Add parallel Print Page Options

Natalo si Haring Og ng Bashan(A)

“Pagkatapos, dumiretso tayo sa Bashan pero pagdating natin sa Edrei, sinalakay tayo ni Haring Og ng Bashan at ng mga sundalo nito. Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Huwag kang matakot sa kanya dahil siguradong ibibigay ko siya sa iyo pati ang kanyang mga sundalo at ang kanyang lupain. Gagawin mo sa kanya ang ginawa mo kay Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Heshbon.’ Kaya ibinigay sa atin ng Panginoon na ating Dios si Haring Og ng Bashan at ang lahat ng kanyang sundalo. Pinatay natin sila at wala tayong itinirang buhay. Inagaw natin ang lahat ng 60 lungsod niya – ang buong teritoryo ng Argob kung saan naghahari si Haring Og ng Bashan. Ang lahat ng lungsod na ito ay napapalibutan ng matataas na pader na may pintuan at kandado. Inagaw din natin ang napakaraming mga baryo na walang pader.

“Nilipol natin sila nang lubusan[a] katulad ng ginawa natin kay Haring Sihon ng Heshbon. Pinatay natin ang lahat ng tao sa bawat lungsod na ating naagaw – mga lalaki, babae at bata. Ngunit dinala natin ang lahat ng hayop at mga ari-arian na nasamsam natin sa kanilang mga lungsod.

“Kaya naagaw natin mula sa dalawang hari ng mga Amoreo, ang lupain sa silangan ng Ilog ng Jordan mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon. (Ang Bundok ng Hermon ay tinatawag ng mga Sidoneo na Sirion at ng mga Amoreo na Senir.) 10 Inagaw natin ang lahat ng bayan na nasa talampas, ang buong Gilead at ang buong Bashan hanggang sa Saleca at Edrei, na mga bayan na sakop ng kaharian ni Og ng Bashan. 11 (Si Haring Og lang ang nag-iisang natira sa mga lahi ng Refaimeo. Ang higaan niyang bakal[b] ay may habang 13 talampakan at anim na talampakan ang lapad. Makikita pa ito ngayon sa Rabba na lungsod ng mga Ammonita.)

Ang Paghahati-hati ng Lupa(B)

12 “Nang maagaw natin ang lupaing ito, ibinigay ko sa mga lahi nina Reuben at Gad ang lupain sa hilaga ng Aroer malapit sa Lambak ng Arnon pati na ang kalahati ng kaburulan ng Gilead at ang mga bayan nito. 13 Ibinigay ko ang natirang bahagi ng Gilead at ng buong Bashan, na kaharian ni Og, sa kalahating lahi ni Manase. (Ang buong Argob sa Bashan ay tinatawag noon na Lupa ng mga Refaimeo.) 14 Si Jair na mula sa lahi ni Manase, ang nagmamay-ari ng buong Argob na sakop ng Bashan hanggang sa hangganan ng lupain ng mga Geshureo at ng mga Maacateo. Pinangalanan ni Jair ng mismong pangalan niya ang teritoryong ito, kaya hanggang sa ngayon, ang Bashan ay tinatawag na ‘Mga Bayan ni Jair.’ 15 Ibinigay ko ang Gilead sa pamilya ni Makir. 16 Ibinigay ko sa mga lahi nina Reuben at Gad ang mga lupain mula sa Gilead hanggang sa Lambak ng Arnon. Ang gitna ng Arnon ang kanilang hangganan sa timog, at ang kanilang hangganan sa hilaga ay ang Lambak ng Jabok, na hangganan din ng lupain ng mga Ammonita. 17 Ang hangganan sa kanluran ay ang Kapatagan ng Jordan[c] pati na ang Ilog ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Dagat na Patay[d] sa ibabang bahagi ng libis ng Pisga sa silangan.

18 “Nang panahong iyon, inutusan ko ang mga angkan ninyo na naninirahan sa silangan ng Jordan,[e] ‘Kahit na ibinigay ng Panginoon na inyong Dios ang lupang ito para angkinin ninyo, kailangang tumawid ang lahat ng sundalo ninyo sa Ilog ng Jordan na armado at handang manguna sa inyong mga kapatid na Israelita sa pakikipaglaban. 19 Ngunit iiwan ninyo ang inyong mga asawaʼt anak, at ang napakarami ninyong hayop sa mga bayan na ibinigay ko sa inyo. 20 Kapag naangkin na ng mga kapwa ninyo Israelita ang lupain sa kabila ng Jordan na ibinigay sa kanila ng Panginoon na inyong Dios, at kapag nabigyan na sila ng kasiguraduhan katulad ng kanyang ginawa sa inyo, makabalik na kayo sa lupaing ibinigay ko sa inyo.’

