Deuteronomio 28
Ang Dating Biblia (1905)
28 At mangyayaring kung iyong didingging masikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang isagawa ang lahat niyang utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay itataas ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bansa sa lupa:
2 At ang lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios.
3 Magiging mapalad ka sa bayan, at magiging mapalad ka sa parang.
4 Magiging mapalad ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, at ang bunga ng iyong mga hayop, ang karagdagan sa iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.
5 Magiging mapalad ang iyong buslo at ang iyong palayok.
6 Magiging mapalad ka sa iyong pagpasok, at magiging mapalad ka sa iyong paglabas.
7 Pasasaktan ng Panginoon sa harap mo ang iyong mga kaaway na nagbabangon laban sa iyo: sila'y lalabas laban sa iyo sa isang daan at tatakas sa harap mo sa pitong daan.
8 Igagawad sa iyo ng Panginoon ang kaniyang pagpapala sa iyong mga kamalig, at sa lahat ng pagpatungan mo ng iyong kamay at pagpapalain ka niya sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
9 Itatatag ka ng Panginoon na isang banal na bayan sa kaniya, gaya ng kaniyang isinumpa sa iyo; kung iyong gaganapin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, at lalakad ka sa kaniyang mga daan.
10 At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa, na ikaw ay tinawag sa pamamagitan ng pangalan ng Panginoon at sila'y matatakot sa iyo.
11 At ikaw ay pasasaganain ng Panginoon, sa ikabubuti mo, sa bunga ng iyong katawan, at sa bunga ng iyong mga hayop, at sa bunga ng iyong lupa, sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang upang ibigay sa iyo.
12 Bubuksan ng Panginoon sa iyo ang kaniyang mabuting kayamanan, ang langit, upang ibigay ang ulan sa iyong lupain sa kapanahunan, at upang pagpalain ang buong gawa ng iyong kamay; at ikaw ay magpapahiram sa maraming bansa, at ikaw ay hindi hihiram.
13 At gagawin ka ng Panginoon na ulo at hindi buntot, at ikaw ay magiging sa ibabaw lamang, at hindi ka mapapasailalim; kung iyong didinggin ang mga utos ng Panginoon mong Dios, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong sundin at gawin;
14 At huwag kang lilihis sa anoman sa mga salita na aking iniuutos sa inyo sa araw na ito, sa kanan o sa kaliwa, upang sumunod sa ibang mga dios na paglilingkuran sila.
15 Nguni't mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.
16 Susumpain ka sa bayan, at susumpain ka sa parang.
17 Susumpain ang iyong buslo at ang iyong palayok.
18 Susumpain ang bunga ng iyong katawan, at ang bunga ng iyong lupa, ang karagdagan ng iyong bakahan at ang mga anak ng iyong kawan.
19 Susumpain ka sa iyong pagpasok, at susumpain ka sa iyong paglabas.
20 Ibubugso ng Panginoon sa iyo ang sumpa, ang kalituhan, at ang saway, sa lahat ng pagpapatungan ng iyong kamay na iyong gagawin, hanggang sa ikaw ay mabuwal, at hanggang sa ikaw ay malipol na madali; dahil sa kasamaan ng iyong mga gawa, na sa gayo'y pinabayaan mo ako.
21 Ikakapit sa iyo ng Panginoon ang salot hanggang sa maubos ka sa lupa, na iyong pinapasok upang ariin.
22 Sasalutin ka ng Panginoon ng sakit na tuyo, at ng lagnat, at ng pamamaga, at ng nagaapoy na init, at ng tabak, at ng salot ng hangin, at ng sakit sa pagani; at kanilang hahabulin ka hanggang sa ikaw ay malipol.
23 At ang iyong langit na nasa itaas ng iyong ulo, ay magiging tanso, at ang lupa na nasa ilalim mo ay magiging bakal.
24 Ang ipauulan ng Panginoon sa iyong lupa ay abo at alabok; mula sa langit ay bababa sa iyo, hanggang sa ikaw ay magiba.
25 Pasasaktan ka ng Panginoon sa harap ng iyong mga kaaway; ikaw ay lalabas sa isang daan laban sa kanila, at tatakas sa pitong daan sa harap nila: at ikaw ay papagpaparoo't parituhin sa lahat ng mga kaharian sa lupa.
26 At ang iyong bangkay ay magiging pagkain sa lahat ng mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang taong bubugaw sa kanila.
27 Sasalutin ka ng Panginoon ng bukol sa Egipto, at ng mga grano, at ng kati, at ng galis, na hindi mapagagaling.
28 Sasaktan ka ng Panginoon ng pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng pagkagulat ng puso;
29 At ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.
30 Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.
31 Ang iyong baka ay papatayin sa harap ng iyong mga mata, at hindi mo makakain yaon; ang iyong asno ay aagawin sa harap ng iyong mukha, at hindi na masasauli sa iyo: ang iyong tupa ay mabibigay sa iyong mga kaaway, at walang magliligtas sa iyo.
32 Ang iyong mga anak na lalake at babae ay magbibigay sa ibang bayan; at ang iyong mga mata ay titingin, at mangangalay ng paghihintay sa kanila sa buong araw: at ang iyong kamay ay walang magagawa.
33 Ang bunga ng iyong lupa, at lahat ng iyong gawa ay kakanin ng bansang di mo nakikilala; at ikaw ay mapipighati at magigipit na palagi:
34 Na anopa't ikaw ay mauulol dahil sa makikita ng paningin ng iyong mga mata.
35 Sasaktan ka ng Panginoon sa mga tuhod at sa mga hita, ng isang masamang bukol na hindi mo mapagagaling, mula sa talampakan ng iyong paa hanggang sa bao ng iyong ulo.
