Add parallel Print Page Options

28 Sasaktan ka ng Panginoon ng (A)pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng (B)pagkagulat ng puso;

29 At (C)ikaw ay magaapuhap sa katanghaliang tapat na gaya ng bulag na nagaapuhap sa kadiliman, at hindi ka giginhawa sa iyong mga lakad: at ikaw ay mapipighati at sasamsaman kailan man, at walang taong magliligtas sa iyo.

30 (D)Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: (E)ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.

Read full chapter