Add parallel Print Page Options

32 Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita, At pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.

Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:

Sapagka't aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon: Dakilain ninyo ang ating Dios.

Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.

Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi.

Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? Hindi ba siya ang iyong ama na tumangkilik sa iyo? Kaniyang nilalang ka, at itinatag ka.

Alalahanin mo ang mga araw ng una, Isipin mo ang mga taon ng lahi't lahi: Itanong mo sa iyong ama at kaniyang ibabalita sa iyo; Sa iyong mga matanda, at kanilang sasaysayin sa iyo.

Nang ibigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang mana, Nang kaniyang ihiwalay ang mga anak ng tao, Kaniyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan Ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.

Sapagka't ang bahagi ng Panginoon ay ang kaniyang bayan; Si Jacob ang bahaging mana niya.

10 Kaniyang nasumpungan sa isang ilang sa lupain, At sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang; Kaniyang kinanlungan sa palibot, kaniyang nilingap, Kaniyang iningatang parang salamin ng kaniyang mata:

11 Parang aguila na kumikilos ng kaniyang pugad, Na yumuyungyong sa kaniyang mga inakay, Kaniyang ibinubuka ang kaniyang mga pakpak, kaniyang kinukuha, Kaniyang dinadala sa ibabaw ng kaniyang mga pakpak:

12 Ang Panginoon na magisa ang pumatnubay sa kaniya, At walang ibang dios na kasama siya.

13 Ipinaari sa kaniya ang matataas na dako ng lupa, At siya'y kumain ng tubo sa bukid; At kaniyang pinahitit ng pulot na mula sa bato, At ng langis na mula sa batong pinkian;

14 Ng mantika ng baka, at gatas ng tupa, Na may taba ng mga kordero, At ng mga tupang lalake sa Basan, at mga kambing, Na may taba ng mga butil ng trigo; At sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.

15 Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.

16 Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga dios, Sa pamamagitan ng mga karumaldumal, minungkahi nila siya sa kagalitan.

17 Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang.

18 Sa Batong nanganak sa iyo, ay nagwalang bahala ka, At iyong kinalimutan ang Dios na lumalang sa iyo.

19 At nakita ng Panginoon, at kinayamutan sila, Dahil sa pamumungkahi ng kaniyang mga anak na lalake at babae.

20 At kaniyang sinabi, Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila, Aking titingnan kung anong mangyayari sa kanilang wakas; Sapagka't sila'y isang napakasamang lahi, Na mga anak na walang pagtatapat.

21 Kinilos nila ako sa paninibugho doon sa hindi Dios; Kanilang minungkahi ako sa galit sa kanilang mga walang kabuluhan: At akin silang kikilusin sa paninibugho sa mga hindi bayan: Aking ipamumungkahi sila sa galit, sa pamamagitan ng isang mangmang na bansa.

22 Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok.

23 Aking dadaganan sila ng mga kasamaan; Aking gugugulin ang aking busog sa kanila:

24 Sila'y mangapupugnaw sa gutom, at lalamunin ng maningas na init, At ng mapait na pagkalipol; At ang mga ngipin ng mga hayop ay susunugin ko sa kanila, Sangpu ng kamandag ng nangagsisiusad sa alabok.

25 Sa labas ay pipighatiin ng tabak. At sa mga silid ay kakilabutan; Malilipol kapuwa ang binata at dalaga, Ang sanggol sangpu ng lalaking may uban.

26 Aking sinabi, Aking pangangalatin sila sa malayo, Aking papaglilikatin sa mga tao ang alaala sa kanila;

27 Kundi aking kinatatakutan ang mungkahi ng kaaway; Baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali, Baka kanilang sabihin, Ang aming kamay ay tanghal, At hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.

28 Sapagka't sila'y bansang salat sa payo, At walang kaalaman sa kanila.

29 Oh kung sila'y mga pantas, na kanilang tinalastas ito, Kung nababatid nila ang kanilang wakas!

30 Kung paanong hahabulin ng isa ang isang libo, At ang dalawa'y magpapatakas sa sangpung libo, Malibang ipagbili sila ng kanilang Bato, At ibigay sila ng Panginoon?

31 Sapagka't ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato, Kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom.

32 Sapagka't ang kanilang puno ng ubas ay mga puno ng ubas sa Sodoma, At sa mga parang ng Gomorra: Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo, Ang kanilang mga buwig ay mapait:

33 Ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon, At mabagsik na kamandag ng mga ahas.