36 Dadalhin ka ng Panginoon, at ang iyong haring ilalagay mo sa iyo, sa isang bansang hindi mo nakilala, ninyo ng iyong mga magulang at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na kahoy at bato.
37 At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.
38 Kukuha ka ng maraming binhi sa bukid, at kaunti ang iyong titipunin; sapagka't uubusin ng balang.
39 Ikaw ay maguubasan at iyong aalagaan, nguni't ni hindi ka iinom ng alak, ni mamimitas ng ubas; sapagka't kakanin yaon ng uod.
40 Magkakaroon ka ng mga puno ng olibo sa lahat ng iyong mga hangganan, nguni't hindi ka magpapahid ng langis; sapagka't ang iyong olibo ay malalagasan ng buko.
41 Ikaw ay magkakaanak ng mga lalake at mga babae, nguni't sila'y hindi magiging iyo; sapagka't sila'y yayaon sa pagkabihag.
42 Lahat ng iyong puno ng kahoy at bunga ng iyong lupa ay aariin ng balang.
43 Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.
44 Siya'y magpapahiram sa iyo, at ikaw ay hindi makapagpapahiram sa kaniya: siya'y magiging ulo, at ikaw ay magiging buntot.
45 At lahat ng mga sumpang ito ay darating sa iyo at hahabulin ka, at aabutan ka, hanggang sa magiba ka; sapagka't hindi mo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga palatuntunan na kaniyang iniutos sa iyo:
46 At ang mga yao'y magiging isang tanda at isang kababalaghan sa iyo, at sa iyong lahi magpakailan man:
47 Sapagka't hindi ka naglingkod sa Panginoon mong Dios na may kagalakan, at may kasayahan ng puso, dahil sa kasaganaan ng lahat ng mga bagay:
48 Kaya't maglilingkod ka sa iyong mga kaaway na susuguin ng Panginoon laban sa iyo, na may gutom, at uhaw, at kahubaran, at sa kakulangan ng lahat ng mga bagay: at lalagyan ka niya ng isang pamatok na bakal sa iyong leeg hanggang sa maibuwal ka niya.
49 Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo, mula sa katapusan ng lupa, na gaya ng lumilipad ang aguila; isang bansang ang wika'y hindi mo nababatid;
50 Bansang mukhang mabangis, na hindi igagalang ang pagkatao ng matanda, ni magpapakundangan sa bata:
51 At kaniyang kakanin ang anak ng iyong hayop at ang bunga ng iyong lupa, hanggang sa maibuwal ka; na wala ring matitira sa iyong trigo, alak, o langis, ng karagdagan ng iyong bakahan, o ng anak ng iyong kawan, hanggang sa ikaw ay maipalipol.
52 At kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, hanggang sa ang iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak, na siyang iyong inaasahan, sa iyong buong lupain; at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan sa iyong buong lupain, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
53 At kakain ka ng bunga ng iyong sariling katawan, ng laman ng iyong mga anak na lalake at babae, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, sa pagkakubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway.
54 Ang lalaking mahabagin sa gitna mo, at totoong maramdamin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa kaniyang kapatid, at sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa labis sa kaniyang mga anak na ititira:
55 Na anopa't hindi niya ibibigay sa kaninoman sa kanila ang laman ng kaniyang mga anak na kaniyang kakanin, sapagka't walang natira sa kaniya, sa pagkubkob at sa kagipitan na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa lahat ng iyong mga pintuang-bayan.
56 Ang mahabagin at maramdaming babae sa gitna mo, na hindi pa natitikmang itungtong ang talampakan ng kaniyang paa sa lupa dahil sa kahinhinan at pagkamahabagin, ay magiging masama ang kaniyang mata sa asawa ng kaniyang sinapupunan, at sa kaniyang anak na lalake, at babae;
57 At sa kaniyang sanggol na lumalabas sa pagitan ng kaniyang mga paa at sa kaniyang mga anak na kaniyang ipanganganak; sapagka't kaniyang kakanin ng lihim sila dahil sa kakulangan ng lahat ng mga bagay, sa pagkubkob at sa kagipitan, na igigipit sa iyo ng iyong mga kaaway sa iyong mga pintuang-bayan.
58 Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios.
59 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.
60 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.
61 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.
62 At kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios.
63 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin.
64 At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.
65 At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa:
66 At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay.
67 Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.
