Deuteronomio 24:14-15
Ang Biblia (1978)
14 (A)Huwag mong pipighatiin ang isang nagpapaupang dukha at salat, maging siya'y sa iyong mga kapatid, o sa mga iyong taga ibang bayan na nangasa iyong bayan sa loob ng iyong mga pintuang-daan:
15 Sa kaniyang kaarawan ay (B)ibibigay mo sa kaniya ang kaniyang kaupahan, ni huwag lulubugan ng araw (sapagka't siya'y mahirap, at siyang inaasahan ng kaniyang puso); (C)baka siya'y dumaing sa Panginoon laban sa iyo at maging kasalanan sa iyo.
Read full chapter
Malakias 3:5
Ang Biblia (1978)
5 At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban (A)doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa (B)babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Read full chapter
Santiago 5:4
Ang Biblia (1978)
4 Narito, ang kaupahan (A)ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at (B)ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng (C)mga hukbo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978