Hindi Pinayagan si Moises na Makapasok sa Canaan

21 “At nang panahong iyon, sinabi ko rin kay Josue, ‘Nakita mo ang lahat ng ginawa ng Panginoon na inyong Dios sa dalawang haring iyon. Ganoon din ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng kaharian na inyong pupuntahan. 22 Huwag kayong matakot sa kanila; ang Panginoon na inyong Dios mismo ang makikipaglaban para sa inyo.’

23 “Nang panahong iyon, nagmakaawa ako sa Panginoon. Sinabi ko, 24 ‘O Panginoong Dios, sinimulan na ninyong ipakita sa inyong lingkod ang inyong kadakilaan, dahil walang dios sa langit o sa lupa na makakagawa ng mga himala na inyong ginawa. 25 Kaya payagan po ninyo akong makatawid para makita ko ang magandang lupain sa kabila ng Jordan, ang magagandang kaburulan at ang mga kabundukan ng Lebanon.’

26 “Ngunit nagalit ang Panginoon sa akin dahil sa inyo, at hindi niya ako pinakinggan. Sinabi niya, ‘Tama na iyan! Huwag mo na akong kausapin tungkol sa mga bagay na iyan. 27 Umakyat ka sa tuktok ng Bundok ng Pisga at tumanaw sa lupain sa kahit saang direksyon, dahil hindi ka makakatawid sa Jordan. 28 Ngunit turuan mo si Josue sa kanyang gagawin. Palakasin mo ang loob niya dahil siya ang mamumuno sa mga taong ito sa pagtawid sa Jordan. Ibibigay niya sa kanila ang lupaing nakikita mo ngayon!’ 29 Kaya nanatili tayo sa lambak malapit sa Bet Peor.”

Footnotes

  1. 3:6 Nilipol natin sila nang lubusan: Tingnan ang footnote sa 2:34.
  2. 3:11 higaan niyang bakal: o, kabaong.
  3. 3:17 Kapatagan ng Jordan: sa Hebreo, Araba.
  4. 3:17 Galilea … Patay: sa Hebreo, Kineret hanggang sa Dagat ng Araba, ang pinakamaalat na dagat.
  5. 3:18 ninyo … Jordan: sa Hebreo, kayo.

Nang magkagayo'y pumihit tayo, at ating sinampa ang daang patungo sa Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Edrei.

At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong bayan, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.

At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.

Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.

At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa Hesbon, na lubos nating nilipol bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata.

Nguni't ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga bayan ay ating dinala.

At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan, mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon;

(Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion, at tinatawag ng mga Amorrheo na Senir):

10 Lahat ng mga bayan ng kapatagan, at ang buong Galaad, at ang buong Basan, hanggang Salcha at Edrei, na mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan.

11 (Sapagka't si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga Rephaim; narito, ang kaniyang higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa Rabbath ng mga anak ni Ammon? siyam na siko ang haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon, ayon sa siko ng isang lalake).

12 At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita:

13 At ang labis ng Galaad, at ang buong Basan, na kaharian ni Og, ay aking ibinigay sa kalahating lipi ni Manases; ang buong lupain ng Argob, sa makatuwid baga'y ang buong Basan. (Siya ring tinatawag na lupain ng mga Rephaim.

14 Sinakop ni Jair na anak ni Manases ang buong lupain ng Argob, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Machateo; at mga tinawag niya ng Basan ayon sa kaniyang pangalang Havot-jair hanggang sa araw na ito.)

15 At aking ibinigay ang Galaad kay Machir.

16 At sa mga Rubenita at sa mga Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Galaad hanggang sa libis ng Arnon, na siyang kalahatian ng libis, na pinaka hangganan niyaon hanggang sa ilog Jaboc, na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon;

17 Pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyaon, mula sa Cinereth hanggang sa Dagat ng Araba na Dagat na Alat, sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silanganan.

18 At kayo'y aking inutusan nang panahong yaon, na sinasabi, Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin: kayo'y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel, lahat ng taong matapang.

19 Nguni't ang inyong mga asawa at ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop, (aking talastas na kayo'y mayroong maraming hayop), ay mangatitira sa inyong mga bayan na aking ibinigay sa inyo;

20 Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pag-aari, na aking ibinigay sa inyo.

21 At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon, na sinasabi, Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan.

22 Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo ng Panginoon ninyong Dios.

23 At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi,

24 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos?

25 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang Libano.

26 Nguni't ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito.

27 Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito.