34 Di ba ito'y natatago sa akin, Na natatatakan sa aking mga kayamanan?

35 Ang panghihiganti ay akin, at gayon din ang gantingpala, Sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa: Sapagka't ang araw ng kanilang pagdadalita ay nalalapit, At ang mga bagay na darating sa kanila ay mangagmamadali.

36 Sapagka't hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan, At magsisisi dahil sa kaniyang mga lingkod; Pagka kaniyang nakitang ang kanilang kapangyarihan ay nawala, At wala ng natitira na natatakpan o naiwan.

37 At kaniyang sasabihin, Saan nandoon ang kanilang mga dios, Ang bato na siya nilang pinanganlungan;

38 Yaong mga kumakain ng taba ng kanilang mga hain, At umiinom ng alak ng kanilang inuming handog? Bumangon sila at tumulong sa inyo, At sila'y maging pagkupkop sa inyo.

39 Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.

40 Sapagka't aking itinataas ang aking kamay sa langit, At aking sinasabi, Buhay ako magpakailan man,

41 Kung aking ihahasa ang aking makintab na tabak, At ang aking kamay ay hahawak ng kahatulan; Aking ibibigay ang aking panghihiganti sa aking mga kaaway, At aking gagantihan yaong nangapopoot sa akin.

42 At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.

43 Mangagalak kayo, O mga bansa, na kasama ng kaniyang bayan; Sapagka't ipanghihiganti ang dugo ng kaniyang mga lingkod, At manghihiganti sa kaniyang mga kaalit, At patatawarin ang kaniyang lupain, ang kaniyang bayan.

44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue na anak ni Nun.

45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:

46 At kaniyang sinabi sa kanila, Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.

48 At sinalita ng Panginoon kay Moises nang araw ding yaon, na sinasabi,

49 Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:

50 At mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan, gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor, at nalakip sa kaniyang bayan:

51 Sapagka't kayo'y sumalansang laban sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Cades, sa ilang ng Zin; sapagka't hindi ninyo ako inaring banal sa gitna ng mga anak ni Israel.

52 Sapagka't iyong matatanaw ang lupain sa harap mo; nguni't doo'y hindi ka makapapasok, sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.