68 At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.
Deuteronomio 28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Pagpapala sa Pagsunod(A)
28 “Kung lubos ninyong susundin ang Panginoon na inyong Dios at gagawin ang lahat ng utos niya na ibinibigay ko sa inyo ngayon, gagawin niya kayong nakakahigit sa lahat ng bansa rito sa mundo. 2 Kung susundin ninyo ang Panginoon na inyong Dios, mapapasainyo ang lahat ng pagpapalang ito:
3 “Pagpapalain niya ang mga lungsod at mga bukid ninyo. 4 Pagpapalain niya kayo ng maraming anak, masaganang ani at maraming hayop. 5 Pagpapalain niya kayo ng masaganang ani at pagkain. 6 Pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo. 7 Ipapatalo ng Panginoon sa inyo ang mga kaaway na sasalakay sa inyo. Sama-sama silang sasalakay sa inyo pero magkakanya-kanya sila sa pagtakas. 8 Pagpapalain ng Panginoon na inyong Dios ang lahat ng ginagawa ninyo at pupunuin niya ng ani ang mga bodega ninyo. Pagpapalain niya kayo sa lupaing ibinibigay niya sa inyo. 9 Ayon sa ipinangako ng Panginoon na inyong Dios, gagawin niya kayo na pinili niyang mamamayan, kung susundin ninyo ang kanyang mga utos at mamumuhay ng ayon sa kanyang pamamaraan. 10 At sa ganoon ay malalaman ng lahat ng tao sa mundo na pinili kayo ng Panginoon, at matatakot sila sa inyo. 11 Pagpapalain kayo ng Panginoon doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay sa inyo. Pararamihin niya ang inyong mga anak, mga hayop at ang inyong ani. 12 Padadalhan kayo ng Panginoon ng ulan sa tamang panahon mula sa taguan ng kayamanan niya sa langit, at pagpapalain niya ang lahat ng ginagawa ninyo. Magpapautang kayo sa maraming bansa, pero kayo ay hindi mangungutang. 13 Gagawin kayo ng Panginoon na pinuno ng mga bansa, at hindi tagasunod lang. Lagi kayong nasa itaas at hindi sa ilalim kung susundin ninyong mabuti ang mga utos ng Panginoon na inyong Dios na ibinibigay ko sa inyo ngayon. 14 Kaya huwag ninyong susuwayin ang alinman sa iniuutos ko sa inyo sa araw na ito, at huwag kayong susunod sa ibang mga dios at maglilingkod sa kanila.
Ang mga Sumpa sa Hindi Pagsunod(B)
15 “Ngunit kung hindi kayo susunod sa Panginoon na inyong Dios at hindi susunding mabuti ang lahat ng utos niya at tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, mararanasan ninyo ang lahat ng sumpang ito: 16 Susumpain ng Panginoon ang inyong mga lungsod at bukid. 17 Susumpain niya ang inyong mga ani at pagkain. 18 Susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kaunting anak, ani, at hayop. 19 Susumpain niya ang lahat ng gagawin ninyo. 20 Maguguluhan at malilito kayo sa lahat ng gagawin ninyo hanggang sa malipol kayo at tuluyang mawala, dahil sa masama ninyong ginagawa sa pamamagitan ng pagsuway sa kanya.[a] 21 Padadalhan kayo ng Panginoon ng mga salot hanggang sa mamatay kayo roon sa lupain na titirhan at aangkinin ninyo. 22 Pahihirapan kayo ng Panginoon sa sakit na hindi gumagaling, lagnat, pamamaga, mainit na hangin, mahabang tagtuyot,[b] at peste sa mga halaman hanggang sa mamatay kayo. 23 Magiging parang tanso ang langit na hindi magbibigay ng ulan at ang lupa ay matutuyo at magiging kasintigas ng bakal. 24 Sa halip na tubig ang ibigay ng Panginoon sa inyo bilang ulan, alikabok ang ibibigay niya. Pauulanin niya ng alikabok hanggang sa mamatay kayo.
25 “Ipapatalo kayo ng Panginoon sa inyong mga kaaway. Sama-sama kayong sasalakay sa kanila, pero magkakanya-kanya kayo sa pagtakas. Magiging kasuklam-suklam kayo sa lahat ng kaharian sa mundo. 26 Kakainin ng mga ibon at mababangis na hayop ang mga bangkay ninyo, at walang magtataboy sa kanila. 27 Pahihirapan kayo ng Panginoon sa mga bukol na ipinadala niya sa mga Egipcio. Patutubuan niya kayo ng tumor, pangangati at galis na hindi gumagaling. 28 Gagawin kayong baliw ng Panginoon, bubulagin at lilituhin. 29 Mangangapa kayo kahit na araw tulad ng isang bulag. Hindi kayo uunlad sa lahat ng ginagawa ninyo. Palagi kayong aapihin at pagnanakawan, at walang tutulong sa inyo.
30 “Aagawin[c] ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay pero hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas pero hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito. 31 Kakatayin ang baka ninyo sa inyong harapan, pero hindi ninyo ito makakain. Pipiliting kunin sa inyo ang inyong mga asno, at hindi na ito ibabalik sa inyo. Ibibigay ang inyong mga tupa sa inyong mga kaaway, at walang tutulong sa inyo upang mabawi ito. 32 Habang nakatingin kayo, bibihagin ang mga anak ninyo ng mga taga-ibang bansa, at araw-araw kayong aasang babalik sila, pero wala kayong magagawa. 33 Kakainin ng mga taong hindi ninyo nakikilala ang pinaghirapan ninyo, at palagi kayong aapihin at pahihirapan. 34 At kapag nakita ninyo itong lahat, mababaliw kayo. 35 Patutubuan kayo ng Panginoon ng mga bukol na hindi gumagaling mula sa sakong hanggang sa ulo ninyo.
36 “Kayo at ang pinili ninyong hari ay ipapabihag ng Panginoon sa bansang hindi ninyo kilala maging ng inyong mga ninuno. Doon, sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato. 37 Kasusuklaman kayo, hahamakin, at kukutyain ng mga naninirahan sa mga bansa kung saan kayo binihag.