28 Nguni't pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita.

29 Sa gayo'y tumahan tayo sa libis, na nasa tapat ng Beth-peor.

'Deuteronomio 3 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Defeat of Og King of Bashan

Next we turned and went up along the road toward Bashan, and Og king of Bashan(A) with his whole army marched out to meet us in battle at Edrei.(B) The Lord said to me, “Do not be afraid(C) of him, for I have delivered him into your hands, along with his whole army and his land. Do to him what you did to Sihon king of the Amorites, who reigned in Heshbon.”

So the Lord our God also gave into our hands Og king of Bashan and all his army. We struck them down,(D) leaving no survivors.(E) At that time we took all his cities.(F) There was not one of the sixty cities that we did not take from them—the whole region of Argob, Og’s kingdom(G) in Bashan.(H) All these cities were fortified with high walls and with gates and bars, and there were also a great many unwalled villages. We completely destroyed[a] them, as we had done with Sihon king of Heshbon, destroying[b](I) every city—men, women and children. But all the livestock(J) and the plunder from their cities we carried off for ourselves.

So at that time we took from these two kings of the Amorites(K) the territory east of the Jordan, from the Arnon Gorge as far as Mount Hermon.(L) (Hermon is called Sirion(M) by the Sidonians; the Amorites call it Senir.)(N) 10 We took all the towns on the plateau, and all Gilead, and all Bashan as far as Salekah(O) and Edrei, towns of Og’s kingdom in Bashan. 11 (Og king of Bashan was the last of the Rephaites.(P) His bed was decorated with iron and was more than nine cubits long and four cubits wide.[c] It is still in Rabbah(Q) of the Ammonites.)

Division of the Land

12 Of the land that we took over at that time, I gave the Reubenites and the Gadites the territory north of Aroer(R) by the Arnon Gorge, including half the hill country of Gilead, together with its towns. 13 The rest of Gilead and also all of Bashan, the kingdom of Og, I gave to the half-tribe of Manasseh.(S) (The whole region of Argob in Bashan used to be known as a land of the Rephaites.(T) 14 Jair,(U) a descendant of Manasseh, took the whole region of Argob as far as the border of the Geshurites and the Maakathites;(V) it was named(W) after him, so that to this day Bashan is called Havvoth Jair.[d]) 15 And I gave Gilead to Makir.(X) 16 But to the Reubenites and the Gadites I gave the territory extending from Gilead down to the Arnon Gorge (the middle of the gorge being the border) and out to the Jabbok River,(Y) which is the border of the Ammonites. 17 Its western border was the Jordan in the Arabah,(Z) from Kinnereth(AA) to the Sea of the Arabah(AB) (that is, the Dead Sea(AC)), below the slopes of Pisgah.

18 I commanded you at that time: “The Lord your God has given(AD) you this land to take possession of it. But all your able-bodied men, armed for battle, must cross over ahead of the other Israelites.(AE) 19 However, your wives,(AF) your children and your livestock(AG) (I know you have much livestock) may stay in the towns I have given you, 20 until the Lord gives rest to your fellow Israelites as he has to you, and they too have taken over the land that the Lord your God is giving them across the Jordan. After that, each of you may go back to the possession I have given you.”

Moses Forbidden to Cross the Jordan

21 At that time I commanded Joshua: “You have seen with your own eyes all that the Lord your God has done to these two kings. The Lord will do the same to all the kingdoms over there where you are going. 22 Do not be afraid(AH) of them;(AI) the Lord your God himself will fight(AJ) for you.”

23 At that time I pleaded(AK) with the Lord: 24 “Sovereign Lord, you have begun to show to your servant your greatness(AL) and your strong hand. For what god(AM) is there in heaven or on earth who can do the deeds and mighty works(AN) you do?(AO) 25 Let me go over and see the good land(AP) beyond the Jordan—that fine hill country and Lebanon.(AQ)

26 But because of you the Lord was angry(AR) with me and would not listen to me. “That is enough,” the Lord said. “Do not speak to me anymore about this matter. 27 Go up to the top of Pisgah(AS) and look west and north and south and east.(AT) Look at the land with your own eyes, since you are not going to cross(AU) this Jordan.(AV) 28 But commission(AW) Joshua, and encourage(AX) and strengthen him, for he will lead this people across(AY) and will cause them to inherit the land that you will see.” 29 So we stayed in the valley near Beth Peor.(AZ)

Footnotes

  1. Deuteronomy 3:6 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
  2. Deuteronomy 3:6 The Hebrew term refers to the irrevocable giving over of things or persons to the Lord, often by totally destroying them.
  3. Deuteronomy 3:11 That is, about 14 feet long and 6 feet wide or about 4 meters long and 1.8 meters wide
  4. Deuteronomy 3:14 Or called the settlements of Jair