32 “Makinig kayo, mga langit, at ako'y magsasalita,
    at pakinggan ng lupa ang mga salita ng aking bibig.
Ang aking aral ay papatak na parang ulan;
    ang aking salita ay bababa na parang hamog;
gaya ng ambon sa malambot na damo,
    at gaya ng mahinang ambon sa pananim.
Sapagkat aking ihahayag ang pangalan ng Panginoon;
    dakilain ninyo ang ating Diyos!
“Siya ang Bato, ang kanyang gawa ay sakdal;
    sapagkat lahat ng kanyang daan ay katarungan.
Isang Diyos na tapat at walang kasamaan,
    siya ay matuwid at banal.
Sila'y nagpakasama,
    sila'y hindi kanyang mga anak, dahilan sa kanilang kapintasan;
    isang lahing liko at tampalasan.
Ganyan ba ninyo gagantihan ang Panginoon,
    O hangal at di-matalinong bayan?
Hindi ba siya ang iyong ama na lumalang sa iyo?
    Kanyang nilalang ka, at itinatag ka.
Alalahanin mo ang mga naunang araw,
    isipin mo ang mga taon ng maraming salinlahi;
itanong mo sa iyong ama at kanyang ibabalita sa iyo;
    sa iyong matatanda, at kanilang sasabihin sa iyo.
Nang(A) ibigay ng Kataas-taasan sa mga bansa ang kanilang pamana,
    nang kanyang ihiwalay ang mga anak ng tao,
kanyang inilagay ang mga hangganan ng mga bayan,
    ayon sa bilang ng mga anak ni Israel.
Sapagkat ang bahagi ng Panginoon ay ang kanyang bayan;
    si Jacob ang bahaging pamana niya.
10 “Kanyang natagpuan siya sa isang ilang na lupain,
    at sa kapanglawan ng isang umuungal na ilang;
kanyang pinaligiran siya, kanyang nilingap siya,
    kanyang iningatan siyang parang sarili niyang mga mata.
11 Gaya ng agila na ginagalaw ang kanyang pugad,
    na pumapagaspas sa kanyang mga inakay,
kanyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak, na kinukuha sila,
    kanyang dinadala sa ibabaw ng kanyang mga pakpak:
12 tanging ang Panginoon ang pumapatnubay sa kanya,
    at walang ibang diyos na kasama siya.
13 Kanyang pinasakay siya sa matataas na dako ng lupa,
    at siya'y kumain ng bunga ng bukirin,
at kanyang pinainom ng pulot na mula sa bato,
    at ng langis na mula sa batong kiskisan.
14 Ng mantika mula sa baka, at gatas mula sa tupa,
    na may taba ng mga kordero,
at ng mga tupang lalaki sa Basan, at mga kambing,
    ng pinakamabuti sa mga trigo;
    at sa katas ng ubas ay uminom ka ng alak.
15 “Ngunit tumaba si Jeshurun at nanipa;
    ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis.
Nang magkagayo'y tinalikuran niya ang Diyos na lumalang sa kanya,
    at hinamak ang Bato ng kanyang kaligtasan.
16 Siya'y kinilos nila sa paninibugho sa ibang mga diyos,
    sa pamamagitan ng mga karumaldumal, kanilang ibinunsod siya sa pagkagalit.
17 Sila'y(B) naghandog sa mga demonyo na hindi Diyos,
    sa mga diyos na hindi nila nakilala,
sa mga bagong diyos na kalilitaw pa lamang,
    na hindi kinatakutan ng inyong mga ninuno.
18 Hindi mo pinansin ang Batong nanganak sa iyo,
    at kinalimutan mo ang Diyos na lumalang sa iyo.
19 “At nakita ito ng Panginoon, at kinapootan sila,
    dahil sa panggagalit ng kanyang mga anak na lalaki at babae.
20 At kanyang sinabi, ‘Aking ikukubli ang aking mukha sa kanila,
    aking titingnan kung ano ang kanilang magiging wakas;
sapagkat sila'y isang napakasamang lahi,
    mga anak na walang katapatan.
21 Kinilos(C) nila ako sa paninibugho doon sa hindi diyos;
    ginalit nila ako sa kanilang mga diyus-diyosan.
Kaya't paninibughuin ko sila sa mga hindi bayan;
    aking gagalitin sila sa pamamagitan ng isang hangal na bansa.
22 Sapagkat may apoy na nag-aalab sa aking galit,
    at nagniningas hanggang sa Sheol,
at lalamunin ang lupa pati ang tubo nito,
    at pag-aapuyin ang saligan ng mga bundok.
23 “‘Aking dadaganan sila ng mga kasamaan;
    aking uubusin ang aking pana sa kanila.
24 Sila'y mapupugnaw sa gutom,
    at lalamunin ng maningas na init,
    at ng nakalalasong salot;
at ang mga ngipin ng mga hayop ay isusugo ko sa kanila,
    pati ng kamandag ng gumagapang sa alabok.
25 Sa labas ay namimighati ang tabak,
    at sa mga silid ay malaking takot;
kapwa mawawasak ang binata at dalaga,
    ang sanggol pati ng lalaking may uban.
26 Aking sinabi, “Ikakalat ko sila sa malayo,
    aking aalisin ang alaala nila sa mga tao,”
27 kung hindi ko kinatatakutan ang panghahamon ng kaaway;
    baka ang kanilang mga kalaban ay humatol ng mali,
baka kanilang sabihin, “Ang aming kamay ay matagumpay,
    at hindi ginawa ng Panginoon ang lahat ng ito.”’
28 “Sapagkat sila'y bansang salat sa payo,
    at walang kaalaman sa kanila.
29 O kung sila'y mga pantas, kanilang mauunawaan ito,
    at malalaman nila ang kanilang wakas!
30 Paano hahabulin ng isa ang isanlibo,
    at patatakbuhin ng dalawa ang sampung libo,
malibang ipinagbili sila ng kanilang Bato,
    at ibinigay na sila ng Panginoon?
31 Sapagkat ang kanilang bato ay hindi gaya ng ating Bato,
    kahit ang ating mga kaaway man ang maging mga hukom.
32 Sapagkat ang kanilang puno ng ubas ay mula sa ubasan sa Sodoma,
    at mula sa mga parang ng Gomorra.
Ang kanilang ubas ay ubas ng apdo,
    ang kanilang mga buwig ay mapait,
33 ang kanilang alak ay kamandag ng mga dragon,
    at mabagsik na kamandag ng mga ahas.
34 “Hindi ba ito'y nakalaan sa akin,
    na natatatakan sa aking mga kabang-yaman?
35 Ang(D) paghihiganti ay akin, at ang gantimpala,
    sa panahon na madudulas ang kanilang mga paa;
sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay malapit na,
    at ang mga bagay na darating sa kanila ay nagmamadali.
36 Sapagkat(E) hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan,
    at mahahabag sa kanyang mga lingkod.
Kapag nakita niyang ang kanilang kapangyarihan ay wala na,
    at wala ng nalalabi, bihag man o malaya.
37 At kanyang sasabihin, ‘Saan naroon ang kanilang mga diyos,
    ang bato na kanilang pinagkanlungan?
38 Sino ang kumain ng taba ng kanilang mga handog,
    at uminom ng alak ng kanilang handog na inumin?
Pabangunin sila at tulungan ka,
    at sila'y maging inyong pag-iingat!
39 “‘Tingnan ninyo ngayon, ako, samakatuwid ay Ako nga,
    at walang diyos liban sa akin;
ako'y pumapatay at ako'y bumubuhay;
    ako'y sumusugat at ako'y nagpapagaling;
    at walang makakaligtas sa aking kamay.
40 Sapagkat aking itinataas ang aking kamay sa langit,
    at sumusumpa, ‘Buháy ako magpakailanman.
41 Kung ihahasa ko ang aking makintab na tabak,
    at ang aking kamay ay humawak sa hatol,
ako'y maghihiganti sa aking mga kaaway,
    at aking gagantihan ang mga napopoot sa akin.
42 At aking lalasingin ng dugo ang aking palaso,
    at ang aking tabak ay sasakmal ng laman;
ng dugo ng patay at ng mga bihag,
    mula sa ulong may mahabang buhok ng mga pinuno ng kaaway.’
43 “Magalak(F) kayo, O mga bansa, kasama ng kanyang bayan;
    sapagkat ipaghihiganti niya ang dugo ng kanyang mga lingkod,
at maghihiganti sa kanyang mga kalaban,
    at patatawarin ang kanyang lupain, ang kanyang bayan.”

