bunga ng matandang bundok,
at sa mga pinakamabuti sa mga burol na walang hanggan,
16 at sa pinakamabuti sa lupa at sa lahat ng naroroon;
at ang kanyang mabuting kalooban na naninirahan sa mababang punungkahoy:
dumating nawa ito sa ulo ni Jose,
at sa tuktok ng ulo niya na itinalaga sa kanyang mga kapatid.
17 Gaya ng panganay ng kanyang baka, kaluwalhatian ay sa kanya,
at ang mga sungay ng mabangis na toro ay kanyang mga sungay;
sa pamamagitan ng mga iyon ay itutulak niya ang mga bayan
hanggang sa mga hangganan ng lupa,
at sila ang sampung libu-libo ni Efraim,
at sila ang libu-libo ni Manases.”
18 At tungkol kay Zebulon ay kanyang sinabi,
“Magalak ka, Zebulon, sa iyong paglabas;
at ikaw, Isacar, sa iyong mga tolda.
19 Kanilang tatawagin ang mga bayan sa bundok;
maghahandog sila ng mga matuwid na alay;
sapagkat kanilang sisipsipin ang mga kasaganaan ng mga dagat,
at ang natatagong kayamanan sa buhanginan.”
20 At tungkol kay Gad, ay kanyang sinabi,
“Pagpalain ang nagpalaki kay Gad:
siya'y mabubuhay na parang isang leon,
at lalapain ang bisig at ang bao ng ulo.
21 Kanyang pinili ang pinakamabuti sa lupain para sa kanya,
sapagkat doon nakatago ang bahagi ng isang pinuno,
at siya'y dumating sa mga pinuno ng bayan,
kanyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon,
at ang kanyang mga batas sa Israel.”
22 At tungkol kay Dan ay kanyang sinabi,
“Si Dan ay anak ng leon,
na lumukso mula sa Basan.”
23 At tungkol kay Neftali ay kanyang sinabi,
“O Neftali, na busog ng mabuting kalooban,
at puspos ng pagpapala ng Panginoon;
angkinin mo ang kanluran at ang timog.”
24 At tungkol kay Aser ay kanyang sinabi,
“Pagpalain si Aser nang higit sa ibang mga anak;
itangi nawa siya ng kanyang mga kapatid,
at ilubog ang kanyang paa sa langis.
25 Ang iyong mga halang ay magiging bakal at tanso;
kung paano ang iyong mga araw ay gayon nawa ang iyong lakas.
26 “Walang gaya ng Diyos, O Jeshurun,
na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
at sa himpapawid dahil sa kanyang karangalan.
27 Ang walang hanggang Diyos ay isang kanlungan,
at sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig.
At kanyang palalayasin ang kaaway sa harapan mo,
at sinabi, ‘Puksain.’
28 Kaya't ang Israel ay ligtas na namumuhay,
ang bukal ni Jacob sa lupain ng trigo at alak,
oo, ang kanyang mga langit ay magbababa ng hamog.
29 Mapalad ka, O Israel! Sino ang gaya mo,
bayang iniligtas ng Panginoon,
ang kalasag na iyong tulong,
ang tabak ng iyong tagumpay!
At ang iyong mga kaaway ay manginginig sa harapan mo,
at ikaw ay tutuntong sa kanilang mga matataas na dako.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.