38 “Marami ang itatanim ninyo pero kakaunti lang ang inyong aanihin, dahil kakainin ito ng mga balang. 39 Magtatanim kayo ng ubas at aalagaan ninyo ito, pero hindi kayo makakapamitas ng bunga nito o makakainom ng katas mula rito, dahil kakainin ito ng mga uod. 40 Magtatanim kayo ng maraming olibo kahit saan sa inyong lugar, pero wala kayong makukuhang langis mula rito, dahil malalaglag ang mga bunga nito. 41 Magkakaanak kayo pero, mawawala sila sa inyo dahil bibihagin sila. 42 Kakainin ng maraming insekto ang lahat ng inyong puno at pananim.
43 “Unti-unting magiging makapangyarihan ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo habang kayo naman ay unti-unting manghihina. 44 Papautangin nila kayo pero hindi kayo makapagpapautang sa kanila. Sila ang mamumuno sa inyo at kayo ang susunod sa kanila. 45 Mangyayari ang lahat ng sumpang ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo, kung hindi ninyo susundin ang Panginoon na inyong Dios at ang kanyang mga utos at mga tuntunin na ibinigay niya sa inyo. 46 Magiging babala sa inyo at sa inyong mga salinlahi ang mga sumpang ito magpakailanman. 47 Dahil hindi kayo naglingkod nang may kaligayahan at kagalakan sa Panginoon na inyong Dios sa panahon ng inyong kasaganaan, 48 ibibigay niya kayo sa mga kaaway na ipinadala niya sa inyo at maglilingkod kayo sa kanila. Gugutumin kayo, uuhawin, kukulangin ng damit at mawawalan ng lahat ng bagay. Pahihirapan niya kayo na parang kinabitan ng pamatok na bakal sa leeg hanggang sa mamatay kayo.
49 “Ipapasalakay kayo ng Panginoon sa isang bansa na mula sa malayong lugar, sa dulo ng mundo, na hindi ninyo maintindihan ang salita. Sasalakayin nila kayo katulad ng pagsila ng agila sa mga kaaway. 50 Mababangis sila at walang awa sa matanda man o bata. 51 Kakainin nila ang mga hayop at mga ani ninyo hanggang sa mamatay kayo. Wala silang ititirang trigo, bagong katas ng ubas, langis o hayop hanggang sa malipol kayo. 52 Sasalakayin nila ang lahat ng lungsod na ibinibigay ng Panginoon na inyong Dios sa inyo hanggang sa gumuho ang nagtataasang pader nito na pinagtitiwalaan ninyo.
53 “Sa panahong pinapalibutan kayo ng mga kaaway, kakainin ninyo ang inyong mga anak na ibinigay sa inyo ng Panginoon na inyong Dios dahil sa sobrang gutom. 54 Kahit na ang mahinahon at napakabait na tao sa inyo ay hindi na maaawa sa kanyang kapatid, sa minamahal niyang asawa at sa natira niyang anak. 55 Hindi niya sila bibigyan ng kinakain niyang laman ng kanyang anak dahil natatakot siyang maubusan ng pagkain. Ganyan ang mangyayari sa inyo sa panahon na papalibutan ng inyong mga kaaway ang lahat ng lungsod ninyo. 56 Kahit na ang mahinhin at napakabait na babae ay magiging mabangis sa kanyang minamahal na asawaʼt mga anak. 57 Itatago niya ang kanyang anak na kapapanganak pa lang at ang inunan nito para kainin nang lihim, dahil natatakot siyang walang makain habang pinapalibutan ng inyong mga kaaway ang mga lungsod.
58 “Kung hindi ninyo susunding mabuti ang lahat ng mga utos na nakasulat sa aklat na ito, at hindi igagalang ang kahanga-hanga at kamangha-manghang pangalan ng Panginoon na inyong Dios, 59 padadalhan niya kayo at ang inyong mga lahi ng malulubhang karamdaman na sobrang sakit at wala nang lunas para rito. 60 Ipapalasap niya sa inyo ang nakakatakot na mga karamdaman na ipinadala niya sa Egipto, at mananatili ito sa inyo. 61 Ipapalasap din sa inyo ng Panginoon ang lahat ng uri ng karamdaman na hindi naisulat sa aklat ng kasunduan, hanggang sa mamatay kayo. 62 Kahit na kasindami kayo ng bituin sa langit, kakaunti lang ang matitira sa inyo dahil hindi kayo sumunod sa Panginoon na inyong Dios. 63 Gaya ng kasiyahan ng Panginoon sa pagpapaunlad at pagpaparami sa inyo, ikasisiya rin niya ang pagwasak at pagpatay sa inyo, hanggang sa mawala kayo sa lupaing titirhan at aangkinin ninyo.
64 “Pangangalatin kayo ng Panginoon sa lahat ng bansa sa bawat sulok ng mundo. At dooʼy sasamba kayo sa ibang mga dios na gawa sa kahoy at bato, na hindi ninyo nakikilala o ng inyong mga ninuno. 65 Wala kayong kapayapaan doon at wala rin kayong lugar na mapagpapahingahan. Hindi kayo bibigyan ng Panginoon ng kapanatagan at mawawalan kayo ng pag-asa, at palaging mamumuhay sa kabiguan. 66 Laging manganganib ang inyong buhay; araw at gabi kayoʼy matatakot, at walang katiyakan ang inyong buhay. 67 Dahil sa takot ninyo sa mga bagay na nakikita ninyo sa paligid, sasabihin ninyo kapag umaga, ‘Sana, gabi na.’ At kapag gabi naman, sasabihin ninyong, ‘Sana, umaga na.’ 68 Pababalikin kayo ng Panginoon sa Egipto sakay ng barko, kahit na sinabi ko sa inyo na hindi na kayo dapat bumalik doon. Ipagbibili ninyo roon ang inyong mga sarili sa inyong mga kaaway bilang mga alipin, pero walang bibili sa inyo.”
5 Moseboken 28
Svenska Folkbibeln 2015
Lydnad leder till Guds välsignelse
28 (A) Om du lyssnar till Herren din Guds röst, genom att noggrant följa alla hans bud som jag i dag ger dig, så ska Herren din Gud upphöja dig över alla folk på jorden. 2 Och alla dessa välsignelser ska komma över dig och nå fram till dig, när du lyssnar till Herren din Guds röst:
3 Välsignad ska du vara i staden,
och välsignad ute på marken.
4 Välsignad ska ditt
moderlivs frukt vara
och din marks gröda,
det din boskap föder,
dina kors kalvar
och dina tackors lamm.
5 Välsignad ska din korg vara
och välsignat ditt baktråg.
6 (B) Välsignad ska du vara
när du kommer in,
och välsignad ska du vara
när du går ut.
7 När dina fiender reser sig mot dig, ska Herren låta dem bli slagna inför dig. På en väg ska de dra ut mot dig, men på sju vägar ska de fly för dig. 8 Herren ska befalla sin välsignelse att vara med dig i dina förråd och i allt du företar dig. Han ska välsigna dig i det land som Herren din Gud ger dig.
9 (C) Herren ska upphöja dig till ett heligt folk åt sig, så som han med ed har lovat dig, om du håller Herren din Guds bud och vandrar på hans vägar. 10 Och jordens alla folk ska se att du är uppkallad efter Herrens namn och respektera dig. 11 (D) Herren ska ge dig överflöd av allt gott – barn, avkomma från boskapen och gröda på marken – i det land som Herren med ed har lovat dina fäder att ge dig. 12 (E) Herren ska öppna för dig sitt rika förrådshus, himlen, för att ge regn i rätt tid åt ditt land och välsigna alla dina händers verk. Du ska ge lån åt många hednafolk men själv ska du inte låna av någon. 13 Herren ska göra dig till huvud och inte till svans. Du ska bara vara över och aldrig vara under, om du lyssnar till Herren din Guds bud som jag i dag ger dig för att du ska hålla och följa dem. 14 Vik inte av, varken åt höger eller vänster, från något av alla de bud som jag i dag ger er, så att du följer andra gudar och tjänar dem.
Olydnad leder till Guds förbannelse
15 (F) Men om du inte lyder Herren din Guds röst och inte håller fast vid och följer alla hans bud och stadgar som jag i dag ger dig, så ska alla dessa förbannelser komma över dig och nå fram till dig:
16 Förbannad ska du vara i staden,
och förbannad ute på marken.
17 Förbannad ska din korg vara
och förbannat ditt baktråg.
18 Förbannad ska ditt
moderlivs frukt vara
och din marks gröda,
dina kors kalvar
och dina tackors lamm.
19 Förbannad ska du vara
när du kommer in,
och förbannad ska du vara
när du går ut.
20 Herren ska sända över dig förbannelse, förvirring och straff i allt du gör och företar dig, tills du förgörs och snabbt förgås för dina onda gärningars skull, eftersom du har övergett mig. 21 Herren ska låta pesten drabba dig tills han har utrotat dig ur det land dit du nu kommer för att ta det i besittning. 22 (G) Herren ska slå dig med tärande sjukdom, feber och hetta, med brand och svärd, med sot och rost[a]. Det ska förfölja dig tills du förgås. 23 (H) Himlen över ditt huvud ska vara som koppar, och jorden under dig ska vara som järn[b]. 24 Damm och stoft ska vara det regn Herren ger åt ditt land. Från himlen ska det komma ner över dig tills att du förgörs.
25 (I) Herren ska låta dig bli slagen inför dina fiender. På en väg ska du dra ut mot dem, men på sju vägar ska du fly för dem, och du ska bli ett avskräckande exempel för alla riken på jorden. 26 Dina dödas kroppar ska bli mat åt alla himlens fåglar och åt markens djur, och ingen ska skrämma bort dem. 27 (J) Herren ska slå dig med Egyptens utslag och bölder, med skabb och skorv, så att du inte kan botas. 28 (K) Herren ska slå dig med vanvett, blindhet och sinnesförvirring.
29 Du ska famla mitt på ljusa dagen, så som en blind famlar i mörker, och du ska inte ha framgång på dina vägar. Du ska bli förtryckt och plundrad i alla dina dagar utan att någon räddar dig. 30 (L) Du ska trolova dig med en kvinna, men en annan man ska ligga med henne. Du ska bygga ett hus, men inte få bo i det. Du ska plantera en vingård, men inte få skörda någon frukt från den. 31 Din oxe ska slaktas inför dina ögon, men du ska inte få äta av den. Din åsna ska rövas bort från dig i din åsyn och inte föras tillbaka till dig. Dina får ska ges till dina fiender utan att någon kommer till din hjälp. 32 Dina söner och döttrar ska ges till främmande folk, och dina ögon ska se det och ivrigt längta efter dem varje dag, men du ska stå maktlös. 33 (M) Ett folk som du inte känner ska äta frukten av din mark och allt ditt arbete. Du ska i alla dina dagar bli förtryckt och utsatt för våld. 34 Du ska drivas till vanvett av det du kommer att se med dina ögon. 35 Herren ska slå dig med svåra bölder på knän och ben, från fotbladet ända till hjässan, så att du inte ska kunna botas.
36 Herren ska föra bort dig och den kung som du sätter över dig till ett folk[c] som varken du eller dina fäder har känt, och där ska du tjäna andra gudar, gudar av trä och sten. 37 (N) Du ska bli till häpnad och ett ordspråk och en nidvisa bland alla de hednafolk som Herren ska föra dig till.
38 (O) På åkern ska du föra ut mycket säd, men du ska skörda lite, för gräshoppor ska äta upp den. 39 Vingårdar ska du plantera och bruka, men inget vin ska du få att dricka och inget ska du få samla in, för maskar ska äta upp allt. 40 Olivlundar ska du ha överallt i ditt land, men du ska inte smörja din kropp med oljan, för oliverna ska falla av. 41 Söner och döttrar ska du föda, men du ska inte få behålla dem, för de måste gå i fångenskap. 42 Alla dina träd och all din marks frukt ska angripas av gräshoppor. 43 Främlingen som bor hos dig ska höja sig över dig allt högre och högre, men du ska sjunka ner allt djupare och djupare. 44 Han ska ge lån åt dig, men du ska inte ge lån åt honom. Han ska bli huvudet och du ska bli svansen.
45 Alla dessa förbannelser ska komma över dig och förfölja dig och träffa dig tills du går under, därför att du inte lyssnade till Herren din Guds röst och inte höll de bud och stadgar som han gav dig. 46 Som tecken och under ska de komma över dig och dina efterkommande till evig tid. 47 Eftersom du inte tjänade Herren din Gud med glädje och av hjärtans lust, medan du hade överflöd på allt, 48 ska du komma att tjäna fiender som Herren ska sända mot dig, under hunger, törst och nakenhet och brist på allt. Och han ska lägga ett ok[d] av järn på din nacke tills han har utrotat dig.
49 (P) Herren ska sända över dig ett folk från fjärran, från jordens ände, likt örnen[e] i sin flykt, ett folk vars språk du inte förstår, 50 (Q) ett folk med bister uppsyn, som inte tar hänsyn till de gamla och inte visar förbarmande med de unga. 51 Det folket ska äta upp frukten av din boskap och frukten av din mark tills du utrotas, för de ska inte lämna kvar åt dig vare sig säd, vin eller olja, inte dina kors kalvar och dina tackors lamm, tills de gjort slut på dig. 52 De ska angripa dig i alla dina städer tills dina höga och befästa murar som du litar till faller i hela ditt land. Ja, de ska angripa dig i alla dina städer över hela ditt land, det land som Herren din Gud har gett dig.
53 (R) I sådan nöd och sådant trångmål ska din fiende försätta dig att du ska äta din egen livsfrukt, köttet av dina söner och döttrar[f] som Herren din Gud har gett dig. 54 En känslig och mycket bortskämd man hos dig ska då se med så ont öga på sin bror och på hustrun som han tar i famn och på de barn han ännu har kvar, 55 att han inte vill dela med sig till någon av dem av sina barns kött, för han äter det själv, eftersom han inte har något annat kvar. I sådan nöd och sådant trångmål ska din fiende försätta dig i alla dina städer. 56 En känslig och bortskämd kvinna hos dig, så känslig och bortskämd att hon inte ens försökt sätta sin fot på marken, ska då se med så ont öga på mannen som hon tar i famn och på sin son och sin dotter, 57 att hon missunnar dem efterbörden som kommer ur hennes liv och barnen som hon föder. I brist på allt annat ska hon i hemlighet äta det. I sådan nöd och sådant trångmål ska din fiende försätta dig i dina städer.
58 Om du inte noggrant följer alla ord i denna lag som är skrivna i denna bok, så att du fruktar detta härliga och fruktade namn ”Herren din Gud”, 59 då ska Herren sända mycket svåra plågor över dig och dina efterkommande, stora och långvariga plågor, elakartade och långvariga sjukdomar. 60 Han ska låta Egyptens alla farsoter, som du är rädd för, komma tillbaka, och de ska drabba dig. 61 Också många andra sjukdomar och plågor, som inte är nerskrivna i denna lagbok, ska Herren låta komma över dig tills du går under. 62 (S) Och av er ska det bli ett fåtal kvar, ni som tidigare var talrika som stjärnorna på himlen, eftersom du inte lyssnade till Herren din Guds röst. 63 (T) Och liksom Herren förut gladde sig över er när han fick göra er gott och föröka er, så ska Herren nu glädja sig över er också när han utrotar och förgör er. Ni ska ryckas bort ur det land som ni är på väg till för att ta i besittning.
64 (U) Herren ska sprida ut dig bland alla folk, från jordens ena ände till den andra, och där ska du tjäna andra gudar som varken du eller dina fäder har känt, gudar av trä och sten. 65 Bland de folken ska du inte få någon ro eller någon vila för din fot. Herren ska där ge dig ett bävande hjärta och förtvinande ögon och en ångestfylld själ. 66 Du ska sväva i största livsfara, du ska darra både natt och dag och inte vara säker för ditt liv. 67 På morgonen kommer du att säga: ”Om det ändå vore kväll!”, och på kvällen kommer du att säga: ”Om det ändå vore morgon!” Detta på grund av den fruktan du ska känna i ditt hjärta och den syn dina ögon ska se. 68 Och Herren ska föra dig tillbaka till Egypten på skepp[g], på den väg om vilken jag sade till dig: ”Du ska inte se den mer.” Där ska ni bjuda ut er till salu som slavar och slavinnor åt era fiender. Men ingen ska vilja köpa.