44 At si Moises ay pumaroon at sinabi ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pandinig ng bayan, siya at si Josue[a] na anak ni Nun.

Huling Tagubilin ni Moises

45 Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel,

46 ay kanyang sinabi sa kanila, “Ilagay ninyo sa puso ang lahat ng mga salita na aking pinapatotohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang gawin ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

47 Sapagkat ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; sapagkat ito'y inyong buhay, at sa pamamagitan ng bagay na ito ay inyong pahahabain ang inyong mga araw sa lupain na inyong itinawid sa Jordan upang angkinin.”

Pinasampa si Moises sa Bundok ng Nebo

48 Ang(G) Panginoon ay nagsalita kay Moises nang araw ding iyon,

49 “Umakyat ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico. Tanawin mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel bilang pag-aari.

50 Mamamatay ka sa bundok na iyong inakyat at isasama ka sa iyong angkan, gaya ni Aaron na iyong kapatid na namatay sa bundok ng Hor at isinama sa kanyang angkan.

51 Sapagkat kayo'y sumuway sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel sa tubig ng Meriba ng Kadesh, sa ilang ng Zin; sapagkat hindi ninyo ako itinuring na banal sa gitna ng mga anak ni Israel.

52 Gayunma'y makikita mo ang lupain sa harapan mo, ngunit hindi ka makakapasok sa lupain na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel.”

Footnotes

  1. Deuteronomio 32:44 o Hosheas .

32 Listen,(A) you heavens,(B) and I will speak;
    hear, you earth, the words of my mouth.(C)
Let my teaching fall like rain(D)
    and my words descend like dew,(E)
like showers(F) on new grass,
    like abundant rain on tender plants.

