Add parallel Print Page Options

59 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon.

60 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat (A)ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo.

61 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal.

Read full chapter