Footnotes
- 28:22 sot och rost Sädessjukdomar som orsakades av ökenvindar och svampangrepp.
- 28:23 Himlen … som koppar och jorden … som järn Syftar på svåra torrperioder (2 Kung 17-18, Amos 4:7f, Hagg 1:10f).
- 28:36 föra bort dig … till ett folk Skedde vid nordrikets fall 722 f Kr (2 Kung 17) och vid den babyloniska fångenskapen 587 f Kr (2 Kung 24-25).
- 28:48 ok Arbetssele av trä med järnbeslag, en vanlig bild för underordning (jfr 1 Kung 12:4, Jes 9:4).
- 28:49 örnen Bibelns ”örn” (hebr. nésher) syftar troligen på den örnliknande gåsgamen (2,5 m bred).
- 28:53 äta … era söner och döttrar Desperata svältande människor drevs till kannibalism vid t ex utdragna belägringar (2 Kung 6:28f, Jer 19:9, Klag 4:10).
- 28:68 till Egypten på skepp Egyptier hemförde åtskilliga slavar från plundringståg i Kanaan.
Deuteronomy 28
King James Version
28 And it shall come to pass, if thou shalt hearken diligently unto the voice of the Lord thy God, to observe and to do all his commandments which I command thee this day, that the Lord thy God will set thee on high above all nations of the earth:
2 And all these blessings shall come on thee, and overtake thee, if thou shalt hearken unto the voice of the Lord thy God.
3 Blessed shalt thou be in the city, and blessed shalt thou be in the field.
4 Blessed shall be the fruit of thy body, and the fruit of thy ground, and the fruit of thy cattle, the increase of thy kine, and the flocks of thy sheep.
5 Blessed shall be thy basket and thy store.
6 Blessed shalt thou be when thou comest in, and blessed shalt thou be when thou goest out.
7 The Lord shall cause thine enemies that rise up against thee to be smitten before thy face: they shall come out against thee one way, and flee before thee seven ways.
8 The Lord shall command the blessing upon thee in thy storehouses, and in all that thou settest thine hand unto; and he shall bless thee in the land which the Lord thy God giveth thee.
9 The Lord shall establish thee an holy people unto himself, as he hath sworn unto thee, if thou shalt keep the commandments of the Lord thy God, and walk in his ways.
10 And all people of the earth shall see that thou art called by the name of the Lord; and they shall be afraid of thee.
11 And the Lord shall make thee plenteous in goods, in the fruit of thy body, and in the fruit of thy cattle, and in the fruit of thy ground, in the land which the Lord sware unto thy fathers to give thee.
12 The Lord shall open unto thee his good treasure, the heaven to give the rain unto thy land in his season, and to bless all the work of thine hand: and thou shalt lend unto many nations, and thou shalt not borrow.
13 And the Lord shall make thee the head, and not the tail; and thou shalt be above only, and thou shalt not be beneath; if that thou hearken unto the commandments of the Lord thy God, which I command thee this day, to observe and to do them:
14 And thou shalt not go aside from any of the words which I command thee this day, to the right hand, or to the left, to go after other gods to serve them.
15 But it shall come to pass, if thou wilt not hearken unto the voice of the Lord thy God, to observe to do all his commandments and his statutes which I command thee this day; that all these curses shall come upon thee, and overtake thee:
16 Cursed shalt thou be in the city, and cursed shalt thou be in the field.
17 Cursed shall be thy basket and thy store.
18 Cursed shall be the fruit of thy body, and the fruit of thy land, the increase of thy kine, and the flocks of thy sheep.
19 Cursed shalt thou be when thou comest in, and cursed shalt thou be when thou goest out.
20 The Lord shall send upon thee cursing, vexation, and rebuke, in all that thou settest thine hand unto for to do, until thou be destroyed, and until thou perish quickly; because of the wickedness of thy doings, whereby thou hast forsaken me.
21 The Lord shall make the pestilence cleave unto thee, until he have consumed thee from off the land, whither thou goest to possess it.
22 The Lord shall smite thee with a consumption, and with a fever, and with an inflammation, and with an extreme burning, and with the sword, and with blasting, and with mildew; and they shall pursue thee until thou perish.
23 And thy heaven that is over thy head shall be brass, and the earth that is under thee shall be iron.
24 The Lord shall make the rain of thy land powder and dust: from heaven shall it come down upon thee, until thou be destroyed.
25 The Lord shall cause thee to be smitten before thine enemies: thou shalt go out one way against them, and flee seven ways before them: and shalt be removed into all the kingdoms of the earth.
26 And thy carcase shall be meat unto all fowls of the air, and unto the beasts of the earth, and no man shall fray them away.
27 The Lord will smite thee with the botch of Egypt, and with the emerods, and with the scab, and with the itch, whereof thou canst not be healed.
28 The Lord shall smite thee with madness, and blindness, and astonishment of heart:
29 And thou shalt grope at noonday, as the blind gropeth in darkness, and thou shalt not prosper in thy ways: and thou shalt be only oppressed and spoiled evermore, and no man shall save thee.
30 Thou shalt betroth a wife, and another man shall lie with her: thou shalt build an house, and thou shalt not dwell therein: thou shalt plant a vineyard, and shalt not gather the grapes thereof.
31 Thine ox shall be slain before thine eyes, and thou shalt not eat thereof: thine ass shall be violently taken away from before thy face, and shall not be restored to thee: thy sheep shall be given unto thine enemies, and thou shalt have none to rescue them.
32 Thy sons and thy daughters shall be given unto another people, and thine eyes shall look, and fail with longing for them all the day long; and there shall be no might in thine hand.