I will proclaim(G) the name of the Lord.(H)
    Oh, praise the greatness(I) of our God!
He is the Rock,(J) his works are perfect,(K)
    and all his ways are just.
A faithful God(L) who does no wrong,
    upright(M) and just is he.(N)

They are corrupt and not his children;
    to their shame they are a warped and crooked generation.(O)
Is this the way you repay(P) the Lord,
    you foolish(Q) and unwise people?(R)
Is he not your Father,(S) your Creator,[a]
    who made you and formed you?(T)

Remember the days of old;(U)
    consider the generations long past.(V)
Ask your father and he will tell you,
    your elders, and they will explain to you.(W)
When the Most High(X) gave the nations their inheritance,
    when he divided all mankind,(Y)
he set up boundaries(Z) for the peoples
    according to the number of the sons of Israel.[b](AA)
For the Lord’s portion(AB) is his people,
    Jacob his allotted inheritance.(AC)

10 In a desert(AD) land he found him,
    in a barren and howling waste.(AE)
He shielded(AF) him and cared for him;
    he guarded him as the apple of his eye,(AG)
11 like an eagle that stirs up its nest
    and hovers over its young,(AH)
that spreads its wings to catch them
    and carries them aloft.(AI)
12 The Lord alone led(AJ) him;(AK)
    no foreign god was with him.(AL)

13 He made him ride on the heights(AM) of the land
    and fed him with the fruit of the fields.
He nourished him with honey from the rock,(AN)
    and with oil(AO) from the flinty crag,
14 with curds and milk from herd and flock
    and with fattened lambs and goats,
with choice rams of Bashan(AP)
    and the finest kernels of wheat.(AQ)
You drank the foaming blood of the grape.(AR)

15 Jeshurun[c](AS) grew fat(AT) and kicked;
    filled with food, they became heavy and sleek.
They abandoned(AU) the God who made them
    and rejected the Rock(AV) their Savior.
16 They made him jealous(AW) with their foreign gods
    and angered(AX) him with their detestable idols.
17 They sacrificed(AY) to false gods,(AZ) which are not God—
    gods they had not known,(BA)
    gods that recently appeared,(BB)
    gods your ancestors did not fear.
18 You deserted the Rock, who fathered you;
    you forgot(BC) the God who gave you birth.

19 The Lord saw this and rejected them(BD)
    because he was angered by his sons and daughters.(BE)
20 “I will hide my face(BF) from them,” he said,
    “and see what their end will be;
for they are a perverse generation,(BG)
    children who are unfaithful.(BH)
21 They made me jealous(BI) by what is no god
    and angered me with their worthless idols.(BJ)
I will make them envious by those who are not a people;
    I will make them angry by a nation that has no understanding.(BK)
22 For a fire will be kindled by my wrath,(BL)
    one that burns down to the realm of the dead below.(BM)
It will devour(BN) the earth and its harvests(BO)
    and set afire the foundations of the mountains.(BP)

23 “I will heap calamities(BQ) on them
    and spend my arrows(BR) against them.
24 I will send wasting famine(BS) against them,
    consuming pestilence(BT) and deadly plague;(BU)
I will send against them the fangs of wild beasts,(BV)
    the venom of vipers(BW) that glide in the dust.(BX)
25 In the street the sword will make them childless;
    in their homes terror(BY) will reign.(BZ)
The young men and young women will perish,
    the infants and those with gray hair.(CA)
26 I said I would scatter(CB) them
    and erase their name from human memory,(CC)
27 but I dreaded the taunt of the enemy,
    lest the adversary misunderstand(CD)
and say, ‘Our hand has triumphed;
    the Lord has not done all this.’”(CE)

28 They are a nation without sense,
    there is no discernment(CF) in them.
29 If only they were wise and would understand this(CG)
    and discern what their end will be!(CH)
30 How could one man chase a thousand,
    or two put ten thousand to flight,(CI)
unless their Rock had sold them,(CJ)
    unless the Lord had given them up?(CK)
31 For their rock is not like our Rock,(CL)
    as even our enemies concede.(CM)
32 Their vine comes from the vine of Sodom(CN)
    and from the fields of Gomorrah.
Their grapes are filled with poison,(CO)
    and their clusters with bitterness.(CP)
33 Their wine is the venom of serpents,
    the deadly poison of cobras.(CQ)

34 “Have I not kept this in reserve
    and sealed it in my vaults?(CR)
35 It is mine to avenge;(CS) I will repay.(CT)
    In due time their foot will slip;(CU)
their day of disaster is near
    and their doom rushes upon them.(CV)

36 The Lord will vindicate his people(CW)
    and relent(CX) concerning his servants(CY)
when he sees their strength is gone
    and no one is left, slave(CZ) or free.[d]
37 He will say: “Now where are their gods,
    the rock they took refuge in,(DA)
38 the gods who ate the fat of their sacrifices
    and drank the wine of their drink offerings?(DB)
Let them rise up to help you!
    Let them give you shelter!

39 “See now that I myself am he!(DC)
    There is no god besides me.(DD)
I put to death(DE) and I bring to life,(DF)
    I have wounded and I will heal,(DG)
    and no one can deliver out of my hand.(DH)
40 I lift my hand(DI) to heaven and solemnly swear:
    As surely as I live forever,(DJ)
41 when I sharpen my flashing sword(DK)
    and my hand grasps it in judgment,
I will take vengeance(DL) on my adversaries
    and repay those who hate me.(DM)
42 I will make my arrows drunk with blood,(DN)
    while my sword devours flesh:(DO)
the blood of the slain and the captives,
    the heads of the enemy leaders.”

43 Rejoice,(DP) you nations, with his people,[e][f]
    for he will avenge the blood of his servants;(DQ)
he will take vengeance on his enemies(DR)
    and make atonement for his land and people.(DS)

44 Moses came with Joshua[g](DT) son of Nun and spoke all the words of this song in the hearing of the people. 45 When Moses finished reciting all these words to all Israel, 46 he said to them, “Take to heart all the words I have solemnly declared to you this day,(DU) so that you may command(DV) your children to obey carefully all the words of this law. 47 They are not just idle words for you—they are your life.(DW) By them you will live long(DX) in the land you are crossing the Jordan to possess.”

Moses to Die on Mount Nebo

48 On that same day the Lord told Moses,(DY) 49 “Go up into the Abarim(DZ) Range to Mount Nebo(EA) in Moab, across from Jericho,(EB) and view Canaan,(EC) the land I am giving the Israelites as their own possession. 50 There on the mountain that you have climbed you will die(ED) and be gathered to your people, just as your brother Aaron died(EE) on Mount Hor(EF) and was gathered to his people. 51 This is because both of you broke faith with me in the presence of the Israelites at the waters of Meribah Kadesh(EG) in the Desert of Zin(EH) and because you did not uphold my holiness among the Israelites.(EI) 52 Therefore, you will see the land only from a distance;(EJ) you will not enter(EK) the land I am giving to the people of Israel.”

Footnotes

  1. Deuteronomy 32:6 Or Father, who bought you
  2. Deuteronomy 32:8 Masoretic Text; Dead Sea Scrolls (see also Septuagint) sons of God
  3. Deuteronomy 32:15 Jeshurun means the upright one, that is, Israel.
  4. Deuteronomy 32:36 Or and they are without a ruler or leader
  5. Deuteronomy 32:43 Or Make his people rejoice, you nations
  6. Deuteronomy 32:43 Masoretic Text; Dead Sea Scrolls (see also Septuagint) people, / and let all the angels worship him, /
  7. Deuteronomy 32:44 Hebrew Hoshea, a variant of Joshua

32 Give ear, O ye heavens, and I will speak; and hear, O earth, the words of my mouth.

My doctrine shall drop as the rain, my speech shall distil as the dew, as the small rain upon the tender herb, and as the showers upon the grass:

Because I will publish the name of the Lord: ascribe ye greatness unto our God.

He is the Rock, his work is perfect: for all his ways are judgment: a God of truth and without iniquity, just and right is he.

They have corrupted themselves, their spot is not the spot of his children: they are a perverse and crooked generation.

Do ye thus requite the Lord, O foolish people and unwise? is not he thy father that hath bought thee? hath he not made thee, and established thee?

Remember the days of old, consider the years of many generations: ask thy father, and he will shew thee; thy elders, and they will tell thee.

When the Most High divided to the nations their inheritance, when he separated the sons of Adam, he set the bounds of the people according to the number of the children of Israel.

For the Lord's portion is his people; Jacob is the lot of his inheritance.

10 He found him in a desert land, and in the waste howling wilderness; he led him about, he instructed him, he kept him as the apple of his eye.

11 As an eagle stirreth up her nest, fluttereth over her young, spreadeth abroad her wings, taketh them, beareth them on her wings:

12 So the Lord alone did lead him, and there was no strange god with him.

13 He made him ride on the high places of the earth, that he might eat the increase of the fields; and he made him to suck honey out of the rock, and oil out of the flinty rock;

14 Butter of kine, and milk of sheep, with fat of lambs, and rams of the breed of Bashan, and goats, with the fat of kidneys of wheat; and thou didst drink the pure blood of the grape.