33 The fruit of thy land, and all thy labours, shall a nation which thou knowest not eat up; and thou shalt be only oppressed and crushed alway:
34 So that thou shalt be mad for the sight of thine eyes which thou shalt see.
35 The Lord shall smite thee in the knees, and in the legs, with a sore botch that cannot be healed, from the sole of thy foot unto the top of thy head.
36 The Lord shall bring thee, and thy king which thou shalt set over thee, unto a nation which neither thou nor thy fathers have known; and there shalt thou serve other gods, wood and stone.
37 And thou shalt become an astonishment, a proverb, and a byword, among all nations whither the Lord shall lead thee.
38 Thou shalt carry much seed out into the field, and shalt gather but little in; for the locust shall consume it.
39 Thou shalt plant vineyards, and dress them, but shalt neither drink of the wine, nor gather the grapes; for the worms shall eat them.
40 Thou shalt have olive trees throughout all thy coasts, but thou shalt not anoint thyself with the oil; for thine olive shall cast his fruit.
41 Thou shalt beget sons and daughters, but thou shalt not enjoy them; for they shall go into captivity.
42 All thy trees and fruit of thy land shall the locust consume.
43 The stranger that is within thee shall get up above thee very high; and thou shalt come down very low.
44 He shall lend to thee, and thou shalt not lend to him: he shall be the head, and thou shalt be the tail.
45 Moreover all these curses shall come upon thee, and shall pursue thee, and overtake thee, till thou be destroyed; because thou hearkenedst not unto the voice of the Lord thy God, to keep his commandments and his statutes which he commanded thee:
46 And they shall be upon thee for a sign and for a wonder, and upon thy seed for ever.
47 Because thou servedst not the Lord thy God with joyfulness, and with gladness of heart, for the abundance of all things;
48 Therefore shalt thou serve thine enemies which the Lord shall send against thee, in hunger, and in thirst, and in nakedness, and in want of all things: and he shall put a yoke of iron upon thy neck, until he have destroyed thee.
49 The Lord shall bring a nation against thee from far, from the end of the earth, as swift as the eagle flieth; a nation whose tongue thou shalt not understand;
50 A nation of fierce countenance, which shall not regard the person of the old, nor shew favour to the young:
51 And he shall eat the fruit of thy cattle, and the fruit of thy land, until thou be destroyed: which also shall not leave thee either corn, wine, or oil, or the increase of thy kine, or flocks of thy sheep, until he have destroyed thee.
52 And he shall besiege thee in all thy gates, until thy high and fenced walls come down, wherein thou trustedst, throughout all thy land: and he shall besiege thee in all thy gates throughout all thy land, which the Lord thy God hath given thee.
53 And thou shalt eat the fruit of thine own body, the flesh of thy sons and of thy daughters, which the Lord thy God hath given thee, in the siege, and in the straitness, wherewith thine enemies shall distress thee:
54 So that the man that is tender among you, and very delicate, his eye shall be evil toward his brother, and toward the wife of his bosom, and toward the remnant of his children which he shall leave:
55 So that he will not give to any of them of the flesh of his children whom he shall eat: because he hath nothing left him in the siege, and in the straitness, wherewith thine enemies shall distress thee in all thy gates.
56 The tender and delicate woman among you, which would not adventure to set the sole of her foot upon the ground for delicateness and tenderness, her eye shall be evil toward the husband of her bosom, and toward her son, and toward her daughter,
57 And toward her young one that cometh out from between her feet, and toward her children which she shall bear: for she shall eat them for want of all things secretly in the siege and straitness, wherewith thine enemy shall distress thee in thy gates.
58 If thou wilt not observe to do all the words of this law that are written in this book, that thou mayest fear this glorious and fearful name, The Lord Thy God;
59 Then the Lord will make thy plagues wonderful, and the plagues of thy seed, even great plagues, and of long continuance, and sore sicknesses, and of long continuance.
60 Moreover he will bring upon thee all the diseases of Egypt, which thou wast afraid of; and they shall cleave unto thee.
61 Also every sickness, and every plague, which is not written in the book of this law, them will the Lord bring upon thee, until thou be destroyed.
62 And ye shall be left few in number, whereas ye were as the stars of heaven for multitude; because thou wouldest not obey the voice of the Lord thy God.
63 And it shall come to pass, that as the Lord rejoiced over you to do you good, and to multiply you; so the Lord will rejoice over you to destroy you, and to bring you to nought; and ye shall be plucked from off the land whither thou goest to possess it.
64 And the Lord shall scatter thee among all people, from the one end of the earth even unto the other; and there thou shalt serve other gods, which neither thou nor thy fathers have known, even wood and stone.
65 And among these nations shalt thou find no ease, neither shall the sole of thy foot have rest: but the Lord shall give thee there a trembling heart, and failing of eyes, and sorrow of mind:
66 And thy life shall hang in doubt before thee; and thou shalt fear day and night, and shalt have none assurance of thy life:
67 In the morning thou shalt say, Would God it were even! and at even thou shalt say, Would God it were morning! for the fear of thine heart wherewith thou shalt fear, and for the sight of thine eyes which thou shalt see.
68 And the Lord shall bring thee into Egypt again with ships, by the way whereof I spake unto thee, Thou shalt see it no more again: and there ye shall be sold unto your enemies for bondmen and bondwomen, and no man shall buy you.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Svenska Folkbibeln 2015, Copyright © 2015 by Svenska Folkbibeln Foundation