15 But Jeshurun waxed fat, and kicked: thou art waxen fat, thou art grown thick, thou art covered with fatness; then he forsook God which made him, and lightly esteemed the Rock of his salvation.

16 They provoked him to jealousy with strange gods, with abominations provoked they him to anger.

17 They sacrificed unto devils, not to God; to gods whom they knew not, to new gods that came newly up, whom your fathers feared not.

18 Of the Rock that begat thee thou art unmindful, and hast forgotten God that formed thee.

19 And when the Lord saw it, he abhorred them, because of the provoking of his sons, and of his daughters.

20 And he said, I will hide my face from them, I will see what their end shall be: for they are a very froward generation, children in whom is no faith.

21 They have moved me to jealousy with that which is not God; they have provoked me to anger with their vanities: and I will move them to jealousy with those which are not a people; I will provoke them to anger with a foolish nation.

22 For a fire is kindled in mine anger, and shall burn unto the lowest hell, and shall consume the earth with her increase, and set on fire the foundations of the mountains.

23 I will heap mischiefs upon them; I will spend mine arrows upon them.

24 They shall be burnt with hunger, and devoured with burning heat, and with bitter destruction: I will also send the teeth of beasts upon them, with the poison of serpents of the dust.

25 The sword without, and terror within, shall destroy both the young man and the virgin, the suckling also with the man of gray hairs.

26 I said, I would scatter them into corners, I would make the remembrance of them to cease from among men:

27 Were it not that I feared the wrath of the enemy, lest their adversaries should behave themselves strangely, and lest they should say, Our hand is high, and the Lord hath not done all this.

28 For they are a nation void of counsel, neither is there any understanding in them.

29 O that they were wise, that they understood this, that they would consider their latter end!

30 How should one chase a thousand, and two put ten thousand to flight, except their Rock had sold them, and the Lord had shut them up?

31 For their rock is not as our Rock, even our enemies themselves being judges.

32 For their vine is of the vine of Sodom, and of the fields of Gomorrah: their grapes are grapes of gall, their clusters are bitter:

33 Their wine is the poison of dragons, and the cruel venom of asps.

34 Is not this laid up in store with me, and sealed up among my treasures?

35 To me belongeth vengeance and recompence; their foot shall slide in due time: for the day of their calamity is at hand, and the things that shall come upon them make haste.

36 For the Lord shall judge his people, and repent himself for his servants, when he seeth that their power is gone, and there is none shut up, or left.

37 And he shall say, Where are their gods, their rock in whom they trusted,

38 Which did eat the fat of their sacrifices, and drank the wine of their drink offerings? let them rise up and help you, and be your protection.

39 See now that I, even I, am he, and there is no god with me: I kill, and I make alive; I wound, and I heal: neither is there any that can deliver out of my hand.

40 For I lift up my hand to heaven, and say, I live for ever.

41 If I whet my glittering sword, and mine hand take hold on judgment; I will render vengeance to mine enemies, and will reward them that hate me.

42 I will make mine arrows drunk with blood, and my sword shall devour flesh; and that with the blood of the slain and of the captives, from the beginning of revenges upon the enemy.

43 Rejoice, O ye nations, with his people: for he will avenge the blood of his servants, and will render vengeance to his adversaries, and will be merciful unto his land, and to his people.

44 And Moses came and spake all the words of this song in the ears of the people, he, and Hoshea the son of Nun.

45 And Moses made an end of speaking all these words to all Israel:

46 And he said unto them, Set your hearts unto all the words which I testify among you this day, which ye shall command your children to observe to do, all the words of this law.

47 For it is not a vain thing for you; because it is your life: and through this thing ye shall prolong your days in the land, whither ye go over Jordan to possess it.

48 And the Lord spake unto Moses that selfsame day, saying,

49 Get thee up into this mountain Abarim, unto mount Nebo, which is in the land of Moab, that is over against Jericho; and behold the land of Canaan, which I give unto the children of Israel for a possession:

50 And die in the mount whither thou goest up, and be gathered unto thy people; as Aaron thy brother died in mount Hor, and was gathered unto his people:

51 Because ye trespassed against me among the children of Israel at the waters of MeribahKadesh, in the wilderness of Zin; because ye sanctified me not in the midst of the children of Israel.

52 Yet thou shalt see the land before thee; but thou shalt not go thither unto the land which I give the children